Chapter 69

273 22 0
                                    

Eleven.

"What was she doing here?" masungit na tanong ng nanay ko na nakapamewang pa.

Nakauwi na nang maaga si Amber dahil pinauwi na siya ng nanay ko kahit alam kong ayaw ng girlfriend kong umalis. Pero dahil mismong nanay ko na yung nagsabing umuwi na siya, wala na siyang nagawa. Sinunod niya kaagad yung nanay ko kahit alam kong sa mga tinginan niya ay ayaw niya.

Ang sabi ko, ihahatid ko na siya pauwi pero hindi na siya nagpahatid. Kailangan daw ako dito ng nanay ko. Sasabihan niya na lang daw ako kapag nakauwi na siya ng bahay.

"She was just visiting me here."

"And she was naked?" mataray na sambit ng nanay ko.

Napalunok ako. Bigla akong nahiya kasi nakita niya talaga yung buong eksena kanina. Bakit ba kailangan niya pang masaksihan yung bagay na 'yun? 

Huling huli talaga kami sa akto kanina.

"You said you were both slowing things down." disappointed niyang sabi.

"We are, mom."

"Yun ba yung slowing things down?"

Naglaro laro ako ng kamay ko ngayon dahil hindi ko rin alam yung sasabihin ko.

Nadala talaga ako kanina. Hindi ko rin nakontrol yung sarili ko. Siguro dahil na rin sa alak na ininom ko kanina. Ang nakakahiya pa lalo ay nakita niya pa kami sa ganung klaseng eksena.

"My god." disappointed niya pang sambit.

Wala na yatang ikaka awkward yung mahuli ka ng magulang mo na may ganu kang ginagawa.

Napabuntong hininga ako. "Sorry kung nakita mo pa 'yon, Mom." sambit ko na napapakamot pa sa ulo. "Pero sana inantay mo na lang ako kaninang buksan yung pinto—"

"I was knocking your door and ilang beses rin akong nag doorbell. I was so worried kung bakit hindi mo ako pinagbubuksan, ang tagal ko na rin nasa labas. Akala ko kung ano na nangyari sa'yo." paliwanag ng nanay ko. "Kaya binuksan ko na talaga yung pinto. Yun pala may ginagawa na kayong milagro!"

Hindi ako nakapagsalita sa hiya. Para akong bata ngayon na pinapagalitan.

"Is she always here?"

Hindi ako naka sagot.

Nakita ko siya na parang napangiwi na parang disgusted. Mukhang alam ko na kung ano tumatakbo sa utak niya.

"What kind of girl is she?" bulong njya pero narinig ko parin.

"Mom." suway ko dahil sa naging reaksyon niya. Hindi naman tamang husgahan ng ganon yung girlfriend ko. 

"My god. Ang layo-layo niya talaga kay Luella." inis niyang sambit. Kumunot naman yung noo ko dahil sa narinig. "Sana kasi si Luella na lang, anak. She's a decent girl—"

"Mom." suway ko ulit pero this time, natahimik na siya. Nagpipigil na magsalita.

"Why can't you be with her?"

"Because she's not the person I want." mabilis kong sagot. "I love Amber, mom. Please stop criticizing her on your mind."

"You're also happy with Luella." sambit niya. "Magaan yung loob mo kapag kasama mo siya."

"Because we were friends."

"Wala bang mas hihigit pa doon?"

"Wala na, mom." sigurado kong sagot. Alam ko kung ano yung gusto ko, alam ko rin kung anong ayaw ko. Hindi niya kayang diktahan kung ano pa man 'yon.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now