CHAPTER 63

67.9K 722 70
                                    

Chapter 63: Calling her Dad

IT’S NOT very sunny today because it’s getting dark. Even in the morning, the sky is already dark. The wind is cold. The leaves dance on the tree because of the wind until the leaves slowly fall. The place was quiet like Miko’s silence.

Miko is someone I care about, not because he is Mergus’ brother. That’s because he’s a good person and someone who saw my worth.

A good friend whom I considered like a real brother but I never expected that I would visit him in this way.

“How are you, Miko? Masaya ka ba riyan at masyado kang nagmamadali?” tanong ko sa kanya.

“He’s not talking, Mommy,” my daughter said.

“Yes, sweetie.”

“And besides...he’s not here po. I could not feel my uncle’s presence. That’s not him, Mommy.” Napatingin naman ako sa langit dahil parang nagbabadya na yata ang ulan.

Hindi ko naman akalain na uulan pa ngayon. Wala pa naman kaming dalang payong pero may naghihintay naman sa amin.

“Aalis na kami, Miko. Bantayan mo palagi itong makulit mong pamangkin, ha? Bibisita kami ulit,” paalam ko at pinangko ko na si Mayeese.

“Mommy, he’s not my uncle.” Hindi ko na pinansin pa ang pagdaldal sa akin ng anak ko dahil halos takbuhin ko na ang exit para lang makalabas kami. Aabutan na kami ng ulan.

Nagsalubong naman ang kilay ko nang makita ko na wala na roon ang car na sinakyan namin kanina at hindi ko na rin makita pa ang tauhan ni Kuya Markus.

“Nasaan na iyon?” tanong ko.

“Sino po?”

May waiting shed namin dito kaya naisipan ko na lang na maghintay roon. Ibinaba ko sa upuan si Mayeese at hinubad ko ang coat ko. Ibinalot ko iyon sa maliit niyang katawan.

Lumalamig na masyado ang hangin. Baka lamigin si Mayeese. Naka-white collaret sleeveless lang siya and brown shorts with a pair of sneakers.

Inilabas ko ang phone ko para tawagan si Kuya Markus. Nailipat naman ang tingin ko sa color brown Bercedes-benz na huminto malapit lang dito sa waiting area na ito.

Walang sumasagot sa kabilang linya at panay ring lang ito. Umupo sa tabi ni Mayeese at bumalik lang ang tingin ko sa kotseng iyon. Bumaba ang driver at nanliit pa ang mga mata ko nang namukhaan ko ito. Saka lang siya bumababa ay iyong bumagsak na talaga ang ulan?

Nandiyan na naman siya. Tss.

Patakbong nagtungo siya rito at masama agad ang tingin ko sa kanya. May dala pa siyang paper bag na nakatago sa kanyang likuran.

“Hi,” agad na bati niya na inirapan ko.  “Puwede ba akong makisilong dito? Ang lakas na ng ulan, oh,” sabi niya.

Literal na in-ignore ko lang siya at sinusubukan ko pa ring tawagan si Kuya Markus. Bakit naman kaya iniwan kami no’n? Hindi na lang kami hinintay pa.

“You okay, Yeye?” tanong ko kay Mayeese nang makita ko ang pananahimik niya at diretso lang ang tingin niya. Hindi niya rin pinansin iyong feeling close niyang Daddy.

“Opo,” sagot nito at humikab pa.

“Wait na muna natin ang driver ni Uncle Markus mo, ha?” Tumango lang siya sa akin.

“Hello. Can i sit here?”

“No. You saw that my Mommy and I were sitting, didn’t you?” masungit na tanong ni Mayeese na ikinagulat ko pa.

Nagulat din si Mergus nang bigla siyang pagsupladahan nito at nang tingnan ko ang mukha ni Mayeese ay ang pagkurap ng mga mata niya ay parang nang-iirap lang siya. Hindi ko inaasahan na mawawala pala ang magiging mabait niya kapag sinabi ko na huwag siyang makipag-usap sa stranger.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now