"Huh?"

"Wala. Sige na. Sige lang mag-drive ka lang at baka mabangga tayo." Mas naiyak pa siya. Nag-unahan na talaga sa pagpatak ang kanyang mga luha. At nang hindi na kasya 'yong isang tissue ay kinuha na niya 'yong tissue box.

"But you're crying—"

"Hindi nga. Okay lang ako. Masakit lang talaga ang pumuwing sa mata ko. Bato yata, eh," inunahan niyang sabi.

Napakunot-noo na lang si Andy na napapangiwi. Isang malaking question mark kasi kung paano napuwing si Yolly sa loob ng kotse. Gayunman ay hinayaan na lang ni Andy ang pagtataka niyang iyon. Inisip pa rin niyang kagagawan ng pagbubuntis kaya ganoon ngayon si Yolly.

Saglit lang ay tumigil na rin sa pag-iyak ni Yolly at saktong nakarating na rin sila sa ospital.

"Sana gising na si Dad para makilala mo siya," sabi ni Andy habang tinatanggal nila ang mga seatbelt nila.

Muntik-muntikang ngumawa na talaga si Yolly. Sayang talaga, eh. Ito na, oh, ipapakilala na siya sa tatay tapos malalaman nitong hindi siya buntis. Woaaaahhhh! Ang saklap!

"Let's go?"

Hinolding hands din siya ni Andy. Iyong feeling na yata niya ay mag-asawa na sila. Sayang talaga ang mga moment na 'to kapag nagkataon kung papatayin din siya ni Andy sa huli.

Dire-diretso sila sa VIP room ng daddy ni Andy, pero saglit silang tumigil. Hindi agad sila pumasok dahil tiningnan muna siya kasi ni Andy. Sinipat o chineck muna siya mula ulo hanggang paa. Pagkuwan ay parang asawa na niya talaga ito na inayos pa ang tumikwas sa buhok niya sa salamin niya sa mata.

"Perfect," at sabi rin nito na para bang nagandahan sa hitsura niya.

Iningusan niya ito. Gano'n pa rin naman din ang hitsura niya ngayon. Baduy, pangit, manang, lumang tao, etsetera.

"Just be yourself, okay?" bilin din ni Andy sa kanya bago nito pinihit ang doorknob ng pinto.

Kaso na-stop sila sa pagpasok nang may tumawag sa kanya.

"Yolly?!" malakas na sigaw ng boses lalaki sa pangalan niya.

Napalingon siya at anong liwanag ng mukha niya nang makita at makilala kung sino iyon.

"L-Leandro?" tawag din niya sa binata. Hindi niya namalayan na napabitiw siya sa kamay ni Andy gawa ng labis-labis niyang at katuwaan na muling makita ang binatang nagparamdam din sa kanya ng tunay na kaibigan. At siya pa talaga ang lumapit kay Leandro. Tuwang-tuwa talaga kasi siya. Siguro ay dahil nakita niya muli ang tagapagtanggol niya sa ganitong pagkakataon na kailangan niya ng karamay. Saktong-sakto.

"Kumusta? Anong ginagawa mo rito?" bati niya kay Leandro.

"Ito okay lang. Nagpapa-medical ako para sa pinapasukan kong bagong trabaho. Ikaw, kumusta ka?"

Sasabihin niya sanang okay siya pero naalala niyang hindi nga pala siya okay. Natauhan na rin siya na kasama pala niya si Andy kaya napalingon siya rito.

Seryoso ang mukha na nakatingin lang naman sa kanila si Andy. Babalik sana siya ulit dito pero biglang pumihit na si Andy, pumasok na ito sa silid. Pabalibag na isinara ang pinto

Umawang ang mga labi niya. Nabahala siya.

"May problema kayo?" At napansin iyon ni Leandro.

Napayuko siya ng kanyang ulo. Muli pumatak na naman ang mga luha niya.

"Kaya pala nagkita na naman tayo dahil kailangan mo na naman ako, tama ba?"

Hindi na siya nahiya. Tumango siya sa tagapagtanggol niya.

"Tsk! Akala ko pa naman ay okay na kayo."

Mapait ang naging ngiti niya sa binata saka pinunas na rin ang mga luha niya. "Puwede ko bang makuha ang number mo?"

"Sige ba."

"I-te-text na lang kita. Okay lang ba?"

"Oo naman." Si Leandro ang unang naglabas ng phone at inabot sa kanya. "I-save mo na rito ang number mo. Tatawagan na lang kita mamaya para mapuntahan mo na si Andy."

"Sige," aniya na mabilis na tinipa ang number niya sa cellphone ng binata. "Tawagan mo ako, ah?"

"Oo. Sige na pumunta ka na ro'n."

Medyo may buhay na ang naging ngiti niya sa binatang tagapagtanggol niya.

"Ingat ka," sabi pa sa kanya ni Leandro.

Tumango siya't lumakad na patungong room ng daddy ni Andy. Kahit paano ay medyo gumaan na ang pakiramdam niya dahil nakita na niya ulit si Leandro, ang kakampi niya.

At isang sulyap muna siya sa binata, kinawayan naman siya nito. Matapos niya itong ngitian ay nahihiya na siyang pumasok sa kuwarto na iyon ng ospital.

Agad na nagtama ang tingin nila ni Andy na nakaupo na ngayon sa tabi ng kama ng pasyente na malamang ay iyon na ang daddy nito. Kaya lang ay anong kunot ng noo din nila ng lalaking pasyente na iyon nang magtama ang tingin nila sa isa't isa.

"Ikaw?" sambit ng daddy ni Andy nang may masiguro.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon