CHAPTER 14

52.8K 560 10
                                    

Chapter 14: Allergy

I WORE my white longsleeve, brown coat and a pencil skirt with a pair of black pumps. Ito naman kasi ang hinanda ni Tita Jina para sa akin. Dahil nasa condo na ni Mergus ang mga gamit ko. Na baka later kung uuwi kami ay diretso na sa unit niya.

“Are you done?” Mergus asked me. Prepared na rin siya at black three suit na ang suot niya and a necktie pin. But I didn’t answer his question, basta na lamang akong lumabas sa room niya. “Mom, ikaw na muna po ang bahala kay Mayann,” narinig ko pang sabi niya at kinakausap niya ang Mommy niya but I frowned when I heard the name he uttered. It’s familiar... Mayann?

“Mayann? Babae ba ’tong pusa mo, son?” tanong ni Tita Jina sa weird niyang anak. Bakit ganoon ang pangalan nito?

“Babae nga po. Dadaanan na lang namin siya mamaya,” sagot niya.

“Aalis na po kami, Tita,” paalam ko sa ginang. I can’t approach her dahil may karga na siyang pusa. May pantal-pantal na kaya ang braso ko dahil dumampi ang balahibo nito sa braso ko kanina. I can’t risk myself na.

“Sige, hija. Mergus, mag-iingat ka sa pag-d-drive. Ingatan mo ang fiancé mo, ha,” paalala pa nito. I started to walk at hindi ko na narinig pa ang sinagot ni Mergus.

Ingatan ang fiancé ni Mergus pero inaaway niya lang kaya ako. Haist.

***

Tahimik lang kami habang lulan ng sasakyan ni Mergus. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin ng mga building na nadadaanan namin.

“Wala ka bang balak gamitin itong phone na ibinigay ko sa ’yo? Ang phone mo, magagamit mo lang ’yan na pantawag from abroad. You need to take this, Miss,” sabi niya sa akin at inilapag niya na lamang basta ang phone sa lap ko kaya no choice ako kundi ang kunin ko na lamang iyon.

Pagbukas ko nito ay nabigla pa ako nang makita ko ang wallpaper ng lockscreen.

“Alam mong hindi ko ugali ang maglagay ng lockscreen sa phone at isa pa... Bakit mukha mo na ang nakalagay rito?” bored na bored kong tanong sa kanya.

Binigyan niya nga ako ng cellphone niya pero mukha naman niya ang wallpaper nito at naka-locked pa. At ano naman sa tingin niya ang ginagawa niya ngayon? Malalaman ko ba agad ang password nito?

“112195, tandaan mo palagi ang passcode ng phone mo.”

“Ano naman ’yon?” kunot-noong tanong ko sa kanya. Ano’ng... 112195? Tama ba ang pagkakabigkas ko?

“That’s my birthday—”

Hinagis ko lang sa dashboard ng car niya ang cellphone at wala akong interest na i-keep ito. Sa kanya naman ito, eh. Halatang siya ang owner dahil mukha niya ang makikita unang bungad pa lamang.

“Bibili na lang ako ng para sa akin. Ayokong... may taong pinapangunahan ang gusto ko at kahit fiancé pa kita ay hindi mo ako magagawang utusan ng ganoon lang. Hindi ako susunod sa ’yo,” masungit na sabi ko.

“Kunin mo ’to. Hindi mo ako matatawagan kapag may emergency—”

“Kahit mayroon man ay wala akong tinatawagan ni isang tao, kahit malapit lang ito sa akin,” putol ko sa sasabihin niya.

“Huwag ka ngang sumabat sa tuwing nagsasalita ako! Nakawawala ka talaga nang gana! Hindi mo pinapatapos ang mga sinasabi ko!” Napahilot ako sa sentido ko dahil sa kanyang pagsigaw. Masisira pa yata ang eardrum ko sa kanya.

“Nagmumukha kang may menstruation sa tuwing tumataas ang boses mo. Dapat kalmado ka lang. Hindi bagay sa ugali mo,” pangangaral ko pa sa kanya.

“Why are you so rude, Miss?”

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now