CHAPTER 45

40.6K 379 7
                                    

Chapter 45: The pool party

“NOW sleep,” ani ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti sa akin at tumango.  Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. I’m too worried. Puyat lang ba talaga ang dahilan kung bakit siya hinimatay?

“Hijo, iuwi mo na lang ang anak ko. May Ann,” sabi ni Daddy.

“Yed po, Dad?” tugon ko.

“Sige na umuwi na muna kayo ng fiancé mo. Okay na ang kapatid mo,” he said and I nodded.

Lumapit pa si Mommy at pinunasan niya ang pisngi ko. Nabasa nga kasi ako kanina ng ulan nang pumara ako ng taxi.

“Sige na, hija. Go home at maligo ka pagkauwi niyo. Baka kasi magkasakit ka pa,” aniya. Marunong talaga siyang umarte at alam niya kung kailan gagamitin ang matatamis niyang salita. Sa harapan pa ng fiancé ko.

“Okay po,” sagot ko at hinaplos ko pa ang kamay ng kapatid ko saka ako tumayo.

“We’ll go ahead po, Tito, Tita,” paalam ng fiancé ko sa parents ko saka niya ako hinawakan sa likod ko.

“Arveliah, we’re leaving...” paalam ko pa.

Dahil sa matagal kong paghihintay kanina sa exit ng company namin ay ngayon ko lang napansin ang pananakit ng mga paa ko kaya habang naglalakad kaming dalawa ni Mergus ay muntik na akong mawalan nang balanse kung hindi lang talaga siya nakaalalay sa akin.

“Can we... rest for a while?” nanghihinang sabi ko.

“You alright?” tanong naman niya na nasa boses ang pag-aalala niya sa akin.

“No, I waited too long and my feet hurt. Do you think that’s okay with me?” supladang tanong ko sa kanya.

“I’m sorry, Miss...”

“Are you always like that? When you’re guilty of me because pinapaasa mo lang ako, you’ll just say sorry? Will I forgive you immediately because of your sorry, hmm?” walang emosyon na tanong ko.

Pinaupo niya ako sa bench nang madaanan namin iyon. “Stay here...” sabi niya at nakikita ko sa mukha niya ang guilt. Kahit sinabihan ko na rin siya ng ganoon ay hindi na siya sumagot pa. Sinundan ko lang nang tingin ang papalayong likuran niya.

Ayokong magalit kay Mergus dahil iniligtas niya ang kapatid ko pero hindi ko rin naman maiwasan ang mainis sa kanya. Simula ngayon ay hindi ko na talaga siya hihintayin pa. Tumayo ako at iniwan ko roon ang coat niya. Mabagal ang paglalakad ko at parang ang tagal bago ako makalabas sa hospital.

Hindi pa rin tumitila ang ulan pero hindi naman siya masyadong malakas, katulad na lamang ng kanina ay bumuhos talaga siya.

Sa ganitong sitwasyon ay mahihirapan akong makahanap ng masasakyan. Bumuntong-hininga na lamang ako at tumingin sa entrance ng hospital.

Nakararamdam na rin ako ng lamig dahil basang-basa nga ako. Isama mo pa ang malamig na simoy ng hangin.

“Ma’am...” Napapitlag ako sa gulat nang may malakas na tumapik sa kaliwang balikat ko. Agad akong dumistansya sa lalaki dahil ang lapit niya masyado sa akin. “Naghahanap po ba kayo ng taxi?”

“No,” mariin na sabi ko. Nagpumiglas ako nang hawakan niya ang braso ko.

Hihilahin pa sana niya ako nang bigla rin siyang humiwalay sa akin dahil may humila sa kanya. Napaatras ako nang bumagsak siya sa sahig. Inikot ni Mergus ang dalawang kamay nito sa likuran nito kaya hindi na nakagalaw pa ang lalaki. Malakas siyang dumadaing.

“Sino ang nag-utos sa ’yo na hawakan ang fiancé ko, ha?” malamig na tanong ni Mergus.

“P-Pasensiya na po, Sir!” Nilapitan ko si Mergus at hinila ang braso niya. Bakit ba bigla siyang nananakit ng tao?

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن