CHAPTER 10

58.4K 654 15
                                    

Chapter 10: First kiss & touch

“NOTHING,” I answered. Bakit kasi hindi niya alam iyon? “Nasaan pala ang luggage ko? Gusto kong mag-shower,” ani ko.

“Dinala yata sa condo ko ng personal driver ni Grandpa. I’m going to ask my Mom kung may extra pa ba siyang damit.”

“Okay,” sambit ko at muli akong pumikit. Hindi ako nahirapan na makatulog ulit pero sa gabi ay alam kong mahihirapan na naman ako. Kaya inaabala ko talaga ang sarili ko sa work ko.

Madilim sa room niya nang magising ako. Dahan-dahan akong bumangon at nag-stretch ng katawan saka ako bumaba. Kinapa ko lang ang pintuan para makalabas ako pero nabigla naman ako nang bumukas agad ang ilaw sa loob.

Nakatayo sa hamba ng pintuan si Mergus at walang emosyon na tiningnan ako.

“Bakit ba ang dark ng room mo?” tanong ko.

“May extra clothes na riyan. Maligo ka na at bumaba na agad. Nakahanda na ang dinner,” sabi niya st napatingin ako sa wristwatch ko.

“7:15 pa lang naman,” sabi ko. I usually eating my foods around 8PM. Kung wala ako sa bahay namin.

“Make it faster. Gutom na rin ako,” sabi pa niya. Hindi ko na siya sinagot pa at tumingin ako sa ibang pintuan. “Yeah, that’s my bathroom at nasa kama ang paperbag.”

“Noted, and get out already,” ani ko at nagtungo na ako roon. “So clean...” I commented dahil sa ganda at linis ng bathroom niya. Malaki rin siya at may bathtub.

Hindi na ako nagpalipas pa nang ilang minuto at naligo na ako. May extra toothbrush na rin pero gamit ni Mergus ang mga sabon and shampoo niya. Wala akong choice kundi ang gamitin na rin iyon.

Nang matapos na ako sa pagligo ko ay kinuha ko ang bathrobe at isinuot ko iyon saka ako lumabas. Pero napahinto ako nang makita ko si Mergus sa loob ng kuwarto niya.

Alam kong nakaligo na rin siya, dahil dark blue and naka-pajama na rin siya. Tapos nakahiga pa siya sa bed niya.

“That’s my phone...” sabi ko at nilingon niya ako. Ang cellphone ko na ginagamit ko sa Canada at hindi iyong sa kanya.

Nilingon niya ako at niyakap ko naman ang sarili ko dahil bathrobe lang ang suot ko. Manipis pa siya at maikli lang din.

“Matatawag pa ba ’tong cellphone? Walang security ang phone mo, hindi ka naglagay ng password tapos kahit isang picture ay wala? Kahit ang wallpaper mo ay simple lang,” aniya. Ano naman ang pakialam niya sa phone ko?

“I’m not photogenic, hindi rin ako mahilig sa picture taking and also... Wala kang pakialam sa phone ko,” sabi ko and I stepped towards him. Sasampa na sana ako sa kama para agawin ang phone ko nang maalala ko ang suot ko. “K-Kailangan mo pa bang h-hintayin ako rito? Lumabas ka na lang, magbibihis ako,” nauutal na sabi ko at ngayon lang ako nagkaganito.

Umalis siya sa kama at tumayo pa sa tapat ko. Napatingin ako sa cellphone kong hawak niya.

“Tumatawag kanina ang Daddy mo. Nagtatanong lang kung nakarating tayo na ba tayo ng safe,” pahayag niya.

“Ano naman ang sinagot mo?”

“Ano pa ba ang isasagot ko?” sa halip ay tanong niya at hinagis sa bed ang phone ko. “Bilisan mong magbihis,” sabi niya at tatalikod na sana siya nang bigla siyang humarap ulit sa akin.

Napaatras ako dahil sa paglapit niya sa akin. Nabibingi ako sa malakas na kabog sa dibdib ko. “W-What are you doing?” kinakabahan kong tanong.

“Did you just use my body wash and shampoo?” he asked me at mapanuring tingin ang ibinigay niya sa akin. Tinakpan ko ang dibdib ko dahil doon huminto ang mga mata niya.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant