CHAPTER 73

45.1K 568 86
                                    

Chapter 73: His agony

“NAKAUSAP ko kanina ang fiancé mo. Ano ang balak mo sa kanya, Mergus?” seryosong tanong sa akin ni Grandpa. Kasama niya si Kuya Markus at naghihintay rin ito sa isasagot ko. Dahil matiim niya akong tinitigan.

“Magulo pa ho ang isip ko ngayon, Grandpa,” sagot ko sa mahinang boses.

“Bakit nagsabay-sabay pa kayong magkakapatid na naging komplikado ang mga bahay buhay ninyo? Gusto ninyo bang mamatay ako sa konsumisyon sa inyo?” Napahilot ako sa sentido ko at umiling. Ayoko naman na mangyari iyon sa kanya.

“Sorry po, Grandpa,” sabi ko lang.

“Ang kakambal mo, nakuha na niya ang Elvo street pero hayon, umiiyak pa rin siya dahil naiwan siya,” sabi pa niya.

Nandoon kaming lahat na magkakapatid, nakita namin ang dating studio ng girlfriend ng kakambal ko at sunog na sunog na nga ito. Wala siyang kaalam-alam na baka napahamak na nga raw ang mag-ina niya habang wala siya. Hindi naman namin siya hinayaan na mag-isa lang na harapin ang problema niya kahit may sarili rin kaming suliranin. Mas higit nga lang nahihirapan ang kapatid ko dahil may anak siya.

“Hindi mo dapat pilitin ang fiance mo na maging donor ng kapatid niya. Mergus, alam mong lahat ng tao ay may dahilan. Sa halip na pakinggan muna ang paliwanag niya ay bakit mo siya tinatalikuran ngayon?” tanong sa akin ng nakatatandang kapatid ko.

“Kuya, nag-aalala lang din po sa kapatid niya, eh,” I reasoned out.

“Mas mag-alala ka sa fiancé mo, lil brother. Higit na priority mo si May Ann. Gusto mo bang...mag-back out na lang sa engagement ninyo? Magagawan ko iyan ng paraan.”

“Kuya, hindi ko naman po sinabi na bibitawan ko siya. Magulo lang talaga ang isip ko ngayon. Wala po akong nakikita na ibang paraan para talikuran niya rin ang kanyang kapatid.”

“Intindihin mo siya sa halip na pagsabihan mo siya ng kung ano-ano. Apo, hindi ko siya pinili dahil lang sa pamilya niya ngayon. Na hindi dahil nagmula rin siya sa maganda at mayaman na pamilya. May dahilan ang lahat at kung bakit pinili ko rin siya. Pero kung magpapatuloy ka sa ganyan ay hindi kita matutulungan para ayusin pa ang relasyon ninyo. Ikaw mismo, sarili mo ang magpapahamak sa samahan ninyong dalawa,” mahabang sabi ni Grandpa.

Hindi ako nakinig kina Kuya Markus at Grandpa. Pinili ko pa rin talaga ang side ni Arveliah at pinilit ko pa rin si May Ann. Sina Tita Venus at Mommy ay patuloy akong pinapakiusapan. Lalo na nakikita ko na nga ang unti-unting paghihirap nito.

“Alam mong may sakit si Arveliah, Zero?” tanong ko sa kaibigan ko.

“Kilala mo ako, Gus. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip ng isang tao at girlfriend ko si Arveliah. Malalaman ko kung ano ang kakaibang nangyari sa kanya pero matigas ang ulo niya, eh. Patuloy pa rin niyang sinasabi sa akin na wala siyang sakit. Ilang beses ko na siyang pinilit at nagawa ko naman. Pero muntik pa nga kaming mahuli sa surgery niya,” paliwanag niya sa akin.

“Pero si May Ann... Tumanggi na siya na maging donor nito,” sabi ko at bumuntong-hininga siya.

“Kailangan na niyang i-undergo surgery ASAP, Gus. Habang tumatagal ay mas mahihirapan lamang siya.”

“Gagawa pa rin ako ng paraan. Compatible sila ni May Ann, dapat mapilit ko siya,” sabi ko.

“Hayaan mo munang mag-isip si May Ann. Huwag mo siyang pilitin.” I just shrugged my shoulders.

Pagdating namin sa hospital ay maririnig naman ang sigawan at iyakan sa loob ng private room ni Arveliah. Nagmamadali kaming pumasok sa loob at doon lamang namin nalaman ang nangyayari sa kanila.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now