"Ahh.. eh manang bakit ho daw sila nandito?para magbakasyon? .tanong ko kay manang.

"Ang sabi ni señora ay magbabakasyon si Clarissa pero si Clark ay hindi. Nandito siya para pamunuan ang kanilang kompanya, nakapagtapos na kasi siya sa kolehiyo doon." Sagot ni manang.

"Ah iha maitanong ko lang, may gagawin ka ba ngayon? "Tanong ni manang.

"Wala naman po, bakit po ba?"

"Iha pwede mo ba akong tulungan ngayon dito sa kusina, wala kasi si malou  umabsent dahil may sakit daw ang anak niya at kailangan niyang alagaan."sabi ni manang ng tumigil siya sa paghihiwa.

"Ay naku yun lang po ba okay lang ho, nandoon naman si Bea sa bahay at nakapagluto na ako ng tanghalian namin . Si Benjamin naman ay sumama kay mama sa palengke, kaya okay lang. At parang pasasalamat ko na rin ho ito kay señora."sabi ko kay mama.

"Hay naku salamat kung ganun..iha marunong ka bang magluto ng chopsuey?

"Opo, iyon po ba ang ang lulutuin natin?  Tanong ko kay manang habang inilagay sa palanggana ang mga gulay na gagamitin.

"Ah oo, pwede bang ikaw nalang ang magluto ng chopsuey at ako naman sa ibang ulam."sagot niya habang kumuha ng pangsahog sa mga ulam.

"O sige po walang problema, areglado."sabi ko sa kanya at saka binuhat ang palangganang may gulay para dahil sa lababo at hugasan.

Mga dalawang oras bago namin matapos ni manag lutuin ang lahat nng ulam. Ako ang nagluto ng chopsuey at naghiwa ng mga pansahog at si manang naman ang nagluto ng ibang ulam. Iniisa -isa ko na itong inilagay sa mahabang  dinning table. Kumpleto na ang lahat mula sa mga ulam na kaldereta, adobo, bulalo, chopsuey at dalawa uri ng vegetable salad. Pati ang mga utensils na ggagamitin ay kompleto na rin, ang mga dessert ay nakahanda na rin at inilagay na lang muna sa ref para hindi langgamin. Sila na lamang magkapamilya ang kulang.
Nang masiguradong okay na ang lahat ay pumunta na ako kay manang sa kusina para mag paalam. Baka nagtataka na si Bea kung bakit ang tagal kung umuwi.

"Ah manang uuwi na ho ako, baka hinahanap na ako ni Bea sa bahay."paalam ko kay manang.

"Ganun ba iha o sya sige, salamat iha ha, o eto tanggapin mo na to."sabi ni manang habang ibinigay sa akin ang pera.

"Manang huwag na ho, tama na ang ibinayad nyo kanina para sa mga gulay at kung ibibigay nyo ho iyan ay dahil tinulungan ko kayo sa pagluto ay wag na ho kayong mag abala dahil hindi ko iyan tatanggapin, dahil ginawa ko iyon bilang pasasalamat sa inyo ni señora dahil sa pag order ng gulay sa amin. Kaya wag na po. Salamat nalang." Pagtanggi ko sa kanya.

"Eh kung yan ang gusto mo iha pero salamat ha, ang bait mo talaga." Sabi ni manang.

Pero bago ako umalis ay may bumusina. Siguro dumating na ang pamilya.

"Teka saglit lang ay bubuksan ko lang ang gate".sabi ni manang.

"Ay huwag na ho, ako na lang ang gagawa nun, lalabas na rin lang ako, eh ako na ang bubukas para sa kanila at kayo ay hintayin nyo lamang sila dito." Sabi ko kay manang.

"O sya sige ikaw na dun, salamat uli iha."sabi ni manang at pumunta na sa sala para abangan sila doon.

Malayo pa lang ay nakikita ko na ang itim na sasakyan. Sigurdong sila na nga ito. Dali dali akong lumakad papunta ng gate para pagbuksan sila. Nang makapasok ay sinundan ko sila ng tingin. Huminto sila sa tapat ng malaking pinto. Bumukas ang driver seat at lumabas doon si mang berting -ang driver nila. Pinagbuksan niya ng pinto ang pinto na nsa likod ng driver seat at bumaba doon si señora alicia at sumunod naman si señorito Alfonso. Ilang sandali ay lumabas ang isang babae, ito siguro si Clarissa ang anak na babae ng mga Villanclara. Napakaganda niya sa suot nitong floral dress, at kahit sa malayo ay nakikita kong napakinis at malagatas nitong balat, halatang alagang- alaga at kung tatabi siguro ako ay baka mapagkamalan akong alalay. Nakasuot rin ito ng sunglasses na nagpapa empahsize sa matangos nitong ilong.
Ang sumunod naman na lumabas ay isang lalaki, matangkad at matikas ang katawan, siguradong babad ito sa gym. Ito siguro si Clark ang  anak na lalaki ng mga villanclara at tulad ng kapatid niya ay magandang lalaki ito, nakasuot ito ng black polo shirt na tamang tama ang pagkakapit ng tela sa katawan nito. Nakasuot rin ito ng shades na nagpapaemphasize ng ilong nito. Tama nga si manang magaganda ang mga lahi nila. Nagpalinga linga ito sa paligid at biglang tumingin sa direksyon ko. At kahit na nakashades ay alam kong nakatingin siya sa akin. Biglang akong nakaramdam ng ilang at ako ang unang bumawi ng tingin. Unconsciously napawahak ako sa dibdib dahil bigla na lamang itong tumibok ng mabilis. "Weird ". Bulong ko sa aking sarili. Nang mahismasan lumabas na ako at isinara ang gate at umalis na.


To be continued....

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon