Kabanata 7

2.9K 64 46
                                    

Kabanata 7

Strange Feeling

Kinabukasan, napaaga ang pagpasok ko. Di ko alam kung bakit. Basta parang may nag-udyok sakin na pumasok na.

Naglalakad ako papuntang classroom. Nang nasa tapat na ako ay binuksan ko yung pinto kaso naka-locked pa.

Hay. Masyado ata akong maaga. Naisipan ko na lang muna pumunta ng rooftop.

Nasa hagdan palang ako ay ramdam ko na'ng humahaplos ang malamig na hangin. Iyong bangs ko ay napunta sa mukha ko kaya hinawi ko ito paitaas.

Napayakap rin ako sa sarili sa sobrang lamig because of the upcoming rainy season. Its already September. Dito rin kasi madalas pumatak ang ulan.

Nakatunton na ako sa rooftop. Malaki rin ito. Lalong lumakas ang hangin. Napapapikit ako tuwing babagsak yung bangs ko sa mukha. Pakiramdam ko rin ay matutumba ako.

Naglakad ako papunta sa pinakagilid. Meron doong nakaharang na pader. At sa pagkakaalam ko ay may mahabang sofa ang iniwan doon.

I decided na pumunta doon para tumambay saglit. Literal na nanlaki ang mata ko nang mapansing may lalaking nakaupo doon. Parang nakahiga na rin siya sa pwesto niya at yung kanang kamay niya ay nakatukod sa baba niya.

Naka-slocks siya at yung polo shirt niya ay isinampay niya sa sofa. Nakawhite t-shirt lang siya at mukhang mahimbing ang tulog. I also noticed that he had a cuts and bruises on his face and arms.

Di ko siya maaninag dahil naka-side view siya.

Dahan-dahan akong lumapit para tignan kung sino ito. Napaupo ako sa sofa nang gumalaw siya para kusutin yung mata niya.

Nagising siya at napatingin sakin. Napatingin din ako sa kanya.

"Ikaw na naman?" Sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "What are you doing here?" Bakas sa boses niya ang pagkairita.

Tumayo siya at kinuha yung uniform niya. Isinampay naman niya ito sa balikat niya.

Mas lalong nadepina yung muscles niya nang humawak siya sa kanyang batok.

Napakarami niyang sugat at pasa. Nanlambot yung puso ko sa nakita ko. I remember what happened last night. Kung paano siya sumuntok. Kung paano niya napabagsak yung mga matatandang lalaki.

"Stop staring" mariin niyang sabi.

I think I have been watching him too much. God! I hate this!

Nanatili kaming nasa ganoong posisyon. None of us moves.

Di ko alam kung magsasalita ba ako. I don't know if I should thank him or say sorry to what happened last night.

Hailey, don't be stupid. You must do both because he saved you.

"Uh..." Panimula ko.

"What?" Nagtaas siya ng kilay.

"Thank y-you" Damn! I stuttered.

"You said that twice last night. I'm not deaf" matabang niyang sabi. Ang sungit naman nito.

"And uhm-" he cutted me.

"I have to go" aniya sabay dampot sa bag niya at umambang aalis na pero nagkaroon ako ng lakas para pigilan siya.

Hinawakan ko yung braso niya at napaharap siya sakin.

"Ano na naman ba?" Nanlisik ang kanyang mapungay na mga matang tumingin sakin.

"I'm... I'm sorry" Finally! I said it.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now