Chapter 1: I Am Hazel Fuentes

33.3K 426 6
                                    

Chapter 1: I am Hazel Fuentes

~*~

Am I smelling wine?

Ang baho naman! Napangiwi na ako. Nakapikit ako pero alam kong nakahiga ako sa kama. Pero bakit amoy alak dito? Gusto ko sanang mag-unat pero parang ang bigat-bigat ng ulo ko. Hang-over siguro. Sandali... kung may hang-over ako ibig sabihin... Ano bang nangyari kagabi...

Ang pinaka-una kong natandaan ay noong bumaba kami ni Kuya Roro sa kotse... Malungkot ako noon eh. Hindi ko nalang pinahalata kay Kuya. Nasa harapan na kami ng hotel kung saan ako magi-stay ng ilang araw.

"...and here's your card." Inabot ni Kuya yung hotelroom card sa akin.

"thanks." Sabi ko. I tried to smile at him kahit na wala ako sa mood.

"don't worry, babalik na naman si Dad after 2 weeks. Dito ka muna magstay sa hotel. I'll come get you before Dad comes back." Sabi niya. Tumango nalang ako sa kaniya. "huwag ka na ngang magtampo." Sabi niya habang tumatawa sabay inakbayan niya ako.

"hmmmpf. Ayaw niyo na sa akin eh." Bulong ko.

"no... of course not. Ayaw lang ni Mom and Dad na mag-isa ka sa bahay habang pinapa-renovate yung kitchen natin. You can stay at home pero with the present day's accidents, sa tingin mo ba hahayaan ka naming mag-stay sa bahay with those construction workers na mag-aayos? He just wants to protect our one and only princess." Sabi niya.

"no... he doesn't want me." Sabi ko. Alam ko naman na totoo yung sinabi ni Kuya... pero ewan! Parang feel ko lang siguro talaga na magtampo. Palibhasa may business trip si Mommy at Kuya sa malayo. Si Daddy naman... tapos ako maiiwan ng mag-isa.

"hmm ang tigas talaga ng ulo. Basta, two weeks ka dito." Sabi niya sabay binuhat na niya yung mga bag ko ng damit at maya-maya lang ay nasa harapan na kami ng room ko dito sa hotel.

"here." He opened the door for me. Pumasok na ako sa loob ng room. Agad kong hinanap yung kama. "stay safe and behave ha. I'll go now." Sabi ni Kuya.

"yes Kuya." Sabi ko.

"'lika nga." He pulled me into a hug. "mamimiss kita."

"parang di na tayo magkikita ah..." Sabi ko. Ang init talaga ng kuya ko. Kaya gustong-gusto ko siyang i-hug eh.

"ahahaha! Siyempre, mamimiss ko kaagad si princess." Sabi niya while cutting the hug.

"I'll miss you too. I bet I'll get bored in here." Tinignan ko yung appliances at kama. The usual hotelroom: one white bed and infront is the television set. May nightstand sa tabi ng kama, may lamp at may telepono. On the side of the bed is the bathroom door.

"then I'll call Lorryn." Sabi niya.

"no please." Sabi ko. "I just want to be alone and besides, ayoko namang istorbohin si Lorryn. Alam mo namang ang dami noong ginagawa."

"if you say so. Then, I'll go now." Sabi niya. Ginulo niya ang buhok ko saka siya pumwesto sa doorway. He waved at me before closing the door behind him. Napailing nalang ako sa kacute-an ni Kuya.

Ano pa bang nangyari pagkatapos noon... Pumunta ba ako sa bar? Hmmmm... isip isip. Basta ang alam ko, pumunta ako sa bar. Pero what did I do there last night? And why am I there?

Nahihilo nanaman ako.

"anong room ko kasi..." Natatandaan ko noong nasa hallway ako going to my room. Pero pumasok ba ako sa room... Nabasa ko pa yung number noong room na pinasok ko... Alam kong room ko 'yun. Wala nga lang akong maalala na ginamit ko yung card para makapasok.

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu