CHAPTER 33

36.3K 386 6
                                    

Chapter 33: The rumours

“MA’AM, hindi po ba kayo kakain ng lunch ninyo?” tanong sa akin ni Ruthy. Napatingin ako sa wristwatch ko at 12:24 na pala nang hapon. Hindi ko man lang namalayan ang oras. Kahit ang gutom ay hindi ko naramdaman.

“Mamaya na lang, Ruthy. May tinatapos pa akong basahin. Importante ito,” sabi ko at tumutok lang ako sa pagbabasa ko.

“May nagpadala po kasi ng lunch niyo, Ms. May Ann,” sabi niya na ikinahinto ko sa ginagawa ko.

“Kanino galing?” I asked her.

“Sa fiancé niyo raw po, Ma’am.” Tumayo ako para kunin ang hawak niyang paper bag. Sa nalaman ko na sa kanya lang pala nagmula ay parang bumalik ang magandang mood ko. Dahil worried din siya sa akin kaya nagpadala pa siya ng lunch ko.

“Thank you for this, Ruthy. Kumain ka na rin,” nakangiting sabi ko. Kinain ko ang pinadala niyang foods for me. Sana lang ay hindi siya galit sa akin. But I doubt it, galit iyon. Sino ba naman ang hindi magagalit?

Binantayan ko ang orasan para lang malaman kung malapit na bang mag-5PM. Usually sa ganoong oras ang off namin sa work kaya gusto ko ring sumabay sa mga staff.

Excited akong umuwi, ewan ko ba sa sarili ko. Dahil siguro sa fiancé ko. Napatingin ako sa intercom sa table.

“Ruthy?”

“Bakit po, Ma’am? May kailangan po ba kayo?”

“Puwede ka bang pumasok sandali? May itatanong lang ako sa ’yo tungkol sa mahahalagang bagay,” sabi ko saka ko ibinaba ang interview.

Curious ako na kung paano hina-handle ni Dad ang company niya habang wala siya. “Ano po iyon, Ma’am?” tanong niya nang makapasok sa loob ng office ko.

“Have a sit,” I told her at itinuro ko pa sa kanya ang visitor’s seat. “I just want to know, Ruthy kung paano ka nagtatrabaho rito na wala ang CEO or president ng company natin. Paano ito nagagawang hawakan ni Dad nang maayos kung nasa ibang bansa naman siya? Paano ang mga staff?”

“Marami po ang mga taong pinagkakatiwalaan ni President Vallejos, Ma’am. Loyal po sila sa Daddy ninyo. Sa HR department, accounting at sa mga board members, and directors. Partnership din po ang firm ng Brilliantes clan, kaya natatakot din po sila na magkamali sa mga trabahador nila. Three times every month po ay binibisita ni Engineer Brilliantes, si Don Brill ang company po natin, Ma’am. Ang ginagawa ko lang po ay ipinapasa ko ang mga mahahalagang files through gmail at ang new projects na gusto ng presidente,” paliwanag niya sa akin na ngayon ay alam ko na kung paanong nasa mabuting kalagayan pa rin itong company kahit wala silang CEO na nakabantay sa kanila.

“Now I know. Thank you for your time, Ruthy,” I said with a smile.

“You’re welcome po, Ma’am.”

***

Along the way ay iniisip ko kung paano ko kauusapin si Mergus at kung galit pa ba siya sa akin. Gusto kong malaman, dahil baka rin dinibdib niya ang sinabi ko. Kahit siguro kung para sa akin ang mga katagang iyon ay hindi ko rin maiwasan ang magalit and worst is masaktan din. Ngunit nakauwi lang ako sa condo ay wala akong naisip.

But wala pa siya sa unit niya. Alam naman niya kung ano ang passcode dahil sinabi na sa kanya ng kakambal niya pero bakit nga wala pa siya sa condo niya? Nasa construction site pa kaya siya?

Sa naisip ko nga na hindi pa siya umuuwi ay siguro ako na lang ang maghanda ng dinner naming dalawa? Napangiti ako sa magandang idea na naisip ko.

Nagpalit ako agad ng damit sa room ni Mergus at itinali ko pa nang maayos ang maikli kong buhok. Bumaba rin ako agad at tinungo ko ang kitchen.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt