CHAPTER 7

39.2K 391 4
                                    

Chapter 7: Family portrait

“ANG lakas mong maka-judge sa isang tao na hindi mo pa man lubos na kilala,” I told him.

“You know what? Sapat na rin ang mga nakikita ko,” he fired back. Iyon nga ba ang paniniwalaan niya? Ang nakikita niya lang din? Napakababaw pa rin pala niya, eh.

“Yeah right. Alam mo rin na madali na nga iyon para sa mga katulad mo na husgahan kami,” saad ko pa at umigting na naman ang panga niya saka niya ako hinila para lang igilid. Nagpumiglas ako. Kung makahila siya ay akala mo naman isang laruan lang ako.

“Ang dami mo talagang sinasabi, tss,” iritadong saad niya at basta na lamang niya kinuha ang family portrait namin. Hindi siya nag-ingat kaya biglang dumulas sa kamay niya iyon.

Gumawa nang ingay ang pagkabasag ng portrait at parang ang puso ko lang din ang nabasag. Iningatan ko iyon tapos...

“S-Shit...” he cursed. Akmang kukunin pa sana niya iyon pero mabilis ko na siyang pinigilan.

“Are you stupid? May balak ka pa talagang pulutin ’yan? Eh, may bubog na?!” sigaw ko sa kanya at nabigla pa siya. He immediately avoided his gaze.

“Hindi naman ako bingi para sigawan mo, ah,” mahinang saad niya. Padabog na binitawan ko ang braso niya.

“This is the reason why... Ayokong may ibang tao ang tumutulong sa akin dahil mas lalo lang lumalala ang situation. Just look what have you done, Engineer. Sa halip na makatulong ka nga sa akin ay nagkaroon ka pa ng kapalpakan,” malamig na sabi ko sa kanya. Hindi ko naman siya sinsisisi sa ginawa niya. Ang para lang sa akin ay sana mag-ingat siya next time. Tss.

“Fvck that. I’m sorry...” Tiningnan ko pa ang mukha niya kung sincere ba siya sa pag-s-sorry niya. But it seems right... Ibang-iba na naman siya ngayon.

“Ano pa ba ang magagawa ng sorry mo kung binasag mo na ang family portrait namin, ha? Kaya pa bang ibalik iyon sa isang sorry mo?” masungit na tanong ko at lumuhod para makuha na ang portrait. Siya naman ang pumigil sa akin at hinawakan ang kamay ko. I made a facepalm at nag-angat nang tingin sa kanya. “What are you doing?” I asked him.

“Sino ba sa atin ang stupid? Ako ba o ikaw? Bakit mo hahawakan ’yan kung alam mong may bubog na?” salubong ang kilay na tanong niya sa akin. I slapped his hand.

“Alam ko ang ginagawa ko. Don’t stop me, mas lalo lang nag-iinit ang ulo ko sa ’yo,” sabi ko at kinuha ko lang ang portrait nang hindi nasusugatan ang kamay ko. ”Did you know that we have a family belief?” I asked.

Lahat naman ng pamilya ay may ganoon, may isang bagay kayong pinapaniwalaan.

“Akala mo ba kayo lang ang may ganoon? We have a family belief too,” he said. Gusto pa talagang makipag-argument about that matters.

“Once the portrait of your family broke...it means, may mawawala na isang miyembro ng family mo. Hindi lang basta mawawala dahil puwede ring sa susunod na family portrait ay wala na ang isang tao roon. Just like on a tree and a branch will fall, and it will slowly lose its balance,” I stated. Simple lang naman ang mga sinabi ko pero maraming kahulugan iyon.

“That’s was an accident, I’m sorry,” he sincerely said.

“That’s it. An accident, pero kahit na. Kahit na hindi mo nga sinasadya ang lahat ay kailangan mo pa ring mag-ingat,” sabi ko pa. “Now get out of my room.”

Nagtaas lang siya ng kamay at dumiretso na sa pinto. Napatitig ako sa binasag niyang portrait namin. Napakahalaga nito, dahil sa kabila ng ibang pagtrato sa akin ng parents ko ay isa rin ito sa nagpapagaan sa mabigat na dibdib ko sa tuwing napagmamasdan ko ito.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora