CHAPTER 62

67.1K 570 53
                                    

Chapter 62: Visited Miko

“HINDI ka pa ba matutulog, Yeye?” tanong ko kay Mayeese at napangiti siya nang marinig ang nickname niya na bihira ko lang itawag sa kanya. Ang Ninang Ruthy niya lang kasi ang tumatawag no’n sa kanya. Nakikigaya lamang ang Mommy niya.

Humilig siya sa akin at yumakap ang braso niya sa baywang ko. Hinalikan ko ang sentido niya. Naglalambing na naman siya.

Natutulog talaga siya kahit umaga pa lang dahil nakasanayan na niya iyon. Mahilig siyang maglaro buong araw kaya mabilis din siyang antukin.

“Mommy... Who is he?”

“Sino?” tanong ko naman sa kanya pabalik.

“That man po,” sagot niya at tumingala pa sa akin para hintayin ang isasagot ko sa kanya.

“Bakit mo ako tinatanong niyan, Mayeese?”

“I like him, Mommy.” I shook my head dahil hindi ako makapaniwala na maririnig ko ito mula sa kanya. First meeting pa lamang nila ay nagustuhan na niya ang daddy niya.

“Paanong nagustuhan mo iyon, eh hindi mo naman siya kilal, sweetie?” curious kong tanong sa kanya.

“Hmm. He’s like uhm... He’s a big guy but a cry baby. Why... Why po siya nag-cry kanina, Mommy?” Mahinang pinisil ko ang tungki ng ilong niya dahil ang seryoso niya masyado. Salubong ang kilay niya na halatang curious nga siya na kung bakit ba umiyak ang lalaking iyon kanina.

Ako nga ay nabigla rin dahil sa pag-iyak nito. Maybe that’s because of his daughter na itinago ko nga from him at ngayon niya lang nakita.

“I don’t know, sweetie. Kayo ang magkausap kanina, ’di ba? Baka...inaway mo siya?” Mabilis siyang umiling at tumulis ang labi.

“Ba’t ko naman po siya aawayin? Big guy na siya.” I shrugged my shoulder and kissed her cheek. She’s so cute.

Kung dati-rati talaga ay wala pa akong kasama na bata. Walang makikiusap sa akin na magpapaluto dahil hungry na raw siya. Walang nagmi-milk sa akin at walang tatabi sa akin sa bed na magpakanta para lang makatulog siya.

Pero dahil sa baby Mayeese ko ay nawala bigla ang insomnia ko. Maybe she’s my cure dahil mabilis na rin akong nakatutulog sa gabi, pero natutulog lang ako kung makikita ko siya na mahimbing na rin ang kanyang tulog.

“Dito ka lang muna, sweetie. May kukunin lang ako sa room natin,” paalam ko sa kanya pero nang paakyat na ako sa hagdanan nang may nag-doorbell bigla. Alam kong si Mayeese na naman ang magbubukas no’n.

Kaya nagmamadali akong bumaba. Hindi naman kasi si Ruthy iyon, eh. Umuwi na kanina pa.

Hindi nga ako nagkamali dahil wala na siya sa sofa. Malalaki ang bawat hakbang ko patungo sa pintuan. Nakabukas na nga ang pinto kaya nasa labas siya.

“Mayeese? Ano’ng ginagawa mo sa--Kuya Markus?” gulat ko namang tanong nang makita ko si Kuya Markus pero hindi siya nag-iisa.

May kasama siyang isang magandang babae. Walang emosyon nga ang mukha niya pero hindi naman yata siya mukhang suplada. Ang tangkad niya rin at mestiza ang kutis niya. Ganito rin pala ang mga type na babae ni Kuya Markus.

“Mommy, sama po ako kay Uncle Markus?” tanong ni Mayeese. Her voice ay talagang nakikiusap.

“Uhm.” Ano nga ba ang isasagot ko? Pero nang bumaba ang tingin ko sa aking anak ay sunod-sunod ang pagkurap niya. Nangungusap ang mga mata niya kaya may naaalala ako sa kanya kung iyon ang ginagawa niya.

“I’m sorry. May Ann, can you come inside?” Wala naman talaga sa akin kung sasama si Mayeese sa uncle niya. Nahihiya lang talaga ako sa kasama niya ngayon. Tiningnan ko ang itinuro ni Kuya Markus. Ang unit niya sa kabila.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon