"Big boy daw. Sus umiihi ka pa nga sa kama mo eh." Sabi ko at tumawa. Siya naman ay biglang bumusangot.


"Oh nandito na pala tayo. Tara na baka kanina ka pa hinihintay ng ka-date mo." Dito sa mall magkikita si Isabelle at Kyro. Actually, hindi naman dapat ako ang maghahatid 'kay Kyro. Ang kaso busy si kuya Dylan kaya ako nalang ang nag presinta na ihatid siya. Syempre kahit paano mabait naman ako'ng ate.


Pagkababa namin ng sasakyan ay nag-lakad na kami papasok sa mall. Naabutan naman namin si Isabelle na naka-upo sa isang bench. Ng makita niya kami ay agad niya kaming nilapitan.


"Sorry kung na-late kami. Ito kasing si Kyro ang tagal magpa-pogi eh." Hinging pasensya ko ng makalapit siya sa amin. I saw Kyro pouted his lips.


"It's okay." Sabi ni Isabelle.


"Isabelle ikaw ng bahala 'kay Kyro ah. Wala pa naman kami ni kuya sa tabi ni Kyro para bantayan siya. Wala kasi ako'ng tiwala sa batang makulit na ito eh." Ay nako kung pwede lang talaga na unahin ko na muna si Kyro ay ginawa ko na.


"Ang paranoid mo pala, Amber. Don't worry hindi ko hahayaan na may mangyaring masama 'kay Kyro... Promise." Nag-promise sign pa si Isabelle. Medyo nakahiinga na din ako ng maluwag, pero may kaba pa din sa puso ko.


Ang hirap din palang maging paranoid. Pero bakit ba ako nangangamba ng ganito? eh alam ko naman na walang mangyayaring masama 'kay Kyro. At kaya din namang bantayan ni Isabelle itong kapatid ko.


"Pasensya ka na ha. Kinakabahan lang talaga ako para sa oral defense namin."


"Basta ako ng bahala 'kay Kyro. Good luck, kaya niyo 'yan." Hay, buti pa itong group ni Isabelle sa monday pa.


"Thanks. Sige mauna na ako." Sabi ko sa kanya. Tumingin naman ako 'kay Kyro, medyo yumuko ako para pantayan siya "Wag makulit ha." I said and pat his head.


Iniwan ko na sila at nag-lakad na ako pabalik kung saan naka park ang sasakyan kanina.


-


Isabelle's POV


Pagka-alis ni Amber ay itinuon ko naman ang pansin ko 'kay Kyro.


"Hm. Saan mo gusto pumunta?" Tanong ko 'kay Kyro "O kaya kain muna tayo, gusto mo?"


Tumango si Kyro at ngumiti ng sobrang cute. Sarap tuloy pisilin ng matambok niyang pisngi. Hinawakan ko ang isa niyang kamay at nag-lakad kami papunta sa isang fast food restaurant.


Saglit lang kaming kumain ni Kyro dahil nag-mamadali na siyang lumibot kami. Pumunta kami sa may carousel dito sa mall. Muntikan ko pa'ng isuka lahat ng kinain ko dahil sa sobrang kagalakan ni Kyro ay nakalimutan ko'ng kakatapos lang namin kumain. Then after sa carousel, nag-ice skating naman kami. At dahil parehas kaming hindi marunong ay nakahawak kami sa cute na penguin design para maging suporta namin upang hindi kami matumba.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora