CHAPTER 24

37K 438 42
                                    

Chapter 24: Iingatan

HE STARTED this. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang pagsasabihan ako nang ganoon when it comes to my family dahil wala naman silang nalalaman tungkol doon. Wala silang alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa Vallejos family.

Dahil ako ang palaging nakikita nila na may mali, na ako lang ang nagkakasala sa parents ko even though wala naman talaga akong ginagawa. Na kahit may ginawa na nga akong kabutihan sa parents ko ay hindi naman nila iyon kayang ma-appreciate.

Isa pa, may mga tao pa rin naman ang walang alam tungkol sa akin. Ang akala rin nila ay nag-iisang anak lang si Arveliah ng parents namin. Kaya nasabi ko rin na balewala ang existence ko sa mundong ito.

“May Ann, wait!” sigaw niya sa pangalan ko. I ignored him. “May Ann!”

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko lalo ang pagsikip nito. Marahan ko na lamang tinapik-tapik upang mabawasan naman ang paninikip nito. Panay rin ang paghinga ko nang malalim.

Since uwian na ay naisipan ko na lang ang lumabas. Hindi naman mahirap kumuha ng masasakyan.

“Pauwi ka na ba, Engineer Vallejos?” tanong sa akin ni Architect Larvae. Hindi nila napansin ang pagkadismaya ko dahil totoo naman si Michael. Magaling akong magtago ng totoong nararamdaman ko kaya hindi ako mahihirapan na gawin iyon lalo na kung kaharap ko ang ibang tao.

“Yes,” tipid kong sagot at sinabayan ko na rin nang pagtango.

“Dumating na rin naman si Engineer Brilliantes kanina.”

“Oh, nandiyan na pala siya.”

“I’ll go ahead,” paalam ko at diretso lang ang paglalakad ko.

“I told you to wait for me, May Ann,” malamig na saad niya pero pilit ko pa rin siyang binabalewala. May taxi naman ang huminto sa tapat ko at binuksan ko agad ang pinto nito pero mabilis na isinara iyon ni Mergus. “Sabay tayong uuwi, Miss,” mariin na saad niya at hinarap ko naman siya.

“Don’t stop me, Mergus. May kasama kang pusa at hindi ako sasakay sa kotse mo. Uuwi ako ng mag-isa,” walang emosyon na saad ko.

“May Ann...” sambit niya sa pangalan ko at maingat na hinawakan niya ang siko ko na nagbigay nang kilabot sa aking katawan. Napatingin ako sa guwapo niyang mukha na nakikitaan ko na iyon ng guilt.

“Let go,” I said.

“Fvck, I’m sorry, Miss.” Marahas kong binawi ang kamay ko at pinukulan ko siya nang malamig na tingin.

“Hindi sa lahat nang oras na nagkakaatraso ka sa akin ay sorry lang ang puwede mong sabihin. May isip at pakiramdam din ako. Hindi ako makukuha sa isang sorry lang, keep that in mind,” sabi ko at tuluyan na akong sumakay ng taxi.

Nakita ko pa ang pag-ikot niya sa driver seat at kinausap niya ang driver. Hindi na lang ako tumingin pa roon at binigyan ko na lang nang pansin ang mga braso ko na nagsisimula nang mangati at may pantal na siya agad. I heaved a sigh and the driver started to maneuver his taxi.

But when I turn my head on the back ay nakasunod na agad ang car ni Mergus. Mayamaya lang ay dumating na kami sa condominium and I was about to pay my pamasahe nang magsalita na ang taxi driver.

“Binayaran na po ni Sir kanina, Ma’am.” I frowned and just got off from the car.

Hindi madali para kay Mergus ang sumunod sa akin dahil kailangan pa niyang i-park ang car niya kung kaya naman ay kinuha ko na ang pagkakataon na iyon upang hindi na siya makasunod pa sa akin. May inis pa rin ako sa kanya. Kaya huwag muna siyang lumapit sa akin.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon