Chapter 3

338 19 2
                                    

Eleven. 

"Aray!" nakng. 

Hindi talaga marunong mag ingat mag gamot. 

Hanggang ngayon, hindi parin gumagaling yung bukol ko sa noo. Kahit hawak hawakan ko lang, napapangiwi parin ako sa sakit. 

Gagaling naman na sana kaagad 'tong bukol ko. Kaya lang pinalala niya pa lalo yung bukol ko dahil binato niya mismo yung mga kaldero sa mismong bukol. Asintadong asintado. Nakakainis.

Wala siyang mercy. Hindi lang sa akin, sa bukol ko. Kita na nga niyang umbok na umbok na sa noo ko, doon pa talaga niya binato. 

Isa pa 'tong katawan kong masakit. Ngayon siya nagparamdam lalo na nung isang araw pa naman nakalipas na tinulak niya ako bigla galing sa kama.

Medyo may kataasan kaya yung kama niya. Tapos binigla niya akong itulak, eh kakabangon ko lang sa pagkakahiga. 

Pero naiintindihan ko naman. Babae siya, hindi naman talaga kumportable ang mga babae na may katabi na hindi naman nila ganon kakilala yung totoong ugali. 

Kaya ko namang indahin yung sakit ng katawan ko. Kahit nakirot pa din nang malala.

Tinamaan ako sa pangalawang beses ng pagpalo niya ng upuan sa likod. Napakagaling niya talaga magalit. 

Yung kamay ko pang maraming paso dahil sa nasunog kong niluto na kinain ko rin. May singaw pa ako sa dila dahil sa sobrang init nung sinubo kong yun. 

Hindi ko na talaga uulitin na makasunog ako ng pagkain. Napakapangit talaga ng lasa. 

Ang daming nangyari sa isang buong araw na 'yon. Hindi ko alam na posible palang mangyari sa akin yung mga ganito. 

Normal naman buhay ko bago ako kinasal. Aral, kaibigan, at nood nood lang ako ng mga laro niya noon. Ngayon, parang ang hirap hirap yatang hindi ako hindi masadista sa isang araw. 

Pero ginusto ko naman. 

Tinitignan ko sa salamin yung mukha ko. "Nakng. Ang pangit!" nakakasama naman 'to ng loob. Ang pangit ng bukol ko sa noo. Para akong may nana na kailangan tanggalan ng mata dahil nakalobo siya. 

Tignan mo yung ginawa mo sa akin, asawa ko.

Nakakapangit! Nakng. 

Pero. . .parang deserve ko naman. Napakakulit kong tao. Hindi marunong lumugar at alamin yung kalagayan ng atmosphere o ano. 

Mas lalo ko nga siguro siyang ginalit nung nakaraan dahil masama na yung pakiramdam niya pero nangungulit ako nang malala sa kaniya. 

Nagalit ko pa siya lalo nung akala niyang minamanyakan ko siya. Sabagay, hindi naman talaga tama na tumingin sa katawan ng babae nang walang kahit na anong consent. Hindi sila magiging comfortable sa ganung bagay. 

Mali ko rin. 

Nasunog ko tuloy yung pagkain na niluluto ko sana para sa almusal niya nung nakaraan. Tumitig kasi ako at natulala, which is mali.

Hindi na nga kami close, binigyan ko pa siya lalo ng rason na hindi maging kumportable sa akin. 

Gusto ko pa naman na mapalapit yung loob niya sa akin. Maging magkaibigan man lang kami para hindi kami araw araw ganito. Nakakapagod rin kung palagi kaming ganito sa bahay. 

Kaya lang parang ang hirap hirap niyang paamuhin. 

Siguro kung hindi kami nakasal, hindi ganito kalayo yung loob niya. Sobrang sama yata talaga ng loob niya na kinasal siya sa akin nang hindi niya gusto. 

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now