CHAPTER 17

51.6K 534 46
                                    

Chapter 17: Pool party (Part 1)

“I’M NOT ready for that,” pag-amin ko. Sa lahat nang sinabi niya ay hindi ako handa. Ang magkakaroon din ng isang anak. Wala pa sa isip ko ang bagay na ’yon dahil hindi naman ako sigurado na kung kaya ko bang maging isang mabuting ina sa magiging anak ko.

At saka isa pa, hindi pa maayos ang pakikitungo sa akin ni Mergus. Mas lalo lang akong mahihirapan.

“Saan ka naman na hindi handa?” naaaliw niyang tanong sa akin. Obvious naman na hindi nga ako ready, eh.

“Sa lahat,” tipid kong sagot sa kanya.

“I understand. Ako rin naman ay hindi pa ready. Kaya same lang naman tayo. Pero kasi hindi na rin ako bumabata pa. Come closer, May Ann. May isa pa akong ipapakita sa ’yo,” pag-aaya naman niya at sumunod naman ako sa kanya. Mas lumapit ako sa kanyang tabi.

Nagawa pa niya akong akbayan kahit na mas matangkad pa rin ako kaysa sa kanya. May itinuturo siya sa baba kaya ’yon naman ang sunod kong tiningnan. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ko ang swimming pool na tinutukoy niyang malapit lang sa condo ni Mergus.

“It’s a...” sambit ko na hindi ko naman magawang tapusin dahil sa takot ko.

“Yeah. Swimming pool. Madalas siyang nagda-dive riyan. Ang ganda, ’no? Mamayang 7 sharps na tayo bababa at baka diretso na rin ang tatlo riyan. Bibili rin sila ng foods natin. Kaya ang gawin natin ngayon ay magpahinga muna,” sabi niya at humiga sa sofa bed. “Sige na. Mag-rest ka muna sa bed, May Ann. Mamaya pa tayo lalabas, eh,” sabi pa niya. Nagtungo naman ako sa bed at humiga ro’n. “May Ann, kung may gusto kang puntahan na lugar dito ay huwag kang mahiya na tawagan ako, ha? Ibibigay ko sa ’yo ang calling card ko para tawagan mo lang ako kung sakali man. Puwede mo akong maging kaibigan,” daldal pa niya. Napangiti ako dahil doon.

“Sige, and thanks,” I uttered at ipinikit ko ang mga mata ko. Just like what I have said na mabilis akong makatulog sa umaga ay nakaidlip na naman ako.

Nagising lang ako nang bumungad sa akin ang mukha ni Mergus. Mabilis akong bumangon at hindi ko rin namalayan na hawak-hawak niya ang kamay ko.

“Stay still,” sabi niya na wala na namang emosyon.

“What are you doing?” I asked him. Confuse na naman ako sa ginagawa niya. Madalas ay hindi ko talaga siya naiintindihan.

“Ginagamot ko lang ang paso mo. Wala ng red rash, pero namumula pa rin dahil sa paso,” sabi niya. Wow, may mga pagkakataon din pala na nagiging mabait siya sa akin, ano? “Don’t assume too much. Guilty lang ako sa nangyari sa ’yo. Just remember na hindi ako mabait na tao,” sabi niya na mukhang nahulaan niya agad ang tumatakbo sa isip ko.

“I know. Hindi ka mabait,” sabi ko sa kanya.

“At alam mo rin ba na kung bakit guilty ako sa ginawa ko sa ’yo, Miss?” tanong niya sa akin nang hindi ako sinusulyapan dahil abala siya sa paglagay ng kung ano’ng malamig na cream sa balat ko.

“No idea,” sabi ko lang. Ayokong mag-isip ng kung ano. Sabihin niya na lamang ang excuse niya na kung bakit ba siya guilty sa nangyari sa akin.

“Baka dinaldal ka na ng kapatid ko. Na magkatulad lang kami ni Kuya Markus. Sa fiancé niya ay ganito rin naman ang ginawa niya,” pagkukuwento niya. Hindi ko rin alam na kung bakit siya nagkukuwento tungkol sa brother niya.

“And?” ani ko.

“Mas malala lang naman ang ginawa niya. Dahil nalagay sa panganib ang buhay ng fiancé niya. Puwedeng... ikamatay nito ang allergy niya,” sabi niya at bumuntong-hininga pa. Parang apektado rin siya sa nangyari, ah.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now