Chapter 6

179 14 0
                                    

Eleven.

"Asawa ko." malambing kong tawag. "Anong ginagawa mo?"

Ngumiti siya sa akin na para bang wala ng bukas.

Para akong nakakita ng liwanag!

"Nagpapaganda para sa'yo, mahal ko." malambing niyang boses. Napangiti naman ako. Nakakahawa yung ngiti niya kaya ako eto, mukhang tangang ngiting ngiti rin.

Nakakakilig naman marinig na nagpapaganda siya para sa kin.

Umupo ako sa tabi niya. May hawak hawak siyang salamin, nagkikilay.

"Hindi mo naman na kailangang magkilay, on fleek naman na yan." puri ko sa kaniya.

"Eh gusto ko magkilay para sa mahal ko." sagot naman niya ng malambing.

Hinalikan niya ako sa pisngi. Ang sweet naman! Kinikilig tuloy ako nang malala!

"Gusto mo tulungan kita?" tanong ko sa kaniya.

"Huwag na. Magluto ka na lang para sa tanghalian natin, mahal ko." ang sarap namang marinig yung mahal ko sa boses niyang napakaganda na medyo barako!

"Gusto kitang tulungan, asawa ko." sagot ko sa kaniya. "Mukhang nangangalay ka na diyan kakakilay."

Huminga siya nang malalim. "Sige na nga." binigay niya na sa akin yung blade.

Humarap siya sa akin.

"Papagandahin kita, asawa ko."

Nakakasilaw naman yang ngiting yan!

Nagsimula ako sa kanang kilay niya. Dinahan dahan ko lang kasi baka mapunit ko yung balat niya. "Masakit ba, asawa ko?"

"Hindi naman, mahal ko."

Pinagpatuloy ko lang yung pagkikilay ko sa kaniya.

"Ang bango mo naman mahal ko."

Tumingin ako sa kaniya na nakapikit na kinikilayan ko. "Mas mabango ka, asawa ko."

Binalik ko yung tingin ko sa kilay na inaayos ko na—mukhang hindi yata maganda yung kinalalabasan.

Nanlalaki yung mata ko dahil parang numipis yata yung linya ng kilay niya.

Uh-oh.

Napalunok ako.

Tinitignan ko yung kaliwang side ng kilay niya. Ang layo ng pinagkaiba!

"May problema ba, mahal?"

"Uh. . .wala!" tumawa ako nang mahina. Tawang kinakabahan. "Sa kaliwang kilay mo na ako ha!"

Papalit palit ako ng tingin sa kilay niya habang inaayos naman yung kaliwa para alam ko kung ano yung pantay sa hindi.

Napalunok na naman ako.

Hindi na naman mukhang pantay!

Bumalik ako sa kanang kilay niya para ayusin muna yung hindi ko pa natatapos sa doon.

At bumalik ulit ako sa kaliwang kilay niya.

Hanggang sa. . .wala na natirang kilay.

Anak ng! P-Paano na 'to?

"Bakit ang lalalim ng hininga mo, mahal?"

Dahil kinakabahan ako! "Uh. . .wala naman." kabado kong sagot.

"Tapos ka na ba?"

"H-Hindi pa."

"Tapos ka na eh."

"Hindi pa talaga."

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now