"Hayy anu ba yan simpleng text lang ay pinoproblema ko pa." Sabi ko sa sarili.
"At saka siya dapat ang magtext sa akin eh, hmp bahala siya."

Ibubulsa ko na sana ang  cellphone ko pero naisip ko,paano kami magkakausap kung wala man lang sa aming dalawa ang mag-iniate na kamustahin ang isa't-isa.

Pero dapat siya ang unang magtext sa akin dahil sa nangyari kagabi, kung okay na ba ako lalo pa hindi siya ang naghatid sa akin pauwi at saka dapat kamustahin niya ako dahil napahiya ako sa sarili ko at sa mga magulang niya dahil nagtagumpay ang mga ito. At dapat siya ang magtext sa akin para kamustahin ang lagay ko at ng nararamdaman ko.

"Tama siya dapat." Sabi ko sa sarili.

Pero...hindi eh kung pride ko ang paiiralin ko baka walang mangyari sa amin.

Tama, kaya bago pa magbago ang isip ko ay dinayal ko ang number niya para kausapin siya, pero sa kasamaang palad 'cannot be reached' ang phone niya.

"Ba't cannot be reached ka?"
Sabi ko habang dinayal uli ang number niya, at dinayal at dinayal at ng dinayal at dinayal hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang beses kong dinayal ang number niya.

Sobrang frustrated ako dahil hindi ko sya makontak , ano ba ang nangyayari at hindi ko siya macontak. Kinakabahan, worried at frustration ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako kung hindi ko pa nakita ang luha sa screen ng cellphone ko.

Bakit parang wala lang sa kanya ang nagyari kagabi at kahit tawagan ako ay hindi niya magawa.
At nagawa pa niya patayin ang phone niya.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon