CHAPTER 41

43.2K 366 1
                                    

Chapter 41: Business trip

KUMAPIT ako sa braso niya at itinaas pa niya nang bahagya ang long skirt ko dahil nahirapan ako sa paglalakad.

“Ang haba ng tela nito sa baba tapos sa itaas ay parang dibdib mo lang ang nakatakpan dito,” mahinang bulong niya sa akin at nang silipin ko ang mukha niya ay umigting na naman ang panga niya.

“Huwag kang magreklamo. Minsan lang naman ito, eh,” sabi ko at nang binalingan niya ako ay masama pa ang tingin niya sa akin. “Umayos ka. Ang daming tao, oh,” sabi ko sa kanya.

“Next time, ako na ang pipili ng damit na susuotin mo at ako ang magbibihis sa ’yo,” sabi niya at inilapit pa niya ang mukha niya sa tainga ko para lamang bumulong sa akin.

“Ewan ko sa ’yo,” sabi ko.

Nang makalapit na kami sa MC ay agad na ibinigay kay Mergus ang isang microphone. Kinuha niya iyon

“Good evening, thank you for attending our engagement party and tonight I can officially introduce you to the woman I will marry one day. My beautiful fiancé, May Ann Vallejos,” pakilala niya sa akin sa maraming tao kaya napuno na naman ng masigabong palakpakan ang buong hall. Tanging pagngiti lang ang nagawa ko. Huwag niya sanang ilipat sa akin ang microphone dahil wala akong maisip na sasabihin ko. Hindi nga kasi ako sanay sa ganitong event, tapos kami pa ang apple of the eye. Tss.

Hinawakan niya ang kamay ko kung saan suot ko na ang singsing na unexpected pa niyang binili.

May lumapit sa amin na isang lalaki at may dala siyang... Napatingin ako kay Mergus.

“May singsing na ako, right?” I said and he nodded.

“Ako nga ay wala pa. Dapat mayroon din sa akin,” nakataas ang kilay na sabi niya. Muli niyang itinapat ang mic sa bibig niya. “As you can see, my fiancé is wearing a ring even though we haven’t had our official engagement party yet,” he said.

“Is it because you immediately proposed to Ms. May Ann, Engineer Mergus?” the MC asked him.

“Nope. I gave her a ring unexpectedly because of the media’s mistake in identifying my real fiancé,” he answered.

“Or isa rin po ba sa dahilan na arrange marriage lang ang mangyayari sa inyo?”

“You can say that but before my grandfather chose her for me to marry May Ann, I saw her in the middle of the dark. I used my cellphone to see her and I was just enchanted by her beauty. Believe it or not I didn’t like her at first either. But as time went on, I got to know her little by little, but I also wanted to get to know her better because I knew she still had many hidden attitude that I should know about,” mahabang sambit pa niya at matiim niyang tinitigan ang mukha ko. Wala akong nakikitang emosyon na nagsisinungaling siya dahil sincere ang mga sinabi niya.

“Wow...”

“And this ring is a symbol of our engagement and tonight my happiness depends on her. I can’t see myself marrying another woman if it’s not her,” sambit niya at dinala niya sa bibig niya ang kamay ko para halikan ito. Suot ko na ang pangalawang singsing. Ibinigay niya agad sa akin ang kamay niya para isuot ko na rin iyong kanya. Napangiti ako at sumunod din ako sa gusto niya.

“Congratulations!” they said in unison.

“Can I have this dance with my beautiful fiancé?” he asked me.

“Of course,” I replied. Hinaplos pa niya ang pisngi ko saka niya ako hinila sa gitna ng dance floor para mas makita kami ng mga guest namin.

He placed both of my hands on his neck and wrapped his arms around my waist. The familiar song started but the music was acoustic. This is a song by Foreigner and it was in 1999.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now