Kaya siya nagtitiis ngayon sa stress. Sa stress na makasama ulit si Amber.

Para ulit sa kumpanya.

"Kumusta na diyan, kuya?" masayang tanong sa kaniya ni MM pagkasagot na pagkasagot pa lang sa tawag nito. "Nagkaka mabutihan na ba kayo—"

"I don't like what you did, MM." seryosong niyang sambit. Nawala bigla ang excitement ng nasa kabilang linya dahil sa boses na narinig. "I went here to relax, to avoid her but you made her go with me!" mataas ang boses niya dala na rin ng alak na iniinom ngayon. 

Natahimik ang kausap niya sa kabilang linya. Nararamdaman nitong nagagalit si Raven sa nangyayari. At alam nitong may kasalanan siya sa Kuya niya dahil siya ang may pakana nito.

"I'm so stressed out right now, gusto ko ng umuwi ng America." sambit niya na napapahilamos ng mukha nang paulit ulit. "Hindi ko na kaya dito. Gusto ko na bumalik."

"I'm sorry, Kuya. Akala ko makakatulong yung ginawa ko sa'yo." sinserong sambit ng kausap. "Gusto ko lang sanang makatulong." sa mata ni MM sa buong anim na taon na nakasama ang Kuya Raven nito, nakikita nito na may nararamdaman pa si Raven sa dating asawa. Kaya buo ang loob nitong tumulong na magkaayos silang dalawa ni Amber sa kahit na anong paraan. Pero hindi pala nagugustuhan talaga iyon ni Raven.

"Well, it's not helping me. Hinding hindi."

"Gusto mo na bang umurong sa kasal—" natigilan si MM dahil napansin na nitong mukhang nasa lugar ang Kuya niya na hinding hindi pwede sa kaniya. "Where are you?" naririnig nito ang malakas na music sa kabilang linya. Alam na nito kung anong ibig sabihin non. "Are you drinking again?" may halong pag suway sa boses nito. Nagbago ang tono ng boses kumpara kanina na parang nagpapa kumbaba sa kasalanan. 

"Yes." sagot niya na parang walang takot na mapagalitan. "And I won't tell you kung nasaan ako ngayon naka tambay, baka sabihin mo na naman kay Amber, sa bago mong kaibigan."

"Nag usap na tayong dalawa tungkol diyan, Kuya. Umiinom ka ng gamot kaya bawal kang uminom ng alak."

"And you both made me drink, MM."

"Kuya—"

"Kiss Rufus for me. Tell him I love him." utos niya na parang nagpapaalam na sa kausap na ibababa na ang tawag nito sa kaniya.  "Pakisabi na rin kay Luella na may voicemail ako sa kaniya." sabay baba sa tawag.

Humingi na naman siya ng panibagong baso ng alak. Parang walang planong tumigil sa pag inom. Sa kalagayan niya, umiinom siya ng gamot para makabawas sa stress ni Raven pero hindi iyon pwedeng sabayan ng alak. Hindi magiging epektibo ang gamot kaya hindi siya pinapainom ng kapatid. Pwedeng mas makapagbigay sa kaniya ng stress kapag uminom siya kaya bawal na bawal sana sa kaniya. 

Pero hindi na niya iyon mapigilan. 

"Hi, handsome." may bumating babae sa kaniya na naka two-piece na halatang kagagaling lang sa paglangoy sa pool dahil basang basa ang buhok pati ang katawan. 

Napapailing na lang siya. 

Pang limang babae na siya ngayong gabi na lumapit sa kaniya habang nandito siyang tahimik na umiinom. Tumabi pa sa tabi niya.

Pero wala siyang balak na kausapin. Ni tignan ang mukha ay wala siyang balak na gawin. Naka focus lang ang mata sa bar counter, naka tingin sa basong inuunti unti niyang ubusin ang laman.

"Are you alone?" pilyong tanong nito.

Naubos niya ang alak kaya tumawag ang babae ng bartender, humingi ng panibagong baso ng alak para sa kaniya. "Next glass is on me."

"You don't have to do that." walang interes niyang sagot. May pera naman ako pambili.

"Pero gusto ko." she said seductively. 

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon