CHAPTER 23

52.4K 521 2
                                    

Chapter 23: Lovers quarrel.

“YES,” I answered.

“Goon kayo nagkakilala ni Engineer Brilliantes?” tanong naman ni Engr. Romeo. Palipat-lipat ang kanyang tingin sa amin ni Mergus.

“Hindi ba dapat ang kasama ngayon ni Engineer ay ang kapatid mo, Engr. Vallejos?” curious na tanong naman ni Calveson, iyong interior designer namin.

Sinulyapan ko si Mergus na tahimik lang siyang kumakain pero alam ko naman na nakikinig lang siya.

“Hindi ko rin alam sa kanya,” sabi ko dahilan na napatingin siya sa gawi ko. Kumunot ang noo niya.

“Hindi ba magseselos ang girlfriend mo, Engr. Brilliantes, kung ang kapatid niya ang kasama mo ngayon?” tanong ni Architect Larvae.

“Stop it. She’s my fiancé,” diretsong sabi ni Mergus. Nagulat ang kasama namin dahil sa sinabi niya. Hindi na nga niya napigilan pa at siya na rin mismo ang nagsabi no’n dahil wala nga akong balak na sabihin iyon. Hindi dahil ayaw ko lang, kundi ayoko siyang pangunahan kasi baka magagalit na naman siya.

“Fiancé mo na pala? May LQ kayo kaya ganito ang trato ninyong dalawa sa isa’t isa?” namamanghang tanong ni Sy sa amin. Hindi ako nagsalita. Kaya si Mergus naman ang tiningnan niya.

“I’m done,” sabi niya at tumayo na siya agad.

“Hindi pa tapos ang pagkain mo, Engineer,” sabi naman ni Engineer Larvae.

“I’m full,” seryosong sagot niya at tuluyan na nga siyang umalis.

”Kayo pala ang mag-fiancé, Engineer? Bakit iba naman ang sinabi mo sa amin kanina?” namimilog ang matang tanong ni Calveson. Dahil gusto ko lang din inisin si Mergus kahit may tendency na magalit pa siya.

“Parang si Engineer Brilliantes ang mas galit, ah,” komento ni Engr. Valenzuela.

“Gayaan ninyo siya. Ganoon lang talaga ang ugali niya kapag nagseselos siya,” I lied. Dahil hindi rin naman totoo na nagseselos lang siya kaya ganoon ang ugali ng lalaking iyon.

Matagal na siyang ganoon at wala lang talaga siyang pakialam sa akin. Sa kung ano man ang mararamdaman ko sa tuwing sinasabi niya sa akin na si Arveliah ang gusto niya. Saka siya? Magseselos sa ibang lalaki dahil lang sa paglapit sa akin? Nah, that’s very impossible to happens. That would never be.

“Wow. He’s just jealous?”

“Yeah,” I answered.

Natapos ang lunch time namin at balik trabaho na nga kami. Sa buong hapon naman ay hindi ko na nakita pa si Mergus. Sinadya niya iyon para iwasan ako. Pero hindi naman ako nag-abala pa na hanapin pa siya. Pakialam ko naman sa kanya. Puwede siyang pumunta kahit saan pa iyan.

It was 3:12 in the afternoon nang dumating naman si Michael kasama niya ang alagang pusa ni Mergus at nang makita niya ako ay diretso agad ang tungo niya sa akin.

Kasalukuyan naman kaming kumakain ng snacks namin at tumabi talaga siya sa ’kin. Sinilip ko ang pusang nasa bisig niya. May maliit na pink na swaddling clothes ang nakabalot sa maliit na katawan nito. Alagang-alaga siya ng engineer pero huwag itong magtatangkang ibigay siya sa akin dahil masasaktan lang siya.

“Have you seen my brother, sis?” he asked me at bahagya pang napataas ang isang kilay ko sa itinawag niya sa akin. Sis. Si Michael pa ba ang kaharap ko ngayon?

Sinulyapan ko ang dalawang team ni Mergus. Agad naman nila akong naunawaan.

“Ang sabi niya sa amin kanina ay sa banyo raw muna siya magtutungo,” sagot ni Architect Larvae at tumango naman si Engr. Valenzuela.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now