"That would be great ate, yes please ate." Sabi ni Clark.
Ah yun pala ang ginagawa ni ate kanina nung bagong dating kami. May ibinigay siyang papel at ballpen sa'min.

"Pakilagyan nalang ng pangalan nyo o kung ano man ang gusto nyo ilagay sa bracelet nyo."

Kinuha ko ang papel at isinulat ang mga pangalan namin. Nang matapos ay ibingay ko kay ate, pero kinuha ito ni Clark at tiningnan. Ilang sandali ay kinuha niya ang ballpen sa 'kin at saka may isinulat. Ibinalik niya ito kay ate.

"Ano ang isinulat mo? " tanong ko tanong ko sa kanya.

"Malalaman mo rin mamaya." Nagkabit balikat na lamang ako.

"Matagal po ba iyan? " tanong ko kay ate habang tumitingin sa iba pa niyang paninda. Si ate naman ay sinimulan nang lagyan ng pangalan ang bracelet namin.

"Siguro mga 20 minutes ay tapos na ito."

"Ah ganun po ba, pwede po bang balikan na lang namin ang mga iyan.? Tanong ko kay manang.

"Oo naman pwedeng pwede siguradong pagbalik nyo ay tapos ko nang pangalanan ang mga ito."

"Sige ho."

Niyaya ko si Clark na pumunta sa ibang pang stalls doon.
May nadaanan kaming stalls na nagbebenta ng couple shirt, bargain, mga native products at mayroon ring stalls kung san pwedeng magpatattoo.

Napatigil kami nang huminto si Clark sa stall na nagbebenta ng mga stuffed toys. Iginiya niya ako papasok. Maraming klase ng stuffed toy ang nakadisplay dito. Mula sa maliliit hanggan sa malalaking stuffed toys. May iba 't -ibang hayop at may mga stuffed toys na nasa cartoons tulad ng ni doraemon, picachui, ben10, angry birds, minions,at may mga character din na galing sa adventure time, at finding nemo at iba pa.

Inabot ko ang stuffed toy na teddy bear na kulay puti. Kahit kailan talaga ang cute-cute ng mga teddy bear.

"You like it? "Narinig kong sabi ni Clark, paglingon ko nasa likuran ko siya.

"Kahit sino naman magugustuhan ang mga stuffed toy eh." Ibinalik ko na sa pwesto ang teddy bear na kinuha ko at saka nagpaikot ikot sa loob nito.

Nagpatingin tingin pa ako sandali at saka niyaya nang lumabas si Clark.

Paglabas namin ay may ibinigay siyang na paper bag sa 'kin, kumunot ang noo ko at nagtaka kung ano ito. Tiningan ko siya ng ilang sandali.

"Come on open it." At dahil curious ako ay binuksan ko ito.
Nabigla ako ng makita kong ang teddy bear na hinawakan ko kanina ang laman.

"Binili mo ito? " ipinaplit palit ko ang tingin ko sa kanya at sa laman ng paper bag. Tumango lamang siya.

"Pero hindi ko naman nakita na nagbayad ka kanina ah."

"You were busy to look at every stuffed toy in there." I bought it coz you seemed you pretty like it, aren't you? ."

"Oo pero hindi mo naman kailangan bilhin eh."

"Yeah but I really want to give it to you."

"Thank you ha ." Pasasalamat ko sa kanya. Tuwang -tuwa ako sa ibinigay niya dahil ngayon lang ako nakatanggap ng stuffed toy. Di ko pinahalata na kinilig ako sa ibinigay niya. Lumakad na kami papunta sa iba pang stalls. Pumasok naman kami sa stalls ng couple shirt.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon