CHAPTER 60

78K 625 18
                                    

Chapter 60: The first meeting

UMAASA ako na sana ay hindi niya ako makikilala pa. Dahil sa short hair ko na naghalo-halo ang kulay ng blonde at itim nito. Iniba ko lang kasi ang looks ko dahil kahit nasa UK pa rin ako ay itinuloy ko pa rin naman ang pangarap ko na maging isang pianist. Natupad ko rin naman iyon pero dahil hindi ko na ginagamit pa ang pangalan kong Yam Vallejos ay hindi matunog ang pangalan na gamit ko ngayon.

Kaya inihinto ko na lamang iyon para na rin maalagaan ko nang mas maayos ang baby ko.

“What, Kuya? Bakit ako pa ang tatawagan mo? May appointment ako ngayon,” narinig kong sabi niya at mas yumuko pa ako para hindi niya mapansin.

Narinig ko ang sunod-sunod na footsteps niya at nang sulyapan ko siya ay nakalabas na siya ng resto. I felt relief.

Napahaplos pa ako sa dibdib ko dahil sa lakas nang kabog nito. Wala naman akong kasalanan, ah. Pero bakit natatakot akong magpakita sa kanya?

Feeling ko kasi ay galit siya, kahit wala ng dahilan pa para magalit sa akin nang umalis ako. Baka siguro puwede pa kung si Mayeese ang itinago ko sa kanya.

Tumikhim pa ako at naglakad palapit sa puwesto nina Ruthy at Mr. Mahler. Akala ko kaya siya umalis kanina ay para hanapin ako dahil nakita niya si Ruthy na mag-isa lang.

“Good morning, Mr. Klimt Mahler,” I greeted him as soon as I approached.

“Ms. Vallejos, hey. Akala ko ay ang secretary mo lang ang mami-meet ko ngayon.” I’m a little bit shocked nang magsalita siya ng Tagalog.

“Sorry about that, Mr. Mahler,” sabi ko.

“That’s okay. It’s been a long time, Ms. Vallejos. Have a sit.” I sat down on the chair at umupo rin naman si Ruthy.

“May idea ka na ba, Mr. Mahler kung bakit nakipag-set ako ng appointment sa iyo?” tanong ko sa kanya.

“Nagulat din ako dahil ilang taon akong walang update tungkol sa iyo and according to my sources ay ikaw pa rin naman ang CEO ng main company ninyo pero working from abroad ka. Kaya kahit ilang beses din kaming nagpa-set ng appointment sa iyo ay hindi pa rin natatanggap dahil nasa ibang bansa ka nga I wonder why,” mahabang saad niya.

“Yes. Nang mapansin namin na may kaunting problema sa pagitan ng company natin ay mabilis kaming nagpa-book ng ticket to personally meet you, Mr. Mahler. So we can talk the abbey properly,” I told him.

“Actually. May representative kami, also... Naging investor namin siya. He said that he wants me to backout kahit ayaw rin ni Dad pero dahil kasama siya sa major investors namin ay sumang-ayon kami,” paliwanag niya.

Sa hindi malaman na dahilan ay bumilis ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako bigla at curious ako kung sino ang taong tinutukoy niya na nag-utos sa kanila na mag-backout kahit na may contract pa sila sa amin.

“Pero may kontrata kang pinirmahan, Mr. Mahler. Hindi puwedeng masira ang napagkasunduan natin dahil may babayaran ka sa amin. That is our policy,” seryosong sabi ko sa kanya at tumango siya.

“Yes, I know but he’s willing to pay that for us. So...”

“What are you gonna do if tuluyan kang mag-ba-backout? May chance pa ba kami para makuha ulit ang loob mo, Mr. Mahler? Because I know wala naman kaming naging problema sa construction. Maayos ang trabaho ng mga tauhan namin. Close na rin ang deal natin. So, why? Bakit bigla ay nagbago ang isip ninyo?”

“I believe it’s my turn to answer your question, Ms. Vallejos.” I stilled when I heard that familiar voice. My heart skips a beat and I feel like nabuhusan ako ng malamig na tubig.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon