Kabanata 43

2K 34 1
                                    

Kabanata 43

Walang Biruan

"Bakit sabi ni Abby sakin general manager ka daw? Sabi mo naman boss ka? Ano ba talaga?"  Naguguluhan kong tanong saka ipinatong ang paa ko sa ilalim ng table.

"Abby huh?" Taas kilay niya. "Well, mali ata siya ng nakuhang information"

"Ano ba, Zane?! Huwag ka nga masyadong dumikit!" Sabay tulak ko sa mga pero panay ang lapit niya.

"What? Bakit? Kaunting suyo na lang bibigay ka na?" Panunuya niya saka nilapit sakin ang mukha.

"Tse! Wala akong pakialam sayo!" Utas ko saka nagiwas ng tingin.

"Talaga? Kaya pala pinagluto mo ako ng lunch kahapon" sarkastikong sabi niya.

Nilingon ko siyang ngiting-ngiti habang ako ay nakabusangot. Sabi na malalaman din niya e.

"Baby..." Malambing niyang tawag saka mahinang hinaplos ang braso ko.

Nilingin ko siya saka pinandilatan ng mata. "Huwag mo nga akong matawag-tawag ng ganyan!"

"Why? It brings back the memories?" Aniya. "Then, good. Gusto ko balikan yung mga alaala nating magkasama"

Kinagat ko yung labi ko. I love him, yes. Pero hindi pa ako sigurado sa ibang bagay.

"Pwede ba?! Yung girlfriend mo na lang ang landiin mo!" Naiinis kong sabi.

Ayokong itanong sa kanya ng diretso kung may girlfriend na ba siya.

"Wala naman akong girlfriend ah?" Aniya.

"Really? E sino pala yung kasama mo one time sa restaurant? Yung maganda at matangkad?" Sabi ko at nagtaas ng kilay.

Naningkit ang mga mata niya. "Ah! Yun ba? Hindi ko girlfriend yun. Anak siya ng kaibigan ni Mommy"

"Sabi ko nga" sabay irap ko. Tangina! Pahiya ako doon ah?

"Uy! Nagseselos siya" sabay tusok niya sa tagiliran ko.

Hinawi ko yung kamay niya. "Selos mo mukha mo!"

"Asus! Idedeny pa. Huwag ka mag-alala, ikaw lang ang mahal ko" aniya sa seryosong tono.

Bumilis ang tibok ng puso ko. I know, seryoso siya pero ayokong magpadalos-dalos. Ni hindi ko alam kung totoo ba yun. Kung dati nagawa niya akong lokohin, walang duda na kaya niyang ulitin yun. At natuto na ako. Na sa lahat ng bagay na gagawin mo, kailangan totoo na yung desisyon mo. Kung masasaktan, edi masaktan. At least may natutunan ka.

"Huwag mo akong sabihan na mahal mo ako kung nagbibiro ka lang" malamig kong sabi saka tumayo at pumunta sa kwarto niya.

Ramdam ko ang pagsunod niya pero tumigil siya sa likuran ko.

"Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako sa sinabi ko" aniya.

Tumingala ako para pigilan ang peste kong mga luha. Napakahina ko pala talaga.

"Pinagpustahan niyo ako diba? Na kailangan mapaibig mo ako. Tapos kapag alam mong mahal na kita, iiwan mo na ako. Kaya nga kahit nalaman ko yun nagmakaawa pa ako na magsimula ulit tayo diba? Na totohanin na lang natin. Pero anong ginawa mo? Hinayaan mo lang ako" nanginig ang boses ko pero hindi ako humarap.

"Oo. That's our deal. Pero narinig mo ba sakin na iniwan kita? Sinabi ko ba sayong ayoko na? Diba wala? Hindi ako makapagsalita nang nalaman mo yun. Dahil nasasaktan din ako pag nakikita kitang umiiyak" aniya sa malungkot na boses.

Lumunok ako pero hindi pa din siya hinaharap. "Ayaw mong makita akong naiyak? Bakit hindi ka pumayag na bumalik sakin? Na magsimula ulit tayo?"

"Dahil ayokong bumalik sayo nang hindi ako natututo. I need to fix myself. Kailangan ko baguhin yung sarili ko"

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now