CHAPTER 67

56.8K 542 29
                                    

Chapter 67: Revelation about the Veracruz family

"TULOG na ang anak mo. Puwede ka nang umalis at magpahinga," ani ko para iwan na niya kami rito. Hindi pa rin ako comfortable sa presence niya.

After kasi ng lunch namin at nakapagpalit ng damit si Mayeese ay pinatulog ko na ulit. Kinukulit pa niya ako na parang ayaw niyang matulog dahil kay Mergus.

"Bukas na ba kayo pupunta sa address na ibinigay ng Daddy mo?" tanong niya sa akin.

"Ano naman sa iyo. Ano ang pakialam mo sa bagay na iyon?" pambabara ko.

"Sige, lalabas na ako. Tawagin mo lang ako kung may kailangan kayo---"

"Wala. Wala kaming kailangan," supladang sabi ko at sumampa ako sa bed para humiga sa tabi ng baby ko.

Naramdaman ko pa ang pagtitig niya sa akin nang ilang segundo at narinig ko pa ang buntong-hininga niya. Ngayon... Suko ka na ba, Mergus? Dahil hindi na ako katulad pa nang dati. Hindi na ako mabilis pang makuha sa warning mo.

"Lalabas na ako," paalam niya na hindi ko naman pinansin pa. Narinig ko na lamang ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Sumulyap pa ako roon at napataas lang ang kilay ko. "Ang kapal ng face ng engineer na iyon," ani ko at pumikit ako pero ang mukha niya lang ang nakita kong imahe sa isip ko.

Ang eksenang umiyak siya habang patakbong lumalapit sa amin at ang mahigpit na pagyakap niya sa amin ni Mayeese. Makikita sa mga mga mata niya ang takot at pangamba na maiwanan na naman.

"I-Iiwan n-ninyo na n-naman ako..."

"A-Ang hilig ninyong mang-iwan, Miss..."

I heaved a sigh and stared at my daughter's face. "Hindi na alam kung ano pa ang gagawin ni Mommy sa Daddy mo, Yeye. Sobra akong nasaktan noon ng Daddy mo at kahit mahal ko pa siya ay hindi ko pa rin siya kayang patawarin nang ganoon lang kadali. Tell me... Tell me what to do... Babalik na lang ba ulit tayo sa UK? Or sa Canada dahil may bahay naman tayo roon? O mananatili na lamang sa tabi niya?" I whispered.

Hinalikan ko ang pisngi niya at nang nalukot ang tungki ng ilong niya ay marahan kong kinagat iyon. Kumunot ang noo niya at hinawakan ang pisngi ko.

"M-Mommy... No..."

Si Mayeese pa nga ay kontento na ako. Wala na akong ibang mahihiling pa. Si Yeye lang ang gusto kong makasama. Mas pipiliin ko pa yata siya kaysa sa Daddy niyang walang kuwenta.

The next day ko na naisipan na pumunta sa address na iyon kaya ang ending talaga ay palagi naming kasama ang engineer na iyon. Sa dinner and breakfast, kahit hindi ko pa gusto pero wala nga talaga akong nagagawa dahil hinahanap siya ni Mayeese.

I was wearing my white sleeveless top and a brownish pants. Flat shoes lang ang sinuot kong panyapak. I prepared my daughter's things again kasama na ang baby bottles niya.

Nadatnan ko naman sila sa sofa at inaayos ni Mergus ang tali sa pink sneakers ni Mayeese. Naka-pink tank top siya and white skirt. Naka-pony tail ang buhok niya sa magkabilang bahagi ng ulo niya.

"Mommy, look what Daddy's bought for me!" sigaw niya at itinaas pa niya ang kaliwang paa niya.

"What is it?" tanong ko at hindi ko na lang tiningnan pa.

"An anklet po, Mommy! It's very pretty," she answered.

"Okay. Come on, aalis na tayo," pag-aaya ko sa kanya.

***

Isang villa ang address na ibinigay sa akin ni Dad at kaunti lang ang bahay na nakikita kong nadadaanan namin tapos ang layo pa sa bahay na pupuntahan namin.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now