Umuusok ang ilong ni Andy na tinungo ang mommy niya para kausapin pero bago ang lahat ay nilingon niya muna si Yolly. "Diyan ka lang! Don't do anything stupid!"

Inismiran ito ni Yolly. Sa isip-isip ng dalaga ay, "Problema nito? Pati banga pinag-iinitan. Malala na talaga ang saltik."

Pagdating ni Andy sa kuwarto ng mommy niya ay halos mapatalon ang madam nang pabalibag niya iyong binuksan.

"Ano ba, Son! May balak ka bang sirain ang mga pinto natin, ha? Dahan-dahan naman."

Pero iba ang isinagot ni Andy. "You said you were going to fire him? Why is he still here?!" and us usual sa pagalit na namang tinig.

Lumaylay ang mga balikat ni Madam Angie. "I tried. Tinawagan ko 'yung agency niya pero hindi na pala siya pwedeng tanggalin dahil binayaran na siya ng daddy mo ng isang buong taon."

"What?!"

"You heard me clear, Son. Bayad na ang sahod ng guard na iyon sa loob ng isang taon kaya hindi na pwedeng tanggalin dahil hindi rin refundable ang sinahod sa kanya."

"This is crazy, Mom! Sino ba ang guard na 'yon at binayaran agad ni Dad ng buong sahod niya?!"

Nagkibit-balikat ang madam. "I don't know," tapos ay parang wala lang na sagot nito pero deep inside ay kinakabahan nang husto ito dahil hindi nito alam kung tama ba ang sinasabi nitong alibi.

Pwede ba 'yon? Ang bayaran na ng isang taon ang sahod ng isang guard? Ewan niya. Basta gawa-gawa lang niya iyon. At sana, pinagdadasal niya talaga na walang alam din si Andy sa mga bagay na ganoon.

At tulad nang inasahan ni Madam Angie ay tinawagan agad ni Andy ang ama. Buti na lang at nakausap na ng madam ang dating asawa kanina. Naabisuhan nito si Sir Delfin sa mga plano nito.

"Aaahhh! Mababaliw na talaga ako! This is ridicolous!" dismayadong sambit ni Andy nang matapos makausap ang kanyang daddy.

"Son, relax lang kasi. Wala namang ginagawa sa 'yong masama si Leandro. Hayaan mo na siya rito dahil kawawa naman ang tao kapag nawalan ulit ng trabaho."

"What do you mean?"

"Nasabi kasi niya sa 'kin na natanggal siya sa trabaho noon dahil kay Yolly. Napakabait niyang bata, hindi ba?"

Lalong hindi mai-explain ang mukha ni Andy sa sinabong iyon ng ina. Nagpaawa effect pa pala talaga ang Leandrong iyon! Sh*t him!

Nakamulos niya ang mukha. Hindi na mailarawan ang matinding inis niya. Napaungol na lang siya at padabog ulit na lumabas sa silid ng kanyang ina. Grabe na ang nangyayari sa world! Nakakainis na talaga!

Hindi na niya nakita ang tuwang-tuwa na mukha ni Madam Angie.

Malalaki ang hakbang na nilampasan ni Andy sina Yolly at Yaya Chadeng nanag makita niya ulit ang mga ito. Papasok na sana siya sa silid niya nang marinig niya ang sinabi ni Yaya Chadeng.

"Yolly, ang mabuti pa ay bumaba ka muna. Ikaw na lang ang magbigay ng miryenda kay Leandro. Kuha ka na lang ng kahit na ano sa ref. Kawawa naman 'yon baka hindi pa kumakain. Tapusin ko lang na iligpit itong banga."

"Sige po, Yaya Chadeng, pakibaba na lang po ako sa hagdan."

Napasinghap na naman si Andy sa hangin at napatiim bagang. Hahayaan na lang sana niya ang mga ito dahil wala naman siyang pakialam pero tila ba may kusang buhay ang mga paa niya na pumaharap kay Yolly.

"No! Hindi mo bibigyan ng miryenda ang lalaking 'yon!" at sa utos ng puso niya ay pigil niya rito.

"Pero hindi pa siya kumakain daw," maang na wika ni Yolly.

"And so? Guard lang siya rito! Kung gusto niyang kumain! Siya ang pumasok sa kusina!" malakas na pagdadahilan niya.

"Andy, hindi siya puwedeng umalis ng matagal sa guard house," sabad ni Yaya Chadeng na ang totoo ay inaasar o pinapaselos lang si Andy. Ganti nito sa pagbasag nito sa jar na ngayon ay nililinis nito tuloy. "Ang mabuti pa, ikaw na lang ang magbaba kay Yolly para mabigyan na niya ng pagkain si Leandro."

"'Ya, inuutasan mo na ako?!"

"Hindi naman. Nakikiusap lang ako."

"Puwes, ayoko!"

"Aisst! Batang 'to talaga, oo." Napilitang tumayo si Yaya Chadeng at ito na ang akmang magbababa kay Yolly sa hagdan pero bigla itong pinigilan ni Andy.

"Ano na naman?" Pinamaywangan na ni Yaya Chadeng ang nababaliw na yatang alaga.

"Hindi siya pwedeng umalis dito dahil sabi ko'y dito lang siya!" paninindigan pa rin ni Andy. Hinawakan niya ng mahigpit ang wheelchair.

Napapakamot sa ulo na lang si Yolly sa dalawang nagtatalo. Nakatingala siya sa dalawa na palipat-lipat ang tingin sa mga ito.

"Eh, sino ngang magpapamiryenda kay Leandro?" Humawak din ng mahigpit si Yaya Chadeng sa wheelchair.

"Ikaw na lang, 'Ya!" Hila ni Andy sa wheelchair.

"Hindi nga puwede." Hila rin ni Yaya Chadeng sa wheelchair. "Nakita mo 'yang binasag mo. Kailangang linisin ko pa 'yan. Saglit lang naman si Yolly. Iaabot lang niya ang miryenda."

"Saglit lang pala, eh! Kaya ikaw na lang, 'Ya!" giit pa rin ni Andy sabay hila ulit sa wheelchair.

"Ang dami ko ngang ginagawa," pero giit din ni Yaya Chadeng sabay hila rin sa wheelchair.

"Teka! Teka lang!" awat na ni Yolly sa dalawa. Paano'y nahihilo na siya sa mga ginagawa ng mga ito.

Natigil naman ang dalawa pero ang sama ng tingin sa isa't isa na parang mga bata.

"Andy, ako na lang okay? Maawa ka naman kay Yaya Chadeng. Ang dami niyang ginagawa rito," pakiusap ni Yolly kay Andy.

"Sabing dito ka lang, eh!" pero ayaw talagang saad ng binata.

"Ah, gano'n?! Ayaw mo akong pumunta?! Eh, di ikaw na lang! Wala ka namang ginagawa, 'di ba?" pagtataray na rin ni Yolly.

"Ay, tama. Mabuti pa nga ikaw na lang," ayuda naman ng mabilis ni Yaya Chadeng.

Halos magsalubong ang dalawang kilay ni Andy. Siya talaga?! Seryoso ba sila?!

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Where stories live. Discover now