"Tingnan mo 'to imbes na matuwa dahil nakatulog na ng maayos sa higaan, galit pa!" parinig ni Andy.

"Ewan ko sa 'yo!" singhal niya pa rin. Kinuha niya ang kanyang salamit at isinuot.

"Naglilihi ka na ba kaya laging mainit na 'yang ulo mo? At ako ang pinaglilihian mo kasi guwapo ako?"

Diretso labas siya at ibinalibag niya ang pagsara ng pinto, pero saglit din naman siyang natigilan doon dahil naisip niya, tama nga kaya si Andy? Naglilihi na ba siya? Ang aga naman yata? Wala pa ngang isang buwan ang tiyan niya, eh.

Hanggang sa may marinig siyang nag-uusap sa labas ng bahay. Humaba ang leeg ni Yolly sa pag-anag-ag kung sino ang mga iyon, at kinabahan nang makilala niya na boses ng nanay niya ang isa. Naku po baka si Cindy na naman!

Agad siyang nagtungo sa labas ng bahay. Hindi na talaga niya uurungan si Cindy kapag ito na naman ang kausap ng Nanay niya. Sige!

Nga lang ay anong gitla niya nang makita at makilala niya kung sino ang kausap ng nanay niya ngayon na kay aga-aga. Hindi kasi si Cindy iyon.

Kumaripas siya ng balik sa kuwarto niya.

"Andy, gising! Gising, naku po!" Napasakay siya sa tiyan ni Andy saka yugyog siya rito sa dibdib para magising. Wala na siyang kaarte-arte.

"Ano na naman?" ungol ni Andy.

"May problema sa labas! Gumising ka dali!"

"Huh?" Nagmulat ng mga mata si Andy. "Nandiyan na naman si Cindy?"

"Hindi si Cindy!"

"Then who?"

"'Yung ano... 'yung nagluwal sa 'yo! Iyong nagbuntis sa 'yo ng siyam na buwan!" Sa pagkataranta niya'y hindi na niya alam ang pinagsasabi.

"What?"

"Ang ibig kong sabihin ay si ano siya. Si Mommy mo!" Mabuti na lang at nasabi rin niya. Phew!

"Ano?! Si Mommy?" Bigla sanang babangon si Andy pero dahil nasa tiyan siya nito ay nagkabungguan sila ng noo.

"Aray!" sambit nilang parehas na napahawak sa kani-kanilang mga noo. Parang nakakita si Yolly ng mga ibong nagtwe-tweet-tweet at nagliliparan sa taas ng kanyang ulo.

"Umalis ka kasi riyan!" tabig ni Andy sa kanya pa parang naduling naman.

Mahilo-hilong tumayo ang dalawa at hawak pa rin ang mga noo nilang lumabas ng silid.

"Mom?" agaw-pansin ni Andy sa ina nitong elegante ang pagkakabihis nang makita ito.

Parehas silang kinabahan ni Yolly nang seryosong napatingin sa kanila ang mayamang ginang.

"Naku po!" Sa loob-loob ni Yolly. Natakot siya sa mommy ni Andy, lalo't naalala niya 'yong panaginip niya noon ukol dito. Wala naman sanang gulo, Lord!

Hinawakan siya ni Andy sa palapulsuhan at hinila. Lumapit sila sa mga ina nila na nag-uusap.

"Mom, what are you doing here?" kaswal na tanong ni Andy sa mommy nito.

Imbes na sumagot ang mayamang ginang ay kay Yolly ito tumingin. Pataas-pababa, pababa-pataas ulit, tapos pataas-pababa na naman.

Napalunok si Yolly. Ayan na tatarayan na siya.

"Siya ba si Yolly?"

"Yes, Mom," sagot agad ni Andy.

"Bagong gising lang po ako, Madam. Mas maganda po ako konti kapag nakaligo na po ako," hindi pa man ay paliwanag na ni Yolly saka kinagat ang apat niyang daliri.

"Ginagawa mo?" Pero tinabig ni Aling Yolanda ang kamay niya.

"Mom, let's talk," bago naman makapagsalita ang mommy niya ay hinila na ito ni Andy sa may di-kalayuan. "Why are you here? Didn't I say that no one can stop me from taking responsibility for Yolly?"

"Son, relax," ngunit nakangiting sabi rito ng ginang.

"How can I relax kung alam kong nandito ka lang para hamakin din ang babaeng magiging ina ng anak ko tulad ng ibang mga tao?"

"Ganyan na ba talaga kasama ang tingin mo sa akin, Andy?" nakapagtatakang malumanay na tanong ng mommy niya

Natigilan si Andy. Bahagya ring napakunot-noo at napamaywang. Napatitig siya sa may edad na pero maganda pa ring mukha ng mommy niya.

"I just came here to check if you're okay and to get to know the future mother of my grandchild. Wala akong masamang intensyon, Son."

Andy was so shock. "You mean—"

"Yes, Son. Hindi na ako tututol sa inyo dahil napag-isip-isip ko na buhay mo 'yan. Ikaw ang makakapagdesisyon niyan. 'Yung mga sinabi mo sa 'kin noong last na nag-usap tayo, nauunawan ko na lahat iyon, Andy, Anak."

Tila ba ay nabunuton ng pagkarami-raming tinik sa dibdib si Andy. Nangilid ang mga luha niya. Akala niya talaga ay kung ano na ang ipinunta ng mommy niya. Thank God, and it turns out he was wrong.

"Susuportahan ko kayo. Lalo na ang magiging apo ko," sabi pa ni Madam Angie.

"Thanks, Mom," ang tanging nasambit ni Andy bago mahigpit na niyakap ang ina.

"'Nay, ano'ng nangyayari?" Na siyang ipinagtaka ni Yolly na nanonood sa mag-ina.

"Anong anong nangyari?"

"Bakit po sila nagyayakap? Eh, di po ba dapat magtatalo sila dahil sa 'kin?"

Kunot ang noong napatingin si Aling Yolanda sa kanya. "Ano'ng sinasabi mo?"

"Eh, hindi ba nagtatalo rin kayo kanina, 'Nay, kaya alam ko na magtatalo rin silang mag-ina dahil sa akin?"

"Sira ka talagang bata ka. Para malaman mo ay mabait si Misis Pagdatu."

"Po?" Lalong naguluhan si Yolly.

"Hay naku, siguro akala niyo pumunta siya rito para pigilan ang pagsasama niyo, ano?"

Maraming tango ang ginawa niya habang humaba-haba ang nguso niya. Ano pa bang dapat iisipin nila?

Hinawakan ni Aling Yolanda ang dalawang kamay niya. "Ako rin kanina pero mali ka, Anak. Mali tayo dahil kung gaano kabait si Andy ay ganoon din pala ang mommy niya."

"Paano mo po nasabi, 'Nay?"

"Dahil sabi niya kanina ay pumunta raw siya rito para sabihing dapat ay magpakasal na kayo ni Andy."

"Po?!" sobrang lakas ng naging boses niya na reaksyon. Sa lakas nga'y umabot iyon hanggang sa kinaroroonan ng mag-inang Andy at Madam Angie kaya napatingin ang mga ito sa kanila.

Yumukod siya sa mga ito bilang paghingi ng paumanhin. Naistorbo yata ng malakas niyang boses ang pag-uusap ng mag-ina, na siya namang ikinatuwa ni Madam Angie.

"I think makakasundo ko siya, Son," sabi ni Madam Angie kay Andy.

"For sure, Mom, dahil mabait po siyang babae sa kabila ng hitsura niyang—" Hindi naituloy ni Andy ang sinasabi dahil inilagay agad ni Madam Angie ang hintuturo nito sa bibig ng anak para hindi nito masabi ang katagang iyon.

"Don't say that, Son. Lahat ng nilalang ng Diyos ay walang maganda at pangit. Nasa taong tumitingin lang iyon," saka sabi nito bago tumingin ulit kay Yolly.

Lalo tuloy hindi makapaniwala si Andy sa mommy niya. Kunsabagay mabait naman talaga ito. Dahil lang naman sa paghihiwalay nila ng daddy niya kung bakit nagkawatak-watak sila at napabayaan siya.

"I think dapat ko lang siyang isama sa salon kapag nagpunta ulit ako roon," tapos ay wika ulit nito.

"What?"

Tinapik-tapik ni Madam Angie ang magkabilang balikat ni Andy. "Don't worry, Son, because from now on, I will be her fair godmother. Akong bahala sa kanya."

Nakangiting niyakap muli ni Andy ang mommy niya. Mabuti na lang at kakampi na niya ngayon ito. Mas malakas na ang loob niya ngayon na ipagtatanggol ang mag-ina niya sa kahit na sinuman.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon