CHAPTER 68

54.7K 533 30
                                    

Chapter 68: Begging & Leaving

NAGPAKUHA si Mama ng meryenda for us. Katabi kong nakaupo ang Mama ko habang hawak niya ang mga kamay ko. Kaya rin naman niyang tumayo at maglakad nang mag-isa pero overprotective lang daw sa kanya ang asawa niya.

I’m happy for my mother, dahil nakahanap pa rin siya ng lalaking mamahalin siya at aalagaan. Kahit hindi ko pa nakikita ang asawa niya ay alam kong mabuting tao ito at mabait din dahil nagawa nitong alagaan ang Mama ko.

Nakaupo na naman sa lap ni Mergus si Mayeese. Ayaw rin talagang umupo nito sa sofa, eh. Napaka-clingy niya talagang baby at ang gusto niya ay palagi siyang nasa tabi nito.

“Mama, may anak po ba kayo sa asawa ninyo?” tanong ko sa kanya at napangiti siya.

“Are you expecting to have a sibling from me, baby?” she asked me and I nodded.

“How about you, Mayeese? Gusto mo ba ng baby brother?” tanong niya sa apo niya at ako naman ang napanguso.

“Mama... Ako po ang nagtatanong sa inyo, huwag po ang baby ko,” ani ko at mahinang natawa lang siya.

“How about you, Mergus? May balak ka bang sundan ang anak mo?”

“Mama...” Doon na ako pinamulahan ng pisngi dahil si Mergus na ang tinanong niya. Baka kung ano pa ang sabihin nito.

“Hindi pa ho kami okay ng anak ninyo, Mama. Pero liligawan ko lang po ulit siya,” sagot niya at binalingan ko siya.

“Ulit? Hindi ko naaalala na nanligaw ka sa akin, ha,” masungit na sabi ko sa kanya.

“Then let me court you,” sabi niya pero inirapan ko lang siya.

“Wala na po akong balak na sundan pa si Yeye, Mama,” sabi ko.

“May Ann... Don’t say that. Baka kainin mo ang sinabi mo, baby...”

“Kung ang lalaking iyan lang po ang magiging ama ng anak ko ay huwag na lang po, Mama.”

“What? So, ayos lang kung sa ibang lalaki? Miss... Sobra na iyan,” reklamo niya pero nang panliitan ko siya ng mga mata ay mabilis na tumiklop ang bibig niya.

“Baby brother, Nonna? Uhm... Dad, what was that?” inosenteng tanong ni Mayeese sa Daddy niya at tiningala pa niya ito.

“Just like... Uhm... May kasama kang mag-play sa bahay, anak.”

“Mergus,” I warned him.

“Ah... Baby brother. Mom, I want that.” I ignored my daughter.

“So Mama, mayroon po ba akong kapatid?”

“They are on their way, baby. Let’s wait for them,” sabi niya. Hindi niya man sinagot na kung may kapatid ba ako ay parang nasagot naman na.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ang hinihintay namin. Pumasok ang isang 10 years old na batang lalaki at kasunod nito ang isang... I am not sure kung anak pa ba siya ni Mama or ito na ang asawa niya pero ang bata naman masyado.

“Mama, you have a visitors?” tanong nito nang makita niya kami. Lumapit siya kay Mama at hinalikan ito sa pisngi. Iyong color eyes niya lang yata ang nakuha niya sa Mama namin tapos...

“Hi, hon,” he greeted my mother. Humalik din siya sa pisngi ni Mama. Bakit kaya ang mukha niya ay mas bata?

“Hon, this is my daughter. Kasama na ni Mergus ang anak ko,” emotional na sabi pa niya.

“You must be May Ann? My wife’s daughter?” he asked and I nodded. I was in shock pa dahil sa looks niya.

“Anak... Are you curious na mas bata siya sa akin ng ilang years?” I nodded again. Gusto ko ngang malaman.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum