CHAPTER 25

39.2K 360 6
                                    

Chapter 25: Sweet argument

“KAILAN naman iyon?” tanong ko sa kanya. Hindi ako naniniwala na si Arveliah nga ang nakita niyang nagpapatugtog ng piano dahil nasisigurado ko na hindi talaga marunong sa keyboard ang kapatid ko.

Kaya sino? Sino naman kaya ang nakita niyang babae na nagpapatugtog ng piano at pinagkamalan pa niyang si Arveliah?

“It’s about two years ago. Hmm, sa isang hotel iyon sa Italy. Hindi ko na maalala pa ang exact date, basta a birthday party iyon. Masquerade ball ang theme. She was wearing a dark gown,” paliwanag niya na parang inaalala pa niya ang gabing iyon.

Unless nag-piano lessons nga siya ng hindi namin nalalaman? But it’s very impossible. Walang oras si Arveliah para ro’n at kahit binabalewala ko siya ay alam ko ang mga ginagawa niya. Kahit ang schedules niya ay alam ko rin. Naka-monitor din ako sa mga flight niya. Hindi siya pumupunta sa other country kung hindi lang tungkol sa business.

Italy, birthday party and masquerade ball. Hmm... Ano naman ang gagawin ni Arveliah sa Italy para lang sa...

“I believe na hindi ang kapatid ko ang nakita mo,” sabi ko at nagpatuloy na sa pag-akyat.

“What do you mean by that?” naguguluhan niyang tanong. Naalala ko na nga, may birthday party kaming dinaluhan noon pero hindi lang iyon isang beses. Hindi ko na rin maalala pa. Matagal na rin kasi iyon. “May Ann.”

Kumuha ako ng isang unan at ibinigay ko iyon sa kanya. Nagtataka pa siya nang tingnan ako, kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Sa living room ka matutulog, ’di ba?” tanong ko. Salubong ang kilay niya nang tanggapin niya ang ibinigay kong unan saka siya tumingin sa ibang direction pero ibinalik niya rin ang tingin sa akin.

“Paano mo naman nasabi na hindi si Arveliah iyon?” curious niyang tanong na ikinangiti ko sa kanya.

“We’re business minded. We never tried to enter the music industry. So, we don’t have time for that. Ang alam ko rin naman...hindi marunong sa keyboard ang kapatid ko,” I answered at umupo ako sa gilid ng bed. Tumaas ang sulok ng mga labi ko nang makitang naguguluhan na nga siya. Napahilot na siya sa sentido niya.

“I will ask her instead,” sabi niya lamang at nagtungo siya sa sofa bed. Mabilis akong tumayo at nilapitan siya.

“Hey, you told me na sa baba ka matutulog!” sigaw ko at hinila ko ang braso niya dahil pahiga na siya sa sofa.

“Sinabi kong sa living room nga ako matutulog. Pero mini sala ko rin naman ito at may sofa bed pa. Puwede naman ako rito kahit hindi na sa kama ko,” he reasoned out.

“No! Sundin mo ang sinabi mo sa akin kanina na sa living room ka matutulog! Meaning sa labas ng bedroom mo!” sabi ko pa. Ayaw niya akong hanapan ng condo dahil nagpresenta siya na sa labas na siya matutulog kaya kailangan niyang sundin ang sinabi niya.

“Pinapalayas ako sa sarili kong kuwarto, pss,” narinig kong mahinang sambit niya.

“I heard that,” I told him. Hindi siya nagpatinag kaya nang makita ko ang phone niya sa center table ay hindi ako nagdalawang isip na kunin iyon. “Si Zerohian na lang ang tatawagan ko o kaya naman si Reixen,” sabi ko. Lalayo na sana ako nang hilahin niya ang kamay ko kaya bumagsak ako sa ibabaw niya. Namimilog ang mga mata kong tiningnan siya.

Ito ang isa sa iniiwasan ko, eh. Kung masyado kaming malapit sa isa’t isa ay kung ano-ano lang ang ginagawa naming dalawa. Na parang nawawala kami sa sarili at iyong mga kababalaghan lang ang naiisip naming gawin.

“Wala kang tatawagan kahit sino, kahit si Levia pa ’yan,” mariin na sabi niya. “Oo na, sa labas na ako matutulog,” pagsuko niya at ipinagpalit niya ang posisyon namin.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon