CHAPTER 54

43.2K 411 35
                                    

Chapter 54: Pregnant

SA BAHAY na nina Dad ako nakatulog dahil kinabukasan ay dumiretso na kami sa hospital. “Thank you, Ate... Thank you dahil...sasamahan mo pa rin ako sa loob ng operating room,” sabi niya. Nakahiga siya ngayon sa hospital bed niya at mahigpit niyang hinawakan ang kamay niya.

“Noong kulang ka sa dugo ng bata pa lamang tayo ay kasama mo rin ako dati, Arveliah. Minsan mo na akong naging donor. Kaya ngayon magiging donor mo ulit ako. Ang alam ko kasi sa mga oras na iyon ay wala si Dad kaya hindi siya ang naging donor mo pero hindi siya puwede ngayon. Kaya ako na lang,” ani ko.

Hindi naman basta-basta ooperahan ang kapatid ko dahil kailangan pa raw akong idaan sa mga test kung compatible nga ba talaga kami or kung healthy rin na mag-donate ng bone marrow for her. Para rin daw iyon sa akin.

Bumukas ang pinto sa private room niya at napatayo ako nang makita ko na si Tita Jina iyon. Sumunod na pumasok si Mommy at pati na ang lalaking... Walang oras na lumipas na hindi ko siya iniisip. Pumasok din siya na hindi ako tinatapunan nang tingin. Nakaramdam na naman tuloy ako ng pagkirot sa dibdib ko.

Hanggang ngayon ay malamig pa rin siya sa akin at iniiwasan niya rin ako. Kailan ba matatapos ang hinihingi niyang space? Kahit wala naman kaming pinag-awayan maliban sa maling sinabi ko.

“Oh, God... Arveliah, hija... Nakalulungkot naman ang nangyari sa iyo. Nang sabihin sa akin ng Mommy mo ang lagay mo ay nagmamadali pa akong pumunta rito.”

Dumistansya ako nang humakbang palapit si Mergus sa bedside table para ilagay roon ang dala nilang fruits and may bouquet naman si Tita Jina na ibinigay niya kay Arveliah.

“Tita, nag-abala pa po kayo.”

“Of course, we’re just worried, hija. Kailan daw ang surgery mo?” Tita Jina asked her.

Kakaiba ang pagtrato ngayon ng Mommy ni Mergus sa aking kapatid. Parang...parang... Marahan kong pinilig ang ulo ko dahil ayokong isipin iyon. Puwede pa akong masaktan kapag... I heaved a sigh.

“Magpapa-blood test pa po si Ate May Ann, Tita at marami pang kailangan na asikasuhin bago ang surgery ko but hindi naman daw po matatagalan,” she answered at naramdaman ko pa ang pagsulyap nila sa akin pero hindi ko na iyon pinansin pa.

“That’s good. Hindi talaga na puwedeng magtagal iyan,” sabi pa ni Tita Jina.

I decided na lumabas na lang dahil wala namang nakapapansin sa akin sa loob kahit nga ang lumabas na ako ay balewala pa rin sa kanila. Si Mergus, wala talaga akong maaasahan sa kanya.

Sumalubong sa akin si Daddy at kasama niya ang doctor ni Arveliah. “Let’s go, anak.” Tumango lang ako at hinawakan ako ni Daddy sa likod ko para igiya ako kasama ang doctor.

Nagpalit kami ng hospital gown. The first test na ginawa namin ay ang body scan after naman kaming kinuhanan ng blood para i-test din iyon.

Nakapikit lamang ako at dinama ko ang init na dulot ng body scan. Nakaramdam naman ako nang antok kaya hindi ko na nakayanan pa ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Sure ako na mayamaya pa lalabas ang resulta kaya nagising naman ako sa pagtatalo ng parents ko. Super ingay nila dahil nagtataasan sila ng boses.

“Si Arveliah ang may sakit dito, Daimor. Bakit ang panganay mo ang binabantayan mo ngayon?” naiinis na tanong ni Mommy.

“Hon, alangan naman iwan ko rito ang anak natin habang tulog siya? Nandiyan ka naman at mababantayan mo si Arveliah,” sabi naman ni Dad.

“Bakit ba siya nakatulog kung iti-test lang kung puwede siyang maging donor ng anak natin?” Narinig ko ang footsteps nito na palapit sa akin at naramdaman ko na lamang ang pagtanggal ng kumot sa katawan ko.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt