Kabanata 35

1.8K 35 0
                                    

Kabanata 35

Graduation

"Hailey! Bilisan mo na dyan at baka malate tayo sa graduation mo!" Sigaw ni Mommy sa baba.

Busy ako sa paglalagay ng simpleng make up ko. Hindi naman na kailangan ng makeup artist pa dahil marunong naman ako kahit papaano.

"Eto na po!" Sigaw ko habang patakbong bumababa ng hagdan.

"Nako! Faster! Sakay na!" Anito sa natatarantang kilos.

Natawa ako sa inasta ni Mommy. Daig pa ako kung maexcite sa graduation ko.

Magkatabi kami ni Hez sa backseat.

"Sweetheart, easy. Daig mo pa anak mo sa sobrang excited e" natatawang sambit ni Daddy.

"Eh, sa naeexcite ako ano magagawa mo?" Sabay irap ni Mommy.

Nang makarating na kami sa venue ng aming graduation ay nagpaalam na ako kina Mommy ma pipila na ako.

"O sige. Doon kami sa bandang unahan uupo ah?" Ani Mommy sabay turo sa mga upuan para sa mga parents. Tumango ako saka pumunta na sa pila.

Nakita ako ni Abby at tuwang tuwa siyang niyakap ako.

"Oh my God! Finally, gagraduate na din tayo!" Sigaw niya sabay halik sa pisngi ko.

"Kaya nga e" tanging sagot ko.

"Halika na!" Sabay hila niya sakin sa likod niya sa pila.

Hindi pa nagsisimula ang seremonya kaya naman ay panay ang kwentuhan at picture ng mga estudyante.

"Hailey! Oh damn! Ang ganda mo! Sino nagmakeup sayo?" Manghang sabi ni Keisha nang makita ako.

"Ayy, thank you" nahihiya kong sabi. "Ako lang nagmakeup niyan"

"Talaga? Marunong ka palang magmakeup ng ganyan kaganda? Hindi kasi halata sayo e" sabay tawa niya.

"Oo naman. Minsan nga lang kapag kailangan lang" ngumisi ako.

"Hailey, sino kasama mo?" Tanong ni Abby nang makaalis si Keisha.

"Sina Mommy, Hez tsaka Dad. Bakit?"

"Eh nasaan ang Kuya Callix mo?" Tanong niyang nagpangiti sakin.

"Oh bakit hinananap mo? Siguro type mo si Kuya no?" Biro ko sabay tawa.

Umirap siya. "Letse to! Porke natanong ko lang, type agad? Hindi ba pwedeng hinahanap lang?"

"Joke lang. Eto naman napakaseryoso" sabi ko."Susunod ata yun. Mabagal din yun kumilos. Ilang oras yun sa cr lalo na sa salamin" sabay iling ko.

Nang nakaupo na kami ay tahimik lang ako sa ginawang seremonya. Magkalayo kami ni Abby dahil alphabetical order. Kaya ngayon heto katabi ko si Keisha na dinadaldal ako.

"Hailey alam mo ba? Nagkita na naman kami nung atipatikong unggoy na yun" ani Keisha.

Nilingon ko siya. "Huh? Sino?"

"Yung natapunan ako ng juice sa isang resto? Remember?" Aniya.

"Ah oo naalala ko. Oh? Saan naman kayo nagkita?" Tanong ko.

"Jusko sa bar naman kamakailan lang. Badtrip ako dun. Panay ang landi sa mga babae" inis niyang sabi.

"Bakit? Type mo na ba?" Sabay tawa ko.

"Anong type? Eww! Magkagusto na ako sa iba wag lang katulad niya. Napakalandi!" Aniya.

Tinawag na kami ng teacher namin at sinabing pumila na dahil kami na ang tatawagin.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora