CHAPTER 55

52.3K 508 18
                                    

Chapter 55: Plan to leave

GANITO pala ang feelings kung buntis ka. Bumibigat ang katawan at sobrang sama ng pakiramdam. Sa parte ng puson ko ay nararamdaman ko rin ang pananakit. Nahihilo ako at sumasakit ang sentido ko. But I know, worth it naman ang lahat ng sakripisyong ito. Worth it ang mga sakit na nararamdaman ko at mararamdaman ko pa lamang.

Dahil may isang buhay na akong dinadala. Isang anghel na kahit hindi ko inaasahan ang biglaan niyang pagdating sa buhay ko ay blessings pa rin siya para sa akin. Siya ang taong matatawag kong sa akin, na pamilya ko at anak ko.

Anak ko...

Napangiti ako sa idea na magkaka-baby na ako. Isang baby na tatawag ng Mommy sa akin. caressed my tummy.

Baby, hindi man maganda ang naging buhay ni Mommy ay pangakong... Gagawin ko ang lahat para sa iyo, hindi ko hahayaan na matutulad kasa akin. Aalagaan kita at mamahalin na higit pa sa buhay ng Mommy mo.

Simula ngayon ay ikaw na rin ang buhay niya at nakadepende na sa iyo ang kasiyahan ni Mommy. I love you, anak. You’re my savior. Huwag mo sana akong iiwan katulad nang ginawa ng Daddy mo.

“Sure po ba kayo rito, Ms. May Ann?” Nag-aalangan si Ruthy na ihatid ako sa hospital dahil ayaw niyang mapahamak daw ako kapag makakaharap ko na ang family ko. Si Mommy Venus ang kinakatakutan niya dahil posibleng mananakit na naman daw iyon sa akin.

“Si Dad lang ang gusto kong makausap, Ruthy. Baka lang maiintindihan niya ako kapag magpapaliwanag na ako sa kanya,” sabi ko. Mataas ang kompiyansa ko na maiintindihan ako ng Daddy ko. Dahil alam ko, sa lahat ng taong nasa paligid ko ay ang nag-iisa kong kapamilya na si Dad lang ang maniniwala sa akin.

“Kayo po ang bahala, Ms. May Ann. Basta nandito lang po ako. Magsabi lang po kayo kung may gagawin siyang masama sa inyo,” sabi ni Ruthy. Ngumiti lang ako sa kanya at humugot nang malalim na hininga.

Nasa pinto na ako ng private room ng kapatid ko. Kinakabahan man ako pero sa tuwing naaalala ko ang baby na dinadala ko sa sinapupunan ko ngayon ay agad akong nagiging kalmado. Pinihit ko pabukas ang pintuan.

Nandoon si Tita Jina habang nakikipag-usap kay Arveliah. Hindi ko nakita roon si Mommy at wala rin si Dad.

Papasok na sana ako nang magsalita si Tita Jina. “Ang sabi sa akin ng Mommy mo, hija ay ikaw talaga ang pipiliin na magiging fiancé ng anak ko. Kung sana ay hindi na lang nagbago ang isip ni Papa.”

“Huwag ninyo pong sabihin iyan, Tita. Ang ate ko po ang pinili ni Don Brill dahil sila po ang bagay at masaya po ako sa kanila. Mabuting tao po si Ate May Ann at alam kong magiging maganda ang buhay nila ni Mergus,” sabi ni Arveliah. Napaka-sincere ng boses niya.

“Hays, Arveliah. Nagawa ka na ngang talikuran ng ate mo ay mabait ka pa rin sa kanya.”

“A-Alam ko po kasi na may dahilan si Ate May Ann, Tita. Kilala ko po siya, kung nagbibitaw po siya ng mga salita ay totoo po iyon. May prinsipyo po siya at wala siyang tinatalikuran na tao kung nagbitaw na po siya ng pangako. H-Hindi po...maganda ang trato sa kanya ni Mommy, hindi ko rin po alam kung bakit... Pero ni minsan po... N-Ni minsan po ay hindi niya pinagtaasan ng boses ang Mommy namin, hindi po siya sumasagot kahit pinapagalitan na po siya ay palagi lang po siyang tahimik at nakikinig lamang. H-Huwag ninyo po sanang... huhusgahan agad ang ate ko, Tita... Marami pa po kayong hindi nalalaman tungkol sa pagkatao at katangian niya. Wala ka na pong...makikilala na katulad niya. Tita Jina, n-nag-iisa lang po siyang ate ko sa mundong ito at isa na po si Don Brill sa mga taong nakakakita sa kanya na busilak ang puso niya.”

Napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ko napigilan ang pagluha ko. Sa mga narinig kong sinabi ng kapatid ko ay pinagsisisihan ko kung bakit hindi ako nagpaka-ate sa kanya. Na kung bakit hindi ko siya trinato nang maganda noon. Sana hindi ako aabot sa ganitong situation na pagsisisihan ko ang mga panahon na sinayang ko.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now