CHAPTER 30

44.5K 424 12
                                    

Chapter 30: Wanted to Marry

“HINDI ba pagod ka na? Bakit hindi ka pa matulog?” tanong ko sa kanya. Narinig ko na naman ang pagbuntong-hininga niya.

“Fine,” malamig na sabi niya at ang akala ko ay matutulog na nga siya pero nilapitan pa rin niya ako. He sat down beside me at may hawak siyang disposable cup at may laman na itong tubig.

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang isa pang tableta ng sleeping pills. Tumaas ang sulok ng mga labi ko at hindi ko na napigilan pa ang mapangiti. Tinaasan pa niya ako ng kilay.

“Sige na. Hindi na kita pipilitin pa. Drink this but you need to limits yourself, okay? Subukan mo na uminom nito twice a week, hmm?” malambing na sabi pa niya sa akin. Puwede naman siyang maging mabait talaga, eh. Hindi iyong palagi akong sinusungitan.

“Ano iyan? Nagiging mabait ka na naman sa akin? Ngayong gabi lang?” nakataas ang kilay na tanong ko rin sa kanya.

“Miss, hindi kita aawayin sa gabi,” sabi niya at nawala ang ngiti ko sa labi nang makita ko rin ang pagngisi niya. Dahil alam ko kung ano na naman ang iniisip niya.

“You...”

“Come on, drink this, and we’re going to sleep,” mariin na utos niya sa akin at sumunod naman ako sa kanya pero nang umiinom na ako ng tubig ay nakarinig naman ako ng tunog ng...

“What was that, Engineer?” nakangising tanong ko sa kanya. Ang tiyan niya mismo ang nag-iingay. I’m sure na hindi pa siya nag-dinner.

“Ngayon ka lang ba nakarinig ng ganoon?” nang-aasar na tanong niya sa akin.

“Are you hungry?” I asked him. Kinuha niya mula sa akin ang cup saka siya tumayo. Inubos niya ang laman nito saka niya ibinato sa trash bin.

“Ano naman? Itutulog ko pa rin ito,” masungit na sabi niya pero napahalakhak na lamang ako. “This is because of you. Sa lunch time kanina ay burger lang ang kinain ko,” he added.

“Ang sarap ng in-order ni Grandpa kanina sa dinner namin. Kung mas maaga ka sanang dumating ay baka nakasabay ka pa sa amin. Sana pala ay hindi lang burger ang kinain mo sa lunch time,” pagpaparinig ko sa kanya.

“Shut up, Miss,” sita niya sa akin. I stood up from my seat and approached him.

“Come on... Food trip tayo... Iyong sa... pinuntahan namin ni Miko? Tapos...tawagan mo siya,” sabi ko at marahas na bumaling pa siya sa akin.

“At bakit ko tatawagan ang kapatid ko? Ako ang inaaya mo pero ang gusto mo ay kasama pa si Miko? Nagpapatawa ka ba, Miss?” tanong niya sa akin at ngumuso lang ako.

Inirapan pa niya ako. “Parang babae, ah,” mahinang komento ko.

“What is it, Miss?” he asked me. I shook my head.

“Why are you so formal kung tawagin mo akong Miss, Mergus? May Ann ang itawag mo sa akin,” sabi ko.

“I just want to call you, Miss. Hindi dahil ayokong tawagin kita sa pangalan mo. I find it very cute, Miss...” I just shook my head dahil sa sinabi niya.

***

Nagpalit lang ako ng damit, pink blouse and a color brown bermuda types of short pants. “Talagang handa kang maglayas kanina?” may kalamigan ang boses na tanong sa akin ni Mergus. Habang nagsusuot na ako ng puting sneakers.

Nainis nga siya sa akin nang umalis ako ng hindi nagpapaalam sa kanya. Sinadya ko naman kasi iyon dahil sa galit na nararamdaman ko. Pero ngayon ay wala naman na akong nararamdaman pa na pagkainis sa kanya.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now