Chapter 36

414 24 13
                                    

Eleven.


Masama yung tingin sa akin ni April na nakahalukipkip. Nagtatanong yung tingin, nag aalala.

Napaiwas ako ng tingin sa hiya. Naupo ako at sinandal ang likod sa headboard ng hospital bed.  

Shame on me.

Siguro kinakaawaan na ako nitong kaibigan ko sa itsura ko ngayon.

"You can go home now." nakaiwas parin yung tingin ko nung sinabi ko yun. Hindi parin mawala yung hiya ko. "Thank you sa abala."

"Anong nangyari?" tanong niya. Sunod sunod yung mga tanong na binato niya sa akin. Binubungangaan ako.

Pero walang lumabas na kahit anong sagot sa bibig ko.

May mga benda yung ulo ko pati yung kamay ko. Buti na lang daw nadala ako kaagad sa hospital dahil baka maubusan ako ng dugo. May mga tinahi rin sa ulo ko.

At ako rin yung may kasalanan ng lahat ng 'to.

"Paano kung hindi pa ako pumunta ng condo mo?" nakapamewang naman na siya ngayon. Para siyang nanay ko. Tinatalakan ako. "Paano na lang kung nandoon ka parin ngayon?"

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya pero hindi ko pinapatulan.

"Sino may gawa sa'yo nito?"

Ako lang naman yung gumawa nitong lahat. Kasalanan ko. Napuno ako, nagalit ako sa sarili ko.

"Sino?" tanong niya. Halata sa boses niya na hindi siya titigil hangga't hindi ako sumasagot. "Sino?"

"Ako."

Napakunot ng malala yung noo niya at mas lalong nameywang. Nagtatakha sa naging sagot ko.

"Ikaw?"

Ako lang.

"Bakit?"

"Wala."

"Anong wala?" irita yung boses niyang singhal. "Paanong wala? Anong rason?"

"Wala nga." pagmamatigas ko. Hindi niya naman na kailangan malaman. Saka alam ko, paalis na siya ng America. Bakit siya nandito?

"Nagsasabi ka ba ng totoo?"

"Kahit naman magsabi ako ng totoo, hindi ka parin maniniwala." sagot ko. "Atsaka bakit ka nandito? Akala ko ba aalis ka na papuntang America?"

"Minove ko yung araw ng alis ko." sagot niya. "May kailangan kasi akong sabihin sa'yo."

"Ano yun?" seryoso kong tanong. Seryoso rin yung mukha kong tumingin sa kaniya.

"You should answer me first." sambit niya. "Sagutin mo lahat ng tanong ko bago ko sabihin yun sa'yo."

"What is it?" tanong ko padin kahit na sinabi niyang hindi siya sasagot sa akon hangga't 'di ko siya sinasagot.

Pero nagmamatigas rin siya. "No, I won't tell you hangga't hindi ka nagsasabi kung bakit yan nangyari."

Fine. "Then don't tell me."

Tinignan niya ako na parang nabigo sa pinapagawa sakin. "Tell me."

"I already did."

"Hindi ako naniniwalang magagawa mo 'to sa sarili mo."

Nagawa ko na nga. 

"Ginawa ba 'to sa'yo ng asawa mo?" inis niyang tanong. "Kung oo, tatawag ako ngayon ng pulis! She deserve to rot in jail!"

Natawa ako sa inis. "Sinabi ko ngang ako!"

Natahimik siya. 

Hindi ko na alam kung bakit ko yun nagawa. Napasigaw na lang ako out of frustration. Sobra akong nasasaktan. Sobra akong nagpaka tanga. Sobra akong umasa.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now