Nakataas ang gilid ng labi niya na ngumiti. Pagkuwan ay, "Mmm! Mmm!" Inis na inis na niyang pinagpipindot ang mga button sa sasakyan. Hindi siya nakikipagbiruan. Seryoso siya.

"What the heck!" Gulat na gulat ang binata sa pinagagawa niya.

Nang marinig niya ang CLICK na tunog; ang hudyat na nagbukas ang lock ng pinto ay agad niya iyong binuksan. Napakabilis siyang umibis at tumalilis.

"Hoy!" Hila ni Andy sa kamay niya pero nakawala siya. Labas din agad si Andy sa kotse.

Ang bilis ng takbo niya para maiwasan sana ang binata ngunit agad siyang nahabol nito at nahawakan.

"Bitawan mo ako!" piglas niya.

"Ano ba talagang problema mo, ha?!" ang lakas ng boses ni Andy. Galit na talaga ito.

"Sinabi ko na, 'di ba?! Hindi nga puwede ang gusto mo! Maawa ka sa sarili mo!"

"Sira-ulo ka talaga!"

"Ayoko nga! Hindi kaya ng konsensya ko!"

Sumeryoso ang mukha ni Andy. "Kung gano'n ipalaglag na lang natin 'yang bata!"

Doon nahintakutan si Yolly. Siya naman ang napatitig sa mukha ni Andy. Seryoso ba ito?

"Kung ayaw mong panagutan ko 'yan dahil lang sa akala mo ay hindi tayo bagay, then fine! Ipalaglag na lang natin para matapos na 'to! Tutal ang gusto mo naman, eh, lumaki ang anak mo na walang ama, 'di ba? Akala mo madali 'yon sa isang bata! Ako nga malaki na, eh, malaki na ako ngayon pero ang sakit-sakit pa rin ng pakiramdam ko na iniwan ako ng ama ko! Naghiwalay na sila nang tuluyan ng mommy ko at hindi mo alam kong gaano kasakit 'yun! 'Yung pakiramdam na wala na akong ama anytime na gusto ko at kailangan ko! Tapos ipaparamdam mo 'yon sa magiging anak ko! Hindi ako papayag! No way in hell, Yolly!"

Umuwang ang mga labi niya. Natameme na siya.

Nangilid naman ang mga luha ni Andy. "Buong buhay ko ang ginusto ko lang ay maayos na pamilya. Kaya sana huwag mo 'tong ipagkait sa 'kin. I beg of you, Yolly."

"P-pero mga bata pa tayo."

"I don't care."

"Andy..." Natigagal siya. Grabe, sa lahat ay ito ang hindi niya inasahan na gagawin ng isang lalaki para sa kanya, lalo na ng isang katulad ni Andy.

"Please, Yolly, hayaan mo na ako. Gusto ko ipakita sa mga magulang ko na kahit inabanduna na nila ako ay kaya ko pa ring maging matinong tao. Gusto ko alagaaan ang anak ko at pati na rin ikaw."

Tuluyan nang hindi nakaimik si Yolly. Matagal na nagngusap ang kanilang mga namumulang mga mata gawa ng mga nagbabadyang mga luha.

Ang hindi niya pa inasahan ay maluwang siyang yayakapin ni Andy. Hindi na siya tumutol dahil tumulo na rin ang mga luha niya para kay Andy. Na-touch siya. Sobrang na-touch siya sa mga sinabi nito. Kahit pala paano ay mga matitinong lalaki rin pala talaga sa mundo. At isa na roon si Andy kahit hindi halata.

"Anong ibig sabihin nito?!" Pero napahiwalay rin sila agad nang marinig nila ang boses ni Aling Yolanda.

"Nay?" Nanlalaki ang mga mata ni Yolly. Anong ginagawa rito ng nanay niya?! Paktay na! Ito na nga ba ang sinasabi niya, eh!

Si Andy naman ay nagmano agad sa ginang. "Kumusta po?"

"Ano ngang ginagawa niyo rito?" ulit na tanong ni Aling Yolanda. "Hindi ba dapat nasa school kayo?"

Nagkatinginan sila ni Andy. Umiling siya ng makahulugan kay Andy. Sinabi niyang huwag nitong gagawin ang binabalak. Subalit may pilyo ang naging ngiti pa rin kAndy sa kanya.

"Nag-uusap lang po kami ni Yolly, Tita," sagot na ni Andy sa nanay niya.

"Anong pinag-uusapan niyo sa gilid ng kalsada?"

Tinginan ulit sila sa isa't isa. 'Yung mukha niya hindi na mailarawan. Diyos ko! Pigilan niyo si Andy!

"'Nay, kasi ano—" Sasabihin sana niya na wala lang ang pinag-uusapan nila pero biglang singit si Andy.

"Tita, papanagutan ko po si Yolly," diretsahan nitong sabi sa nanay niya Walang preno-preno at mukhang proud pa.

Wala na, nabaliw na talaga!

"Totoo ba?" Ang mga pinamili ni Aling Yolanda ay nahulog na sa gulat ng ginang. Hindi rin makapaniwala.

"Opo kung papayag po sana kayo," ngiting-ngiti na saad pa Andy.

Natutop ni Aling Yolanda ang dibdib nito. Ang akala nito kasi ay mahihirapan itong kumbinsihin ang lalaking ito na panagutan si Yolly. Actually, natawagan na nga nito kanina ang kakilala nitong pulis para kung sakali ay ipanakot nito, pero heto't boluntaryo pa talaga ang binata. Himala. Kahanga-hangang binata.

Ngiwing-ngiwi naman si Yolly na pinulot ang mga pinamili ng nanay niya na nalaglag. Wala na talaga, nasiraan na talaga ng tuktok si Andy. Bahala na nga ito sa buhay niya! Gusto niya 'to, eh!

"Sigurado ka?" paniniguro ni Aling Yolanda kay Andy.

"Opo. Ang totoo iyon po talaga ang pinag-uusapan namin ni Yolly kanina."

Abo't hanggang tainga na ang ngiti ni Aling Yolanda. Para itong nabunutan ng tinik sa dibdib. "Aba'y maganda. Syempre payag na payag ako."

"Pero sa isang kondisyon po," nga lang ay pahabol na sabi ni Andy na nagpakaba ulit kay Aling Yolanda.

"At ano naman 'yun?"

Tumingin muna si Andy kay Yolly bago sumagot. "Sa bahay niyo na po ako titira simula mamayang gabi."

Napanganga si Yolly. Nalaglag ulit sa kamay niya ang pinamili ni Aling Yolanda na pinulot niya.

Ano raw na naman?

Woah! Dr*gs pa more, Andy!

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon