Pumamulsa siya habang naglalakad. "Isulat mo riyan SIRAULO K. TANGAPA! 'Yan ang pangalan ko!"

Patda ang nurse, natulala at natigil sa paglakad. Sa isip malamang nito'y pangalan ba 'yon?

"Pangalan ko 'yon! Isulat mo riyan!" giit niya sa malakas na boses kasi alam niyang tumigil ang nurse sa pagtataka.

Nataranta naman ang nurse na isinulat nga iyon sa papel na hawak.

Sa parking lot ng ospital, sa kotse niya, ay pabagsak na iniupo niya ang katawan. Naiinis na talaga siya dahil tinulungan pa talaga niya si Yolly. Hindi dapat niya ginawa iyon dahil galit nga siya.

Shit! Nasuntok niya ang manibela at napasandal sa upuan saka napapikit ng mariin. Hindi. Hindi niya talaga matanggap na niloko siya ni Yolly. Masakit na masakit 'yon sa damdamin niya.

Pabiglang nagmulat siya ng mga mata at nanlilisik na naman ang mga iyon sa matinding galit.

Subalit nang buhayin na niya ang kotse para umalis na at hayaan na ang babaeng Yolly na iyon ay bigla rin siyang natigilan sa hindi niya maintindihan na dahilan. Lumaylay ang mga balikat niya at lalong nainis siya sa sarili niya dahil hindi niya kayang umalis.

"What's happening to me?! This is frustrating! Fuck!" sa kanyang isipan.

Saglit lang ay makikitang pabalik na nga siya sa loob ng ospital, ayaw man niya o hindi. Sinalubong siya ng good news na hindi naman daw malala ang pagkakabagok ni Yolly sa kotse niya.

Dahan-dahan siyang pumasok sa silid kung saan dinala si Yolly. At nakita niya roon ang naka-oxygen na tulog pang dalaga. Napatitig siya rito ng masama.

"'Yan ang napapala ng mga tanga!" subalit nanaig pa rin ang inis niya rito. Wala siyang pake kung kitang-kitang may pasa sa noo ng dalaga.

Pasalamat na lang si Yolly at malaki ang awa niya sa mga tao kaya hindi niya ito maiwan. Kaso isang parte ng puso niya ang agad tumutol. Awa nga lang ba o talagang hindi niya maiwan si Yolly?

"Naawa lang ako sa kanya dahil naaksidente na rin ako! 'Pag nagising na siya bahala na siya sa buhay niya!" sagot niya sa sarili.

Sa inis ay lumabas siya at sa labas ng silid nagbantay. Kung ilang oras siyang nakaupo ro'n ay hindi na niya alam. Basta nakaupo lang siya ro'n na nakahalukipkip at walang kakilos-kilos. At kung ilang beses na dinalaw na rin ng nurse si Yolly ay hindi na rin niya mabilang. Basta ang alam niya ay napapatingin ang nurse sa kanya. Siguro ay nagtataka bakit doon siya sa labas nagbabantay. Tss!

Hanggang sa hindi na rin niya namalayan na nakatulog na pala siya at nagising lang noong tumatawag ang mommy niya.

"Hello?" antok niyang sagot sa tawag pero nang sipatin niya ang kanyang relo kung anong oras na ay napatayo siya bigla dahil alas tres na pala ng madaling araw. Napapa-sh*t siya sa loob-loob niya. Gano'n na siya katagal sa ospital na ito?

Badtrip na badtrip siya. Dapat ngayon ay nasa silid na siya at nagpapahinga ng maayos dahil galing din siya ospital. Hindi ganito na binabantayan niya ang kinamumuhian niyang babae. Asar!

"Son, kasama mo ba si Yolly?" diretsahang tanong ng Mommy niya sa kanya sa kabilang linya.

"Ba't niyo naman naisip na kasama ko ang babaeng 'yon?" mataas agad ang kanyang boses.

"I'm just asking kasi kahapon hinabol ka niya noong umalis ka."

"I didn't see her," pagsisinungaling niya.

"Is that so, eh, nasaan kaya siya? Tumawag kasi sa 'kin ang nanay ni Yolly at hinahanap siya. Hindi pa raw siya umuuwi. Nag-aalala na si balae."

Napangiwi siya. "Stop calling her balae! Hindi mo siya balae!"

"Ay, naku ayan ka naman! Ano bang nangyari sa 'yo at naging ganyan ka na?! Kung hindi buntis si Yolly ngayon eh, ano naman? Eh, di buntisin mo ulit! Hindi ganyan na parang abo't hanggang langit ang galit mo sa kanya."

Hindi na siya sumagot, sa halip ay pinatayan na lang niya ng tawag ang ina. Palibhasa hindi sila ang naloko kaya nasasabi nilang hindi big deal ang ginawa ni Yolly sa kanya. Wala silang alam sa sakit na nararamdaman niya.

Akmang aalis na siya pero ayon na naman iyong feeling na hindi niya maintindihan. Parang may sariling buhay ang kanyang mga paa na nag-stop at gayundin ang leeg niya dahil kusang nilingon nito ang pinto ng silid.

"Aisst! Kainis!" saka aniyang mas badtrip pa na napabalik para silipin muna si Yolly kung okay na itong iwanan. Nga lang iyong silip lang ay nagtagal. Hanggang sa naging titig na iyon. Napatitig siya sa maamo at maaliwalas na ngayong mukha ni Yolly. Para itong anghel na natutulog.

Finally, Yolly's true beauty, which he had seen a long time ago, has emerged. Wala na ang makapal na kilay nito, wala na ang malaking salamin, wala na ang bangs, lalong wala na ang buhaghag nitong buhok. Ang ganda na ngayon ni Yolly.

Umangat dahan-dahan ang isa niyang kamay. Dumako iyon pisngi ni Yolly. Gusto niya iyong haplusin pero nag-alangan siya kaya naman iyong ilong na lang ni Yolly ang dinampian ng hintuturo niya.

Hindi niya namalayan na napangiti na siya. Nga lang biglang natauhan din siya sa kanyang pinagagawa. Para siyang napaso sa ilong ni Yolly.

Hindi! Hindi pwede na lumambot agad ang puso niya sa babaeng naglaro sa kanya. Hindi niya ito dapat patawarin. Hindi!

Nagpupuyos ang damdamin niyang lumabas na sa silid na iyon at tuluyang umalis.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon