Maaga pa lang ay gising na ako. Ngayong araw kasi magpasama sina Clark at Clarissa na libutin namin ang bayan.

Naghanda muna ako ng agahan namin para. Nag sinangag ako at nagprito ng itlog at tinapa, gumawa rin ako ng sawsawan na gawa sa suka na nilagyan ng sibuyas at bawang.

Mayamaya ay isa isa ng gumising sina mama at ang mga kapatid ko.
Ilang sandali pa ay nagsimula na kaming kumain.

"Ma, Pa aalis ho kami nina Bea ngayon." Paalam ko sa kanila.

"San naman kayo pupunta? " tanong ni mama.

"Nagpapasama ho kasi sina señorito Clark at yung kapatid niya na maglibot dito sa atin....pwede ho ba? "

"Eh sino ang magbabantay sa papa nyo.?" Tanong ni mama.

"Ma okay lang ako, di na ako kailangang bantayan, tutal sasama rin naman ako sa palengke, kaya ok lang ako, payagan mo na sila." Sabi ni papa kay mama.

"O sya basta wag kayong magpagabi." Pagpayag ni mama sa amin.

Nang matapos kaming kumain ay umalis na sina mama, Benjamin at papa. Hinugasan ko muna ang aming pinagkainan at saka hinintay sina Clark.

Ilang sandali pa ay dumating na sina Clark sakay ng ng isang itim na sasakyan. Unang bumaba si Clark at sumunod naman na lumabas sa passenger seat si Clarissa. Naka floral dress ito na hanggang tuhod ang haba at tinernohan ng pink na sandals at may sun glasses na nakasabit sa kanyang buhok, parang ginawa niya itong headband na talagang bumagay sa kanya.

Si Clark naman ay isang simpleng V-neck white t shirt na tenernohan ng isang blue shorts. Kung may sunglasses ang kapatid niya, ay meron din siya, yung sa kanya ay naksabit sa t - shirt niya. Kahit sa simpleng suot niya ay talagang napakagwapo pa rin niya. Kahit ano siguro ang susuotin niya ay di mababawasan ang pagiging gandang lalaki niya. Makaka pag attact pa rin siya ng atensyon lalong-lalo na sa mga kababaihan.

"Hi ate beth! ""Bati ni Clarissa.

Lumapit silang dalawa sa amin ni Bea. Agad ko pinakilala.kay Clarissa kay Bea.

"Bi si Clarissa kapatid ni Clark.....Clarissa ito naman si Bea, kapatid ko."

"Hello po ate Clarissa." Bati ni Bea.

"Hi Bea, nice to meet you."

"Ready na kayo?" Tanong sa amin ni Clark. Tumingin ako sa kanya at tumango.

"Ay syempre naman kuya." Sagot ni Bea.

"So let 's go!".

Naunang lumakad sina Clarissa at Bea para pumasok sa kotse habang sumunod naman kami ni Clark sa kanila.

"How 's your night? ...did you sleep well? " tanong ni Clark.

"Oo naman, ikaw nakatulog ka ba kagabi ng maayos? " balik tanong ko sa kanya. Ang lapit niya sa'kin kaya naamoy ko ang pabango niya. Hindi masakit sa ilong.

"Ako? Hindi eh, I think someone bewitched me." Sagot niya.

"Huh?!? Bakit? May masakit ka bang naramdaman, eh bakit ka pa tutuloy ngayon. Baka mapano ka eh." Sabi ko at hinarap siya. Siya rin naman ay tumigil sa paglalakad at humarap sa 'kin.

"I think someone bewitched me coz I kept thinking of her the whole night...and my mind was aching about her... and my heart was pounding of her name...and only a glimpse of her my whole body will be okay...and I 'm feeling okay right now, thanks to you...

"Huh?!? " pagkatapos niyang sabihin yon ay di kaagad nag sink in sa isip ko ang sinabi niya. Ngumiti sya sa akin na parang may nakuha siyang premyo.

"You are really cute." Dagdag niya.

"Huh?!? "... teka?parang ngayon ko lang na realize yung sinabi nya. Nag iwad ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay namumula na ang mga pisngi ko.

Nang makarating kami sa sasakyan ay bimuksan niya ang passenger seat.

"Get inside." Diba dito lumabas si Clarissa edi ibig sabihin dito rin siya dapat nakaupo.
Mukhang nabasa ni Clark kung ano ang tumatakbo sa isipan ko.

"Clarissa is sitting at the back seat with Bea, so dito ka talaga uupo at saka diba ikaw ang magtotour sa'min kaya dapat dito ka para magbigay ng instruction sa 'kin".

"O-okay."pumasok na ako at umupo. Siya naman ay pumunta na sa driver seat.

Nang makaupo ay tumingin siya sa gawi ko at dahan dahan ay lumapit ang mukha niya sa 'kin....tek-ka anong gagawin niya??hahalikan niya ba ako???..

Ilang sandali pa......

Click! ...

Teka..

Nang makalayo siya sa 'kin ay.."seatbelt."..psh ay anu ba yan beth..

Teka parang nangyari na to ah... yung.....ah basta!...ay kahit kailan ka talaga beth!

Nang nakaupo na sya ng tuwid ay ang kanyang seatbelt naman ang kanyang ikinabit.

"Where we up to? " tanong niya sa 'kin..

san nga kaya??

"Punta kaya muna tayo sa plaza sa bayan, maraming stalls dun, sigurdong magugustuhan nyo dun." Sabi ko sa kanya. Tumango siya bilang pag sang ayon.

"Okay first stop, plaza." Pagkasabi niya ay pinaandar niya ang kotse at tinungo ang daan papuntang plaza.











The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon