CHAPTER 4

44.2K 482 34
                                    

Chapter 4: Soon-to-be Mrs. Brilliantes

MAY napagkasunduan sila at nahulaan ko na ’yon. Kaya rin nasa iisang table lang kami ngayon. That’s why Mom’s reaction was like that. Si Arveliah ang gusto niyang ipakasal sa pamilyang ito at inaasahan niya na mapipili ito kapag makikilala na ng mga taong ito. Wala rin naman siyang balak na ipakilala pa ako sa lahat and I don’t care about that.

Na kahit din ang outfit ko ay sinuway niya rin dahil masyadong agaw pansin. Na kailangan din na kay Arveliah ang buong atensyon ng visitors nila.

“Yeah, we have already talked about this with her mother,” my father said and he glanced at my Mom.

“Hindi rin tayo magkakaproblema,” segunda ni Mommy.

Hindi na lang ako kumibo pa dahil wala naman akong kinalaman sa pinag-uusapan nila. Ang future kamo ng kapatid ko ang pinaplano nilang lahat. Importante rin naman sa akin ang kaligayahan ng kapatid ko pero sina Mom and Dad na lamang talaga ang magdedesisyon no’n. Basta lang na hindi nila pipilitin si Arveliah.

Na isa pa, masunurin na anak ang aking kapatid. Hindi nga sila magkakaroon ng problema at hindi sila nito mabibigo.

“Since, na-settle na natin ang lahat. Siguro naman...puwede na akong pumili ng mapapangasawa ng apo ko, Daimor?” Nabitin sa ere ang pag-inom ko ng tubig nang marinig ko ang tanong ni Don Brill.

Bakit kailangan pa niyang pumili kung alam naman nila kung sino ang ipakakasal nila?

“Pardon, Don Brill?” gulat na tanong naman ni Mommy. Nabigla yata siya sa pipili pa nga ito, gayong may pambato na sila ni Daddy.

Sa halip na sagutin siya ni Don Brill ay ako ang binalingan nito kaya lalo lang hindi mapakali ang tibok ng puso ko. Huwag naman sana...

Huwag naman sana ako, please. Ayokong pumasok sa arranged marriage na ’yan. Hindi iyon magandang idea at bakit hanggang ngayon ay pinapauso pa rin nila?

“How old are you, hija?” he asked me. Napahawak ako sa skirt ko dahil sa panginginig ng kamay ko. Kung sa ganitong usapin ay talagang kinakabahan ako.

Ayoko rin pag-usapan ang kasal ko gayong hindi pa ako handa at wala pa sa isip ko ang mag-settle down. Na kung puwede lang din ay hindi na ako magkakaroon pa ng pamilya. Baka kasi hindi ako magiging mabuting ina sa magiging anak ko. Na baka... hindi ko kaya ang responsibilidad ko bilang kanilang ina.

“I’m 28 years old, Don Brill,” I answered, sinubukan ko lang na huwag mautal sa harapan nila.

“28, ang apo kong si Mergus ay kasing edad mo lang. I wonder kung sa buwan naman kung sino ang mas matanda? Your birthday, hija?” Bakit ba ang daming tanong ni Don Brill?

“January 17 po,” muling sagot ko.

“January, hmm... Sa November 21 naman ang birthday niya. Aba, malapit na maging isang taon ang agwat niyong dalawa. Pero puwede pa naman,” sabi niya at nilingon ko naman ang tinutukoy niyang apo.

Nakatungo lang siya at pinaglalaruan niya lamang ang straw ng wine niya sa cocktail glass niya. Mukha naman siyang walang pakialam, tss... Favor kaya siya na pinaplano na nga ng Lolo niya ang kasal niya? Wala naman siyang ginawa, and it seems hindi siya against sa magiging desisyon nito. Masunurin din pala siya, ’no?

“Don Brill? May... may napili—” Bago pa man matapos ang itatanong ni Dad kay Don Brill ay tumayo na ako para makapagpaalam na. Kailangan ko nang umalis bago pa man magbago ang isip nito at mapipili niya ang isang taong ayaw naman sa pinag-uusapan nila. Labas na ako roon, please lang.

The Pianist's Unwanted Existence (Brilliantes Series #3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now