CHAPTER 65

62.6K 593 35
                                    

Chapter 65: Arrival

“EWAN ko, Daddy... Hindi ko pa po siya kayang... tanggapin...sa ngayon. Mahirap pong ibalik ang tiwala ko sa kanya dahil nasaktan po niya ako ng sobra dati. Hindi po madaling makalimot kaya rin hindi ko pa ho kayang magpatawad sa kanya. Dad, ayoko pong... pag-usapan muna ang tungkol sa Daddy ni Mayeese. Puwede po ba na kalimutan na muna natin iyon?”

“I understand you, anak. Pero sana hanapin mo pa rin sa puso mo ang kapatawaran. Alam kong hindi mo siya kailangan. Dahil nakikita ko ngayon na kayang-kaya mong alagaan ng mag-isa ang anak mo. Maliit pa man siya ay nakikita ko na ang magandang pag-aalaga mo sa kanya. Mabait siyang bata at magalang din sa nakatatanda. That’s why Daddy is so proud of you. Pero, anak. Isipin mo si Mayeese, isipin mo ang apo ko. Isipin mo kung ano ang makabubuti para sa kanya. Ayokong...matulad sa iyo ang apo ko. Hindi naging maganda ang buhay mo noon dahil sa amin ng Mommy mo. Bigyan mo siya ng kompletong pamilya, May Ann. Kompletong pamilya na magmamahal sa kanya at maiiwasan niya ang sakit, ang maipit sa sitwasyon ninyo ng Daddy niya,” mahabang saad niya na tinanguan ko.

“Hindi ko po maipapangako na kaya ko, Dad. Pero... Oras lang po ang kailangan ko,” I uttered.

Totoong matigas nga ang puso ko pagdating sa pagpapatawad sa isang tao. Na kahit mahal ko pa si Mergus ay hindi ko pa rin siya kayang tanggapin at patawarin agad. Feeling ko ay masyado pang maaga.

“That’s good to hear. Kayang maghintay ni Mergus, ngayon pa ba siya susuko kung nakita na niya ang mag-ina niya?” Ngumiti lang ako sa kanya dahil wala na akong masasabi pa roon. “Kung alam ko lang na buntis ka na noon ay sana hindi na kita hinayaan pa na umalis.” As expected ay pipigilan niya ako. Kaya mas mabuting wala na talaga siyang alam.

“Sorry po, Daddy.”

“Halika ka nga rito. Gusto kitang yakapin,” sabi niya na ikinangiti ko. Lumapit ako para umupo sa tabi niya. Agad akong ikinulong sa mga braso niya at naramdaman ko pa ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko. “I miss you, May Ann... Sana man lang ay tumawag ka sa akin para hindi ako mas mag-alala sa inyo,” aniya.

“Hindi ko na po iyon naisip pa, Dad. At saka po tinulungan naman kami ni Kuya Markus. Kasama ko naman po si Ruthy kaya hindi ninyo na po kailangan pang mag-alala sa akin.”

“Basta ang mahalaga ay okay na kayo ng apo ko,” aniya at tiningnan ko ang anak ko na nakasandal sa dibdib ni Daddy. Kahit ngayon niya lang nakilala ay nagiging comfortable agad siya. I don’t know if it’s a good thing or what.

Humiwalay rin ako sa aking ama at kinuha ko ang coffee na tinimpla ko for him. “Uminom ka muna ng coffee, Dad bago pa ho lumamig,” ani ko.

Mahigit isang oras nag-stay si Dad dahil naaaliw siyang kakuwentuhan si Mayeese. Nagpaalam din naman siya sa amin at bibisita na lamang daw next time but bago siya umalis ay may ibinigay pa siya sa akin.

“Alam kong magiging masaya ka rito, anak. Pumunta ka sa Italy at puntahan mo ang address na iyan. May isang tao na gusto kang makita.” Na-curious tuloy ako sa tinutukoy niya na isang tao na gusto akong makita. Sino naman kaya iyon?

“Sino po iyon, Dad?” tanong ko.

“Puntahan mo na lang, anak. Noong umalis ka ay saka naman siya dumating. Nagulat nga ako, eh. Because I thought...” Mas lalo akong nagtaka dahil sa nakita kong kislap sa mga mata niya.

“Dad?”

“Hinahanap ka niya sa akin. Basta babalik kayo, hmm?” sabi niya. Hinalikan pa niya ang noo ko at si Mayeese ay sa pisngi naman. “See you when I see you, apo. Babalik si Lolo para makipaglaro ulit sa iyo.”

“Bye-bye po, Lolo. Ingat.”

Nahulog lang ako sa malalim na pag-iisip at paulit-ulit kong binabasa ang nakasulat na address. Sino naman ang taong gusto akong makita? May relatives pa ba si Dad or kaibigan niya? I took a deep breath.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now