CHAPTER 21

40.1K 364 16
                                    

Chapter 21: Vallejos Real Estate Company (2nd branch)

“BUT how did you know that?” I asked him. Dahil curious nga ako kung paano niya iyon nalaman. Ang bilis niya or sadyang observant lang siya?

“I told you na observant akong tao and I’m not just a Psychiatrist doctor. Anyway, huwag na nating pag-usapan iyon dahil alam ko naman na hindi ka komportable. Ano na pala ang nangyari kagabi?” tanong niya at iniba na ang topic.

“That you want a lap dance?” sagot ko sa kanya. Napakamot siya sa batok niya.

“Sorry about that, Miss. I just want to play with Gus. Pero mukhang...wala lang para sa kanya ang lahat nang iyon,” he said.

I just shrugged my shoulder. “Let him be. Makukuha ko rin naman ang loob niya,” sabi ko at lumapad ang ngiti niya.

“Ganyan nga. Dapat positive ka lang palagi and don’t worry tutulungan naman kita. Ang sarap din naman kasi na asarin ang isang iyon, eh,” he said. Bakit ang bait naman niya? Sana ang ugali ni Mergus ay katulad na lamang ni Zerohian.

“Saan napupulot ang mga katulad mo, Dr. Zerohian?” tanong ko. Naibaba niya in no time ang cup of coffee niya at napatutop pa siya sa kanyang dibdib.

“W-What? G-Ginulat mo naman ako, Miss...”

“At ano ang dahilan?” Levia suddenly approached us. “Ang sakit ng ulo ko, shit.”

“You want coffee, Levia?” Zerohian asked her instead na sagutin niya ito.

“Yes, please. Thanks, Zero. May nangyari ba kagabi, May Ann?” tanong nito sa akin nang makaupo siya sa tabi ni Zero pero hindi naman nagtimpla ng kape niya ang doctor. Dahil nakahawak lang siya sa dibdib niya at bakit lumalalim na naman yata ang pag-iisip nito?

“Yes.” Hindi ako ang sumagot no’n dahil sa biglaan na pagpasok ni Mergus at nakasunod na sa kanya si Reixen na mukhang inaantok pa.

“Wow, really?” namamanghang tanong pa ni Levia.

“We finished the game, but hindi namin nagawa ang isa.” Halos magdikit na ang kilay ko sa mga narinig kong sinasambit ng engineer na ito. Ikukuwento ba talaga niya ang nangyari sa amin kagabi? Seryoso ba siya?

Pinanood ko pa siya nang umupo siya sa kabila, malayo sa kinauupuan ko. Ano naman ngayon sa akin? Tss.

“Oh, sa true? Nagawa ninyo iyon lahat? Kaya naman pala may nakita akong kissmark sa leeg ni May Ann. Torrid kiss yata ang ginawa ninyo kagabi, ah.” By that ay mabilis kong tinakpan ang leeg ko. Sinamaan ko nang tingin si Mergus at nasa akin na rin ang kanyang tingin.

“What?” he asked na parang gusto pa niyang i-deny ang ginawa niya. Umaakto rin siya na akala mo inosente na wala siyang ginawa.

“Ano’ng what ka riyan?” inis kong saad.

“Maganda namang tingnan, ah,” he said and I clinched my teeth. Saan ang maganda ro’n? Pss.

Dahil sa sinabi niya ay malakas na tumawa si Levia, samantalang nakasimangot ang face ni Zerohian at bagsak naman ng ulo ni Reixen sa table.

“Really? Maganda siyang tingnan?” Pinanliitan ko pa siya ng mga mata.

He licked his lower lip at may mapanuring tingin agad ang ipinukol niya sa akin. Dahilan na kinilabutan na na naman ako at dumagundong agad ang malakas na kabog sa aking dibdib. Ayoko nang ganoong klaseng tingin.

“Don’t be like that, Gus. Nagseselos ako, eh,” drama ni Zerohian at hanggang ngayon ay nasa chest pa rin niya ang kaliwang kamay niya.

Tumayo lang si Mergus at dumiretso sa coffee maker. “Gus, kape...” mahinang saad ni Reixen.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now