Chapter 29

171 17 6
                                    

Eleven.

"HEY!" 

Anak ng! 

"What the—"

Halos atakihin ako sa puso sa lakas ng katok ng bintana ng kotse. 

Nakita ko saglit yung ngingising ngising mukha ni Klarisse na nakatingin sa amin bago ko maiiwas yung mukha sa asawa ko at sa paningin ko sa labas ng bintana niya.

Para yata akong pagpapawisan nang matindi dito sa loob ng kotse. Anak ng. 

Anong pumasok sa utak ko para magpa uto sa iniisip kong gusto ko siyang halikan? 

Nakakahiya! 

Muntik na kaming mag kiss ng asawa ko. 

Sobrang lapit na naming dalawa kanina na siguradong kunting usog na lang, mahahalikan niya na ako. 

Pero dahil kay Klarisse, hindi yun natuloy.

"Why is she still doing here?" rinig kong bulong ng asawa ko na nasa tabi ko lang. Hindi ko parin siya malingon dahil sa sobrang hiya.

Hindi ko talaga alam kung bakit ko nagawa yun! Sana hindi siya magalit. Nakakahiya talaga. 

Naririnig ko parin si Klarisse na kumakatok sa bintana ng asawa ko at siguradong hindi kami titigilan hangga't hindi namin siya pagbubuksan. 

Narinig ko na lang binuksan ni Amber yung bintana niya para marinig si Klarisse sa labas.

"Bakit nandito ka pa?" rinig kong tanong ng asawa ko na parang naiinis nung nagtanong siya. 

"Are you upset that I am still here?" narinig kong sarkastikong tanong ni Klarisse.

Narinig ko yung malakas na buntong hininga ng asawa ko. Hindi siya naka rebutt.

"Edi sorry." sarkastong dagdag pa ni Klarisse. Narinig kong binuksan niya yung pintuan sa likod at sumakay sa back seat.

Napapikit ako.

Anak ng. Sumakay pa talaga si Klarisse sa likuran! 

Hirap na hirap na nga ako rito sa sobrang pagkailang at konsensya ko, dumagdag pa siya sa iisipin ko sa buong byahe. 

Parang gusto ko na lang matunaw sa kinauupuan ko. 

"Hey, bayaw." nang aasar yung boses niyang tinawag ako. Ito na nga ba yung sinasabi ko eh! "Ikaw rin?"

"H-Huh?"

"Are you upset too?"

Napalunok ako at hindi alam ang isasagot. Parang biglang namula yung buong mukha ko sa sobrang hiya. 

"Klarisse. . ."

"What?"

"Shut your mouth."

"Why? May masama ba sa tanong ko?" sarkastikong tanong naman ni Klarisse at hindi na naman nakasagot yung asawa ko. 

"Sorry, bayaw. . . " anak ka ng. ". . .kung naudlot."

"N-Naudlot?"

"Klarisse!"

"Sorry kung naudlot yung pag commute ko." sambit naman ni Klarisse. "Come on, ate. Ano bang nasa isip mo na sasabihin ko?" nakakaloko yung pagka sarkastiko niya. 

Buong byahe ay hindi ako makagalaw nang maayos. Para pang bilang yung paghinga ko sa sobrang pagkailang ko. Parang may nakamasid pa sa bawat galaw at kilos ko kaya hindi ko talaga alam kung paano kumilos nang kumportable ngayon. 

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now