CHAPTER 57

77.1K 790 20
                                    

Chapter 57: Ultrasound picture

I REMOVED my engagement rings. Yes, hinubad ko talaga ang dalawang ito. Hindi ko na rin kaya na mag-stay pa ako rito. Ang dami nang nangyari at gusto ko na lang pumunta sa tahimik na lugar. Hindi rin naman nakabubuti sa akin ito, eh.

Inilapag ko lamang sa bedside table and dalawang singsing at ang phone na ibinigay niya sa akin, makikita pa rin ito ni Mergus. Ayokong...pagbalik niya ay pipilitin na naman niya ako na maging donor ng kapatid ko.

Ayokong ulitin pa niya iyon dahil mas nasasaktan lang ako para sa baby ko. Wala na akong pakialam pa kung hindi ko siya makakasama habang pinagbubuntis ko ang anak namin. Mas pinili naman niya ang iba kaysa sa akin. Kaya bakit ko siya... Bakit ko siya pipilitin pa?

“Mas matimbang pa rin ang taong una kong nakilala at pinahalagahan.” Siguro nga ay masuwerte pa rin ang kapatid ko. Dahil pinipili siya ng mga taong... unti-unti kong pinapahalagahan.

“Hindi... Hinding-hindi kita maiintindihan. Babalik ako... Babalik ako rito at kung hindi magbabago ang isip mo ay wala kang magagawa. Ako mismo ang kakaladkad sa ’yo sa hospital.” Masyado lang siyang naging harsh sa akin dahil sinabi pa niya talaga iyon. Ewan ko na lamang kung ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niya na pinagbubuntis ko na ang panganay niyang anak.

Pinasadahan ko pa nang tingin ang kasuluk-sulukan ng kuwartong ito hanggang sa napako ang tingin ko sa malaking kama. Mami-miss ko pa rin ito. Ang bed na ito kung saan unang nahawakan niya ako at hinalikan pa.

Dahil lang iyon sa ginamit kong body wash and shampoo niya. Malamang gagamitin ko iyon dahil iyon lang naman ang available sa loob ng bathroom niya.

“W-What are you doing?”

“Did you just use my body wash and shampoo?”

“Hindi.”

“Liar...”

“B-Bakit ko naman gagamitin? N-Naligo lang ako.”

“Talaga? Let’s see...”

“Ayaw ko nga.”

“Let’s see then...”

“Yes! Yes! I used it! Bitawan mo na ako! Dali na!”

“Umalis ka na sa ibabaw ko! Sinabi ko na nga na ginamit ko!”

“Your eyes...”

“You don’t care about my eyes.”

“Nag-aagaw ang kulay ng gray and sky blue...”

“Ako lang ba ang naiilang dito?”

“Ikaw lang.”

“M-Mergus!”

“Don’t move.”

“W-What are you doing?!”

“I’m kissing my fiancé’s neck, obviously.”

“You know what... This is---”

“I’m not a rápist. I just want to check it.”

“Then ano ang tawag mo sa ginagawa mo ngayon? B-Bakit mo ba hinahalikan ang leeg ko?!”

“Your body is sensitive. I guess, you’ve never been in touch by someone else... Are you no boyfriend since birth, Miss?”

“Yes, sasabihin mo na naman sa akin na wala akong pakialam. That’s your favorite line.”

“U-Umalis ka na kasi sa ibabaw ko...”

“Hinahawakan mo ang hindi mo dapat na mahawakan...”

“I can even feel that your body is shaking...”

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now