Kabanata 25

1.7K 38 2
                                    

Kabanata 25

Kung Ako Ba Siya

Tahimik lang kaming pareho habang nasa byahe. Seryoso siyang nagmamaneho at kung minsan ay nililingon niya ako pagkatapos ay ngingiti. Ngingiti na lang din ako sa kanya sabay iwas ng tingin.

Nakakatuwa na may nagpapagaan ng loob ko. He is trying his best to make me feel better.

"Boring ba? Gusto mo magsoundtrip?" Aniya nang mapansing nakatitig lang ako sa kalsada.

Nilingon ko siya saka ngumiti. "Hindi Jacob. Okay lang"

"You sure?" Aniya matapos itigil ang sasakyan nang magred ang traffic light.

"Yup" tango ko.

Naggreen light na kaya muli niyang pinaandar ang sasakyan. Ilang minuto lamang ay itinigil niya na ang sasakyan. I glance at the window. Pansin kong pupunta kami sa bar. Like for what? Anong gagawin namin dito?

Lumabas siya ng sasakyan saka umikot para pagbuksan ako ng pinto.

Lumabas ako saka muling tinignan ang bar na pinuntahan namin. Then I look at him.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.

"Basta. Halika" aniya sabay hawak sa kamay ko at hinila papasok sa loob.

Pero umatras ako. "Jacob! 17 pa lang ako!"

"Don't worry. Makakapasok tayo" aniya at hinila muli ako papasok sa loob.

Marami nang tao ngayon dahil 6:30pm na. Merong puro halos kasing edad namin. Meron din namang mas matanda na samin. Di pa nga sila nakakapasok ay puro katuwaan na sila. Ganito ba talaga dito?

Nakisiksik kami sa pulutong ng tao. Grabe sobrang gulo nila. Natutulak na nga ako dito. Kainis lang!

"Humawak kang maigi sa braso ko" aniya habang nakikisiksik siya.

Habang naghihintay kami ay biglang may humaplos sa braso ni Jacob.

"Hi babe! Ang hot mo" malanding sabi ng babae.

"Oo nga! Ang gwapo gwapo niya!" Tili naman ng kasama  niya.

"Excuse me miss! Stop flirting with me" iritadong sabi niya sa mga babaeng kinakausap siya.

Napanganga ang mga babae.

"Ang sungit ni gwapo. Turn on" hagikgik ng isang kasama niya.

Nang malapit na kami ay tinitigan ako ng bouncer. Mukhang palalabasin ako pero nang nakita niyang nakahawak ako sa braso ni Jacob ay tumango na lamang siya kaya dumiretso na kami sa loob.

Pagkapasok pa lang namin ay halos mabingi ako sa lakas ng music nila. Isama mo pa ang sigawan ng mga nandito.

Kung sa labas pa nga lang ay marami nang tao, dito dagsa ang mga tao. Nakakahilo tignan ang buong bar dahil sa mga neon lights.

Hinila niya ako sa malapit na table. Yung bakante at medyo malayo sa mga tao.

"Anong gagawin natin dito Jacob?" Halos pasigaw na ang tanong ko dahil sa lakas ng ingay.

Halos mapaatras ako sa biglaan niyang paglapit sa tainga ko.

"Later you'll see" malambing niyang sabi.

"Jacob puro ka 'you'll see'! Ano ba kasi yan? Mamaya painumin mo ko ng kung ano anong hard liquors, hindi talaga ako papayag" diretso kong sabi pero tumawa lang siya.

"Hindi naman kita dinala dito para painumin lang ng alak. Wag ka mag-alala hindi ko gagawin yun sayo" aniya sabay tawag niya sa waiter na dumaan.

Kumuha siya ng isang glass saka ito nilagok. "Thanks! One more" aniya niya.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now