CHAPTER 3

66.5K 707 20
                                    

Chapter 3: Meeting the Brilliantes Clan

“MAY ANN, honey, samahan mo ang kapatid mo sa party niya. Come on, anak.”

Kaya naman pala ganito siya kalambing sa akin. Dahil may kasama rin siyang mga kaibigan niya. Kasi alam ko naman na ay ayaw niyang ipakita sa mga ito ang pagtrato sa akin. Ang pagiging strict niya at malamig sa akin. Na iba rin kung si Arveliah ang alagaan niya.

“Mom...”

“She’s your eldest daughter, Venus?” her friend who wear her dirty white dress asked her that at hindi niya man lang maiwasan ang hindi mapatingin sa akin. Kaya naman ngumiti ako sa kanya.

“Yes, she is,” ani Mom na sinabayan pa nang pagtango.

“She’s beautiful more than your youngest daughter. How come that we didn’t meet her, Venus?” Mom just smiled at them.

“Long story, amega. Come on, hon. Let’s get inside.” I don’t have any choice but to agree to go with them.

“Go dress up, May Ann,” she said at magalang na nagpaalam pa ako sa kanila bago ako umakyat sa hagdanan. I went to my room.

I stared at my dress. Ang hinanda ni Mommy para sa akin. Sa halip na iyon ang isusuot ko ay pumili na lang ako sa closet ko.

I choose my violet red bangage crop top and a pair of long skirt paneled style. Terno pa naman silang tingnan dahil same color lang siya. I know, kung ito ang susuotin ko ay mas nakakakuha ito ng maraming atensyon. Dahil bukod sa mga matatanda ay formal din ang mga suot nila at naka-dress and evening gown naman ang iba. Pero kung tutuusin naman ay simple lang ang outfit ko ngayon. Hindi naman kapansin-pansin.

Tiningnan ko naman ang sarili ko sa malaking salamin ko sa loob ng aking silid. Dahil sa suot kong crop top ay kitang-kita tuloy ang balikat, braso at pusod ko pero hindi rin naman mababa ang neckline nito kaya ayos lang. Hindi makikita ang cleavage ko. Dahil na rin sa tingkad ng kulay nito ay mas nadepina ang maputi kong kutis.

Tiningnan ko naman ang buhok ko na hindi naman lumagpas sa baywang ko. This is not a pure black hair, may pagka-gray and brownish ito. Natural na waivy naman 'to kaya hindi na ako nag-abala pa na maglagay ng kahit ano sa buhok ko.

Lumapit naman ako sa vanity mirror ko at doon umupo. Isa-isa kong tiningnan ang make-up at iba pang beauty product. Napabuntong-hininga na lamang ako. Do I need to put a make-up on my face? But suddenly, the handsome face of that guy crossed my mind. His long and curly eyelashes, his pointed nose and reddish lips. His adams apple that went down and up.

Marahas kong pinilig ang ulo ko dahil bakit malinaw ko pa ring naaalala ang mukha niya? Kahit hindi naman nagtagal ng ilang minuto iyon? Bakit ganoon na lang kabilis na makabisado ko ang kanyang mukha? Okay, I admitted. Guwapo nga siya at malakas ang séx appeal niya. Ang tingnan ka nga lang ay kakabahan ka na. Bibilis agad ang tibok ng puso mo.

But maybe sa ibang babae ay hindi naman ganoon ang reaction ng katawan nila. Ewan ko lang sa nangyayari sa akin dahil napaka-weird lang nito.

In the end ay light make up lang ang in-apply ko sa mukha ko and simple pink lipgloss. Nag-spray ako ng Black Opium sa katawan at damit ko.

Nagsuot na rin ako one set accessories, a violent diamond necklace, earrings, ring and bracelet. Black pouch ang kinuha ko at inilagay ko roon ang cellphone, credit cards, and business cards ko. Black ankle strap heel sandal na three inches ang taas. Pagkatao kong mag-ayos sa sarili ko ay lumabas na ako sa kuwarto ko.

Naalala ko si Mama. Ngayon ko lang siya hindi mapupuntahan. Dahil hindi na ako hinayaan pa ng stepmom ko. I’m sorry, Mama... Puwede ko naman siyang dalawin sa ibang araw pero iba talaga kapag ngayon. Sana pala... Sana pala na-cancel ko ang appointment ko kaninang umaga para lang makadalaw na ako sa puntod niya at hindi na ako naiipit sa sitwasyon ko ngayon.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora