Chapter 38

419 23 8
                                    

Eleven.

Natatawa na lang ako sa sarili ko.

Natatawa na lang ako sa mga desisyon ko sa buhay.

Hindi ko akalain na madadala ako ng mga paa ko dito sa tapat ng bahay pagkatapos naming magsagutan nung nakaraang araw. Nawawala na naman ako sa sarili ko para bumalik pa dito at magmasid sa itaas ng kwarto niya.

Nakakatawa talaga dahil nandito ako kahit na alam kong pinagtatabuyan na ko ni Amber. Nandito ako kahit na sinusuka niya ko bilang asawa niya.

Paano ko nga ba maiiwasang pumunta dito kung sobrang miss ko na talaga siya? Sobrang miss ko na talaga yung dati.

Sobrang miss ko na dito tumira. Miss 'ko na talagang makasama siya sa iisang bubong.

Akala ko naman matitibag ko na lahat ng mga pader na hinarang niya sa pagitan naming dalawa. Akala ko malapit na malapit na.

Pero hindi.

May mga nakatago pa palang pader sa loob ng mga pader na tinitibag ko. Tinayuan niya pa nga yata, parang triple pa.

Tignan mo, na-kick out ako sa bahay. Ni hindi niya nga rin ako matignan katulad ng mga tingin niya sa akin noon. Ni hindi niya na ako makausap na nang maayos dahil tuwing sinusubukan ko, nag aaway lang kami.

Parang tumalon yung puso ko dahil sa kakarampot na tuwa. Sumilay yung ngiti sa mukha ko nang may pait.

Gising siya. Nagbablower na siya ng buhok. Mukhang kakaligo lang niya at kakauwi lang galing trabaho.

Ibang tuwa parin yung binibigay mo sa akin kahit makita ka lang sa malayo, Amber.

Nakakain ka na kaya ng dinner, asawa ko?

Kumusta kaya yung trabaho mo? Naistress ka ba sa work mo?

Kung okay lang tayo tapos nandiyan ako sa bahay at nakasalubong mo ako sa sala, hihilutin ko ulit yung mga paa mo katulad ng ginagawa ko sa'yo parati kapag umuuwi ka galing trabaho kasi sabi mo, palaging sumasakit yung paa mo sa heels at sa kakalakad.

Natapos mo na kaya yung sinusubaybayan natin sa TV? Tinapos mo na ba yun kahit wala na ako diyan sa tabi mo?

Hindi na ba ganun sumakit yung puson mo kapag may menstruation ka? Kada buwan kasi nahihirapan kang bumangon at kumilos. Ni hindi ka nga rin makakakain.

Pambihira lang talaga na wala na ako diyan sa tabi mo at hindi ko na matanong o magawa lahat ng bagay na gusto kong gawin para sa'yo.

Pinaalis mo na ako.

Galit ka pa sa akin.

Buti na lang talaga malinaw pa yung mata ko dahil kung malabo na, hindi na kita kayang tignan sa malayuan.

Kitang kita ko yung pungay ng napakaganda mong mata. Nararamdaman ko kung gaano ka kalungkot ngayon dahil hindi ganyan yung mga mata mo kapag nakikita kita sa malapitan.

Nararamdaman ko rin yung pagod mo. Hindi ganyan yung pagod mo kapag umuuwi ka galing sa opisina dahil may halong exhaustion yung nakikita kong pagod sa'yo.

Ano na bang nangyayari sa'yo, Amber?

You don't really look okay, you seem exhausted and drained. Iniistress ka ba ng boyfriend mo para maging ganyan yung nakikita ko sa'yo?

O ako ba yung nagpapa stress talaga sa'yo pati yung kasal?

Kilalang kilala ko yung galaw mo, yung mood mo. Ni hindi ko nga lang malaman kung ano yung iniisip mo.

Kung may magagawa lang talaga ako para mawala yang nararamdaman mo diyan. Pero wala na ko lalong magawa dahil hindi na 'ko makalapit sa'yo. Hindi mo na 'ko pinapayagang makalapit.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon