CHAPTER 51

41.4K 353 4
                                    

Chapter 51: Myeloid leukemia

NAHULOG na naman ako sa malalim na pag-iisip. Na-realize ko lang ang ginawa ko. Sa takot na iwan din ako ng fiancé ko ay ibinigay ko sa kanya ang sarili ko pero... Hindi ko naman iyon pinagsisisihan pa. Buong puso kong tinanggap ang pag-angkin niya sa akin dahil higit pa sa pagkagusto ko sa kanya ang nararamdaman ko.

Hindi pa ako sigurado kung iyong bagay na ba iyon na tutuklasin namin o ano. Basta ang alam ko lang ay mahalaga si Mergus sa akin. Siya lang ang nagpakita sa akin ng pag-aalala at pagmamalasakit, kahit na oo, nagawa niya akong saktan noon pero ngayon ay nagbago na nga siya.

Kahit sabihin man ni Mommy ay katulad ako ng Mama ko, na ginamit ko lang ang katawan ko para may isang bagay akong panghahawakan na hindi nga ako iiwan ni Mergus ay may pinagkaiba pa rin naman iyon.

Dahil hindi lasing si Mergus, hindi ko ginamit ang kahinaan niya. Kusa niya akong inangkin ng hindi ko siya pinipilit at masaya ako. Masaya ako na siya ang nakauna sa akin, and pati siya ay ganoon din naman.

Napaigtad ako sa gulat nang may humilig sa balikat ko. “Mergus?”

“Nagseselos na ako, Miss. Nagseselos na ako sa kung ano man ang iniisip mo ngayon. Iniwan mo ako sa kama natin tapos nandito ka na naman sa sahig na nakaupo lang. Ni hindi mo na naman ako napansin na umupo sa tabi mo,” sabi niya na tila nagtatampo pa dahil iba ang ginamit niyang tono ng boses niya. Boses iyon ng bata.

Hindi ko napigilan ang matawa sa kanya. “Puwede kayang...magselos ang isang tao na siya naman ang iniisip nito?” tanong ko at sumiksik siya sa leeg ko. Nakikiliti ako sa paraan nang pagdampi ng tungki ng ilong niya sa leeg ko.

“Ah... Ako pala ang iniisip mo. Why?”

“Wala,” tipid kong sagot.

“Hmm, gusto kong malaman.”

“Iniisip ko lang kung kailan mo ako iiwan kapag nalaman na ng family mo ang tungkol sa akin,” sabi ko at napaayos siya nang upo.

“Ang tungkol sa iyo? Ano naman iyon, Miss?” naguguluhan niyang tanong.

“Na anak lang ako ni Dad sa ibang babae. Baka ayaw nila sa illegitimate child, Mergus,” nababahalang saad ko.

“Kailangan panindigan ni Grandpa. Ikaw ang pinili niya, eh. Kaya bakit naman kita iiwan ng dahil lang doon?” tanong pa niya. Nilingon ko siya at salubong ang kilay niya.

“Hindi malabong gagawin mo rin iyon sa akin, Mergus. Iiwa---” hindi ko natapos ang sasabihin ko sana nang siniil niya ako ng halik sa labi ko.

“Gusto mo pa ba ng next round, Miss? Kung ano-ano ang lumalabas diyan sa bibig mo, eh,” suway niya sa akin at napahawak ako sa labi ko dahil sa pagkagat niya nang mariin.

“Bakit ba nangangagat ka? Ang sakit kaya no’n,” asik ko sa kanya at malakas kong hinampas ang dibdib niya pero hindi ininda naman niya iyon. Feeling ko ay dumugo ito. “Mahapdi rin kaya ang nipples ko dahil sa pagkagat mo sa akin kanina,” ani ko pa.

“Hindi kita iiwan... Kung wala ka ring gagawin na ikagagalit ko. Dahil kapag nagalit ako? Parang nawawala ako sa sarili.”

“Ha? May sakit ka ba kaya ka nagkakaganoon?” nalilitong tanong ko sa kanya.

“Wala. Hindi ako katulad ng kakambal ko na mabilis magpatawad sa isang tao kahit gaano pa kalaki ng kasalanan na nagawa nito sa kanya. Compared to my twin brother, malambot ang puso niya pero sa mga taong malapit lang sa kanya,” kuwento pa niya. Kahit magkamukha pala sila ay malaki rin ang pinagkaiba ng pag-uugali nila.

“So, kung ganoon. If may nagawa nga ako na ikagagalit mo ay talagang magagalit ka sa akin? Sa halip na bigyan mo ako ng punishment?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now