Kabanata 30

1.9K 40 4
                                    

Kabanata 30

Sweet Dreams

Credits for making this kab: angexgmdx

Pagkapasok ko ay isang nakakabinging sigawan galing sa mga taong masayang nagsasayawan at ang kanta na nagiimbitang sumayaw ang sumalubong sa akin.

Victory party kasi nina Zane dito sa club and he invited me here dahil aniya kung hindi dahil sa akin ay wala kami dito ngayon. Mabuti na nga din at pumayag siyang isama ko dito si Abby.

"Oh my gosh! First time ko dito! Kahit underage pa tayo" halakhak ni Abby habang papunta na kami kasama ang buong basketball team ni Zane sa isang U-Shape na sofa dito sa taas ng club.

"Ang saya saya talaga!" nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Zane nang makaupo na kami.

"Problema mo?" I tried not to smile even though I know why he's so happy right now.

"Wala. Masaya lang ako kasi ngayon... malapit nang maging tayo" aniya at pinulupot ang kanyang kamay sa beywang ko. My heart skipped a beat because of his unexpected gesture. His team mates eyes started to dart on us. Even Abby, who's now grinning from ear to ear.

"Conceited are we? How can you be so sure that I'll say yes to you huh?" I said, not looking at him. Nahihiya akong tumingin sa kanya ngayon because of our distance. Konti na lang... may mangyayari na.

"Alam ko namang hindi ka paasa. Hindi ka naman papayag magpaligaw kung wala ka naman palang balak sagutin ako diba?" he said in a low, sexy voice that sends shiver down my spine. I stiffened on my seat. I decided not to answer.

"Hoy tama na yang landian na yan! Shot na!" sigaw ni Richard at binigyan kami ng isang baso ng Jack Daniels.

Agad kong kinuha yun ngunit bago ko pa ito mainom ay may kamay nang umagaw sa baso ko.

"What do you think you're doing Miss soon-to-be-mine?" ani Zane at siya ang uminom sa baso ko.

"I think I'm the one who should question you that Mister. What do you think you're doing? Stealing someone's drink is bad, don't you know?" I speak like I'm already drunk when I hadn't even got a drink yet. Siguro dahil masaya ako kaya ganito? I guess so. Hindi din kasi mawala ang ngiti sa labi ko.

"I don't want you to drink" anito sa seryosong tono.

"At bakit? Come on, Zane. Kaya nga tayo nag club para uminom" hindi ko alam kung anong nangyayari sa utak ko at gusto kong magpakalasing ngayon.

"Basta. Ayokong iinom ka" uminom ulit siya ng isa pang shot. I frowned. This man is so unfair!

Tumayo ako at hinila si Abby na nagulat.

"Hey! Saan ka pupunta?" ani Zane pero hindi ko na pinansin at bumaba na.

"Hoy Hailey, saan mo ba ako dadalhin?" ani Abby na medyo nakainom na.

"Sasayaw" simple kong sinabi at hinila na siya sa dance floor.

I started dancing to the beat. I already look drunk. Nababaliw na yata ako.

"Hey, beautiful, wanna dance?" may isang lalaking gwapo na biglang sumulpot sa harap ko at sumayaw. My face got heated up.

"U-Uh, sure" I awkwardly said but I still danced anyway. Wala pa naman akong boyfriend so...

Bigla namang may humigit sa braso ko. Napatingala ako sa kung sino yun at hindi na ako nagulat pa. Alam kong susundan niya ako.

"Sige na nga. Pinapayagan na kita basta konti lang ah" aniya at hinila na ako pabalik sa taas.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon