Chapter 39: Klarisse

414 27 9
                                    

Klarisse.

"Where is he?"

"Ate. . ."

"Where the hell is he?" 

Hingal na hingal siyang nililibot ang paningin sa paligid. She looks worried and nervous. 

"Klarisse." tawag niya sa akin. "Tinatanong kita!"

Napayuko ako. 

Hindi nangyari yung planong nasa isip ko. 

I failed. 

"I'm sorry, ate." garalgal yung boses kong sabi. Nalulungkot at nadidismaya sa sarili. Wala akong nagawa. 

"What?"

"He's gone."

Umiling siya. "Stop fooling me!" inis niyang singhal. "Don't play a prank on me. I need him here, I have to tell him something important."

"No, ate." umiling ako. "I'm really sorry, but he's really gone."

"What?" bumagsak yung balikat niya sa sobrang lungkot. Namumuo na ang luha dahil hindi na kinakaya yung tinatago niyang emosyon. "I'm warning you, Klarisse. Tigilan mo na ang panloloko sa akin! I get it now, mahal ko na siya. Mahal na mahal ko na siya, hindi ko na siya kayang mawala. Kaya tangina, ilabas mo na siya!"

"No, ate. I'm really serious."

Para siyang nanghina sa narinig. 

"I'm sorry. . ."

"Sabi mo naabutan mo pa sila." sambit niya. "Sabi mo nandito pa siya nung nakarating ka dito sa airport!"

Pinagtitinginan na kami rito sa terminal pero wala na siyang pakialam.

"He was." sambit ko. "But I can't stop him, ate. I really can't. He really needs to go."

"You promised me, Klarisse." inis niyang sabi. "You promised me!"

"I know, ate. I know." sambit ko. "I did my best."

"You didn't!" sambit niyang inis na inis. "Wala na nga siya dito! Nakaalis na, anong best yung sinasabi mo?"

"I really did, ate. I really did."

Napaupo siya nang dahan dahan at napahagulgol na nang malakas. 

"He's gone." sambit niya. Sobrang lungkot. "This is all my fault. This is all my fucking fault!"

Hindi nangyari yung buong plano ko. 

Naiba yung resulta. Nawala si bayaw.

Hindi ko alam kung makakabalik pa siya dahil may malaking problema siyang haharapin sa kung saan man siya pupunta. Matatagalan siya panigurado makabalik rito. 

I know how stubborn she was. Alam kong mahirap para sa kaniyang tanggapin na hindi na si Black ang mahal niya dahil akala niya, kaya niyang panindigan yung sinasabi niyang isang tao lang ang mamahalin niya buong buhay niya, wala ng iba.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now