CHAPTER 9

38.6K 382 3
                                    

Chapter 9: Meeting the Brilliantes clan

HABANG naglalakad na kami ay naramdaman ko naman na may bumalot na mainit na tela sa balikat ko at nanuot sa pa sa pang-amoy ko ang gamit niyang perfume. Kung kaya naman ay napatingin ako sa likod ko.

White longsleeve na lang ang suot niya at nasa akin na nga ang coat niya. Humakbang naman ako palapit sa kanya para sabayan siya sa paglalakad at sinulyapan niya ako nang mapansin ang ginawa ko.

“Ano ka gentleman na ngayon?” walang emosyon na tanong ko sa kanya. Na-s-surprise ako sa moves niya.

“Ngayon lang ito dahil sa susunod na mga araw ay hindi na ako magiging mabait pa sa ’yo,” sabi niya nang diretso ang tingin niya sa daan.

“Don’t worry, Engineer. I’ll do the same way,” I said and rolled my eyes.

“Saan ka sasakay, May Ann baby?” Nagulat naman ako sa tanong ng kapatid ni Engineer Mergus. Well, wala namang nakagugulat sa tanong niya sa true lang but the last word he uttered ang ikinagulat ko.

Did he really just call me, baby?

“Ouch! Masakit ’yon, Kuya!” he complained dahil sa pagsiko sa kanya ng nakatatanda niyang kapatid na si Engineer Markus. “Kanina niyo po ako sinisiko ni Kuya Markin, ah...” parang batang sambit nito at tumutulis ang kanyang labi.

Sa kanilang magkakapatid nga ay si Mikael ang pinakaguwapo at si Miko naman ang pinaka-cute and soft.

Wait, may napansin lang ako. Ang mga pangalan nila ay nagsisimula talaga sa letter M? Markus, Mergus, Markin, Michael, Miko and Mikael. Ang simple rin ng names nila at iisa lang din. Hindi mahirap tandaan.

“Miko, son... Umayos ka naman, nakahihiya sa fiancé ng kapatid mo,” narinig kong suway sa kanya ng Mommy niya.

“It’s okay po, Tita. Huwag niyo na po siyang pagalitan pa,” sabi ko. Kung kaya ay matamis na ngumiti na naman si Miko. I guess isa rin siyang engineer, ’di ba? Hindi ko pa alam ang family background nila pero nasabi naman ni Don Brill na ang lahat ng apo niya ay engineer.

In the end ay nasa iisang kotse kami nina Miko, Mikael at katabi ko pa si Mergus na kanina pa nananahimik. I don’t care naman sa kanya, kahit hindi siya magsalita. Better iyon para hindi ako mairita sa presensiya niya.

“How old are you, Miko?” tanong ko kay Miko, siya ang naging driver namin kasi sa kanya naman ang car na ito and besides hindi naman niya gagawin na driver ang kuya niya dahil may jetlag pa.

“23 years old,” sagot niya. Tama nga ang hula ko na mas matanda ako kaysa sa kanya. It’s almost 5 years. Ilang taon din ang tanda ni Arveliah sa kanya.

“And at that age ay engineer ka na rin?” I asked him again.

“Yup, may mga malaking projects na akong hinahawakan ngayon—”

“With Kuya Markus’ guidance,” Mergus uttered and I looked at him. Sa labas ng bintana lang siya nakatingin pero nakikinig pa rin siya sa conversation namin ng brother niya.

“Yeah, that’s true, Kuya. Pero hinahayaan na kaya ako ni Kuya Markus, ah. May tiwala siya sa akin. Na magiging successful ang project na hinahawakan ko,” pagbibida pa nito. He’s really cute.

“I’m rooting for your successful, Miko,” I told him.

“Thanks,” he said at gamit ang rearview mirror ng kotse niya ay kumindat pa siya sa akin.
Sunod ko namang tiningnan si Mikael. Likas na tahimik talaga ang mga Brilliantes.

“How about you, Mikael?”

“We’re just the same age. Actually, we’re twins,” Miko answered and I was surprised again. I thought sina Engineer Markin and Mergus lang ang magkambal?

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now